Chapter 1 : Bloody Night

1677 Words
"SARADO na kami. Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang lumabas ng ganitong oras Crimson?" masungit na sabi sakin ni Mr. Clayton ng inilatag ko sa harapan ng pawnshop nito ang kwintas na ninakaw ko kanina lamang. "Nakikiusap po ako Sir, ito nalang po ang kelangan ko para sa operasyon ng kapatid ko. Baka pwede naman pong mahabol. Pangako, ito na po ang huling transaksyon ko sa inyo." naluluha kong sabi sa kanya. Alam kong ibinaba ko na ng tuluyan ang sarili ko para lang makiusap dito pero walang bahid ng pagsisisi ang puso ko. Sa pamamagitan ng kwintas na ito ay makukumpleto ko na ang 500 thousand na kelangan ko para maisagawa ang operasyon ng aking kapatid. Baliw mang pakinggan pero handa akong ibenta sa demonyo ang sarili kong kaluluwa para lang mailigtas ang buhay ni Niccolo. Bata palang ang kapatid ko ay mayroon na ito congenital heart condition. Sa edad na walo ay umiinom na ito ng maintenance na siyang kinakaya kong suportahan buwan buwan. Ngunit ng tumuntong ito ng siyam ay nagkaramdam na ito ng iba't ibang komplikasyon, hindi na nito magawang maglakad at hirap na din ito sa paghinga. Kaya naman inirekomenda ng doktor na isailalim ito sa lalo't madaling panahon sa isang surgery. Napakunot-noo na lamang na humarap sakin si Mr. Clayton habang inaayos ang mga gamit nito. Tinakpan na din nito ang maliit na butas sa teller section ng pawnshop dahilan para bumalik sakin ang kwintas na inilatag ko kanina. "Baka gusto mong i-report kita sa pulis. Alam kong nakaw ang mga dinadala mong alahas dito." masungit na sabi nito sakin. Mabilis akong lumuhod sa harapan niya at iniyuko ang sarili ko. Napakagat labi na lamang ako para pigilan ang emosyon ko. "Sir nakikiusap po ako, buhay po ng kapatid ko ang kapalit nito. Pakiusap." unti-unti ng tumulo ang luhang kanina lang ay nangingilid sa mga mata ko. Ayokong umiyak, pero kelangan kong gawin ito para mapalambot ang puso ng taong nasa harapan ko ngayon. "Hindi pwede. Magsasarado na ako, wala akong balak maging hapunan ng mga demonyong naghahanap ng mabibiktima sa gabing ito." "Nakikiusap po ako, parang awa niyo na." Sa pagkakataong ito ay handa na akong halikan ang mga paa niya para lamang pagbigyan nito ang hiling ko. Hindi pinansin ni Mr. Clayton ang sinabi ko, saglit na nabalot ng katahimikan ang buong lugar hanggang sa nakarinig ako ng mabibigat na yapak. Alam kong hindi pagmamay-ari ni Mr. Clayton ang mga yapak na 'yon, parang nagmumula ito sa likuran ko. Napasilip ako ng bahagya ng makaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sensasyon mula dito. Hindi pangkaraniwan ang biglang paglamig ng paligid maging ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Pagkalipas ng matagal na panahon ay muli akong nakaramdam ng takot. Hindi ko magawang silipin ang mukha ng lalaking kausap ni Mr. Clayton dahil natatakpan ito hood ng jacket niya. Isa lang ang nasisigurado ko, delikado ang taong 'yon. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita kong ilang beses ding napatango si Mr. Clayton habang naguusap silang dalawa. Sayang dahil wala man lang akong marinig sa usapan nilang dalawa, tanging galaw ng labi lamang ang sinusubukan kong intindihin. Di nagtagal ay natapos din ang kanilang usapan at may baong ngiti sa labi ang mukhang perang matanda ng lumapit ito sa kinatatayuan ko. Laking gulat ko ng binawi nito ang kwintas sakin. Naningkit ang mga mata nito at napangiti. "Okay pero hanggang trenta mil lang ang mabibigay ko sa'yo para sa kwintas na ito." Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabing iyon ni Mr. Clayton. Natuyo bigla ang luha mula sa mga mata ko ng makita kong nagbibilang na ito ng paper bills. Sa wakas ay magagawa ko na ding maipagamot ang kapatid ko. Hindi ko na din namalayang wala na pala ang lalaki bumisita kanila lang dahil sa sobra akong natuwa sa pangyayari. "Pasalamat ka at bibilhin ng lalaking iyon ang kwintas na ito bukas." nakakunot noo na sabi sakin ni Mr. Clayton sabay abot ng thirty thousand pesos. Bibilhin ng lalaki ang kwintas? Bakit? Bahala na. Wala na din naman akong pakialam sa bagay na 'yon. Baon ang maganda balita at ngiti saking mga labi ay naglakad ako patungo ng hospital. Humigit kumulang limang kilometro ang layo nito mula sa pawnshop ni Mr. Clayton. Napawistle nalang ako habang pinagmamasdan ang buong paligid. Tahimik na ang gabi, wala ng taong naglalakad sa kalsada at lahat ng mga establisyemento ay sarado na. Ilang buwan na ba ang nakalipas noong huli kong nakitang masaya ang lugar na ito? Napakaingay ng sidewalk dahil sa dami ng nagtitinda sa tabi tabi, puno ng sasakyan ang kalsada dahil sa traffic at malaya pang nakakapaglakad ang mga tao. Tatlo? Apat? Hmmm. Tama. Limang buwan na din simula ng mabalot ng takot ang syudad ng Pasay dahil sa kumalat na balita tungkol sa mga bampirang pumatay ng sampung tao sa isang foam party. Sinundan pa ito ng isang street slasher na binayaran para isagawa ang planong mailabas ang totoong katauhan ng mga halimaw na nagpapanggap bilang mga normal na tao. Akala ko matatapos din ang lahat ng 'yon pero tuluyang nabalot ng takot ang puso ng mga tao dahil sa naging sunod sunod na balita. Dahil sa pangyayaring yun ay naging ghost town na ang buong lugar. Tuwing sumasapit na ang alas-9 ng gabi ay wala ng taong lumalabas mula sa kanilang mga tahanan. Takot ang lahat na mabiktima ng mga bampira at magising kinabukasan na nakabulagta na sa kalsada, may marka ng kagat ang leeg at tila inubos lahat ng dugong mayroon sa katawan. Ako lang yata ang mayroong lakas ng loob para lumabas, maghanap ng mabibiktima at magnakaw. Daig ko pa ang mga nababalitang bampira dahil nakaka-limang ako sa isang gabi. Ang pinagkaiba pa ay hindi buhay ang kinukuha ko kung hindi wallet at mga alahas. Wala na din naman akong dapat pangalagaan. Isa nalang ang rason ko kaya ako lumalaban, ito ay para sa aking kapatid. Bigla kong binilisan ang paglalakad ng maramdaman kong parang may sumusunod sakin. Hindi ko mawari kung guni-guni ko lamang ito pero alam kong kanina pa ito nakabuntot simula ng napadaan ako sa isang bus station. I draw a deep breath as I speed up my pace. Isang kanto nalang ay makakarating na ako sa ospital. "Why are you in a hurry?" Napaawang ang bibig ko ng may sumulpot na isang matipunong lalaki sa harapan ko. Nakasuot ito ng uniporme ng isang barista at may hawak hawak na isang kutsilyo. Masasalamin sa mga mata ito ang kadiliman at pananabik, para akong nagmukhang isang masarap na pagkain sa harapan niya. Ngumiti ito ng nakakaloko sakin kaya naman lumabas ang dalawang matutulis niyang pangil. Here's a vampire. Napahinga ako ng malalim. Sinubukan kong kurutin ang sarili ko para kontrolin ang kabang nararamdaman ko. Kelangan kong makarating ng hospital ng buhay, alang alang sa kapatid ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay ngayon. "Maglaro naman tayo Miss. Wala ka namang choice dahil papatayin din kita pagkatapos." tumawa ito ng malakas sabay lapit sa kinatatayuan ko. He grinned at me. "Hindi naman din ako naniniwalang hindi pwedeng paglaruan ang pagkain." he winked at me, pagkatapos ay dinilaan nito ang kutsilyong hawak hawak. Gustuhin ko mang tumakbo pero para akong nasemento sa kinatatayuan ko. Hindi lang doble, kung hindi triple na ang bilis ng t***k ng puso ko. Subukan ko mang sumigaw ay wala na ding lumalabas na boses mula sakin. "Saan ba tayo mag uumpisa? Sa daliri, tenga o sa leeg?" tila baliw na sabi nito habang pinapagapang ang kutsilyong hawak sa mukha ko. Nagbago na din ang mga mata nito, mula sa pagiging itim ay naging pula ang mga mata niya. Hugis tatsulok ang gitna nito at napakaraming ugat sa paligid. Saglit kong naigalaw ang katawan ko ng maramdaman kong nasugatan na nito ang mukha ko. Mabilis naman itong lumapit sakin, dinilaan nito ang kaonting dugo na nasa pisngi ko. Tila hayok at punong puno na ng pagnanasa ang galaw nito. Naririnig ko na din ang lalim ng paghinga niya. "Akala ko pa naman mageenjoy ako sa'yo but your a weak type." nabigla ako ng napigilan nito ang kamay kong nasa tagiliran niya. s**t! Inagaw nito ang hawak kong kutsilyo at siya na mismo ang sumaksak sa sarili. Dumugo ito ngunit isang malakas na tawa lang ang naging reaksyon niya. Wala itong pakialam kahit pa napakalalim ng pagkakabaon nito. "Hindi mo ako mapapatay sa simpleng saksak lang Miss. You're boring." Napapikit nalang ako ng inilapit nito ang sarili sa leeg ko. Subukan ko mang lumaban pero panginginig nalang ang kayang kong magawa. Ito na ba ang kamatayan ko? Hindi ko na ba magagawa ang pangako ko kay Niccolo? "Open your eyes." mabilis kong iminulat ang mga mata ko sa pag-aakalang namatay na ako mula sa kagat ng bampirang 'yon. Ngunit ibang tanawin ang nakita ko. Kamadong nakatayo sa harapan ko ang isang lalaking kulay gray ang buhok. Ilang pulgada ang tangkad nito sakin at nakasuot ito ng kulay itim na jacket. Hawak hawak ng kanang kamay nito ang ulo ng bampirang muntik ng tumapos sa buhay ko. Mabilis akong napatakip ng bibig ng makita ko ang katawan nito at duguan leeg. "Can you move?" Awang ang bibig na nakatingin lang ako dito. I can hear him but I don't know how to respond. Gustuhin ko mang magsalita pero pinipigilan ako ng katawan ko, marahil ay dahil ngayon lang ay nakaranas ako ng isang near death experience? O baka naman natakot ako sa ginawa niyang pagpatay sa bampirang nasa tabi namin? O baka natakot ako dahil narealize kong ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang taong ninakawan ko ng kwintas sa tren kaninang umaga at ang taong nasa pawnshop ni Mr. Clayton kanina. Naputol bigla ang pag-iisip ko ng biglang lumakas ang ihip ng hangin. Inilipad nito ang mahabang buhok na nagtatakip sa kanang mata niya. Susubukan ko sanang magsalita ngunit huli na. Natameme na ako dahil nakita ko nalang ang sarili kong yakap yakap na ng lalaking hindi ko man lang kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD