[Crimson]
Siguro malaking halaga ang katumbas para lamang mapangiti ang lalaking ito. Halos mangatog na nga ang mga tuhod ko habang ginagawa ang ipinaguutos niya ngunit wala man lang akong narinig kahit simpleng pasasalamat mula dito. Malapad ang ngiti ko pero binalewala lamang nito ang kaplastikang ipinakita ko sa kaniya.
"Why are you frowning? I saved you from being jailed and I gave you a job, you should be thankful."
Humugot lamang ako ng malalim na buntong-hininga at maingat na inilapag ang mainit na kape sa harapan niya. Simula nang makapasok ako sa lugar na ito, kung ano-ano na ang ipinapagawa niya sa akin.
"Wala po, M-master." Kumakati pa rin ang lalamunan ko sa tuwing tinatawag ko siya sa gano'ng paraan. Kung p'wede lang sanang huwag ko siyang kausapin ay hindi na ako sasagot dito.
Hanggang sa kumunot na lamang ang noo niya nang mapansing panay ang diin ng palad ko sa aking suot.
"Huwag mong subukang magnakaw sa opisina ko. Baka hindi ka makabalik ng buhay sa kapatid mo," aniya sa madiing tinig at may pagbabanta akong tinitigan.
Wala akong karapatang singhalan ito kahit gustong-gusto ko na dahil pinaparatangan niya ako sa isang bagay na hindi ko naman naiisip na gawin. Gano'n ba kasama ang tingin niya sa akin?
Takot ko nalang at baka mamaya may masama pa siyang gawin sa 'kin at mapilitan pa akong yakapin ang rehas dahil sa tangkang self defense.
Ikinabigla ko dahil segundo lamang ay nakatayo na siya sa harapan ko at biglang hinablot ang aking kamay.
"What's wrong?" galit nitong sabi.
Napamura na lamang siya nang makitang dumudugo ang kamay ko dahil kanina ko pa ito dinidiin dala ng sobrang hapdi. Hindi ko naman masabi sa kaniyang kumakati din ang hugis krus na sugat na iniwan nito sa aking kamay pagkatapos ng contract binding namin.
Iniyuko ko nalang ang aking ulo nang makaupo na kaming dalawa sa itim na sofa ng opisina nito at may nakalagay na sa tabi niyang isang first-aid kit.
Hindi ko maintindihan dahil bigla nalang nagkaroon ng karera sa dibdib ko. My mind and heart is racing while he's staring at me.
Panay pa ang lunok nito nang pinaharap niya ang palad ko at nasilayan ang konting dugong nagmumula doon.
Dapat ko bang ilayo ang kamay ko dahil baka mamaya bigla niya nalang akong patayin dahil sa matindi nitong pagnanasa sa dugo? O susundin ko ang sinasabi ng isipan kong hayaan ko lamang siya sa nagtitiis ito sa kaniyang ginagawa para lamang gamutin ang sugat ko?
"Hindi ko nagawang ibigay sa'yo ang apples na pinabibigay ni Niccolo dahil nabitawan ko ang hawak ko kanina sa labas. Nasayang tuloy lahat kanina," mahina kong sambit habang pinagmamasdan itong seryosong ginagamot ang sugat ko.
"Aray! Masakit!" Natigilan siya at nagsalubong ang magkabila nitong kilay dahil sa narinig. Hindi ko sinasadyang umangal pero naramdaman ko kasi ang hapdi dahil sa inilagay nitong ointment.
Lalo niya lamang akong sinamaan ng tingin kung kaya kinagat ko nang marahan ang labi ko habang ginagamot niya pa rin ang aking kamay.
Napatitig siya sa akin gamit ang madilim na mukha.
"Stop what you're doing right now, stupid!" Ramdam ko ang galit nito.
Wala naman akong ginagawa, nakaupo lang naman ako sa harapan nito habang abala siya sa paglalagay ng benda.
Hinigit nito ang kaniyang hininga, he looks really mad at me sa hindi ko malamang kadahilanan. Pinigilan kong huwag mapasinghap nang maramdamang natapos na nitong balutin ng benda ang kamay ko at inilalapit na nito ang sarili sa 'kin nang dahan-dahan.
"I told you to stop doing that, for Pete's sake!" singhal niya na lalo lamang nagpadiin sa pagkakakagat ko sa pang-ilalim kong labi.
Naramdaman ko nalang na narating ko na pala ang sulok ng sofa habang nasa harapan ko naman si Chase at masama ang tingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung anong nagawa kong mali, mas lalo lamang dumidilim ang mukha nito habang nanlalaki naman ang mga mata ko.
"M-may ipapagawa pa po ba kayo sa 'kin, ma-master?" kaagad kong tanong nang mapansing masyado ng malapit ang mukha namin sa isa't isa.
"Shut up!"
Iyon lamang ang narinig ko mula sa kaniya bago ko naramdamang hinalikan nito nang madiin ang labi ko. Matalim pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin bago ito napapikit at pinaglalim ang halik.
Sinubukan kong huminga ng malalim ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng kaniyang dila. Heto na naman ang kakaibang sensasyong naramdaman ko noong una niya akong hinalikan, isang senswal na pakiramdam na parang nagdadala ng kakaibang init sa aking katawan.
Agad ko na lamang na naramdaman ang lasa ng dugo na isinalin nito sa pamamagitan ng kaniyang labi. Hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung saan nanggagaling ang lasang 'yon.
"Next time, I'll suck your blood 'till you dry up," seryoso nitong sabi at saka tinitigan ang aking leeg.
Hinihingal at walang boses na lumalabas mula sa aking bibig dahil sa kaniyang sinabi. Humugot na lamang ako ng malalim na hininga at pinakiramdaman ang nanginginig kong kalamnan.
Relax, Crimson! Relax!
Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil nanghihina talaga ako sa ginawa niya sa akin. Ayoko namang alisin ang paningin ko sa kaniya at baka kung ano nalang ang gawin nito habang nagpapahinga ako.
"What's with that stare? Galit ka ba dahil sa ginawa ko? It's your fault, I warned you."
Umigting ang panga niya. "Dahil sa'yo nabawasan ang accomplishment ko as a police officer, huhulihin na sana kita natigilan pa dahil sa pagnanakaw mo ng kwintas ko."
Huminga ako ng malalim at naiyukom ang aking palad. He's angry pero tuwa naman ang nararamdaman ng puso ko.
"Dahil sa'yo nailigtas ko ang buhay ng kapatid ko. Nagdadalawang-isip man akong pumunta dito pero wala akong nagawa dahil habambuhay kong tatanawing malaking utang na loob ang ginawa mo. I know I'm a criminal, kilala ako sa syudad na ito dahil sa walang tigil kong pagnanakaw pero hinding-hindi ako magsisisi dahil nagawa kong dugtungan ang buhay ng kapatid ko sa pamamagitan ng masamang gawaing ginawa ko."
Hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin ang kanina ko pa kinikimkim.
Bumuga siya ng marahas na hangin at bumalik sa swivel chair nito. "You're still a criminal, your reason won't change a thing."
Lihim akong napangiti sa sinabi niya. "Oo, kriminal ako pero hindi ako masamang tao. Sa tingin mo ba mabubuhay kami ng kapatid ko sa mundong ito kung hindi ako gumawa ng paraan? Baka matagal na kaming pinatay ng mga bampirang tulad mo kung sa lansangan kami tumira. Wala ng tutulong sa amin dahil wala kaming pamilya."
Naramdaman kong binalot na lamang ng kakaibang lamig ang buong paligid. Masama ang tingin nito sa akin at animo'y handa na itong kiti!in ako dahil sa mga sinabi ko.
"May mga bampira man o wala, mahihirapan pa rin akong makahanap ng disenteng trabaho dahil sa estado namin. Life is too unfair for us, Mr. Chase." Pinakatitigan ko siya sa mga mata.
Kitang-kita ko kung paano niya ako sinalubong ng masamang tingin. Hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang pula nitong mata na kasing kulay ng mga dugong nakikita ko sa lansangan sa tuwing tumatakbo ako pabalik ng ospital.
"Don't blame your misfortune on others," aniya at iniwas na lamang ang tingin sa akin.
Pinanood ko lamang kung paano nito kinuha ang ilang bundle ng papeles at inilagay sa harapan niya, magsasalita na sana ito ngunit natiligan nang umilaw ang pulang button sa gilid ng kaniyang mesa.
"Scan this documents for me and wait for my return. Don't try to escape. Mahahanap at mahahanap kita kahit hindi ka pa bumalik ng ospital," masungit nitong sambit at nagmamadaling lumabas ng pinto.
Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang maiwan akong mag-isa sa kaniyang opisina. Wala ng nagsusungit sa akin at wala na ring sumisinghal na para bang handa nito akong patayin dahil sa matinding inis na nararamdaman niya.
Pinagmasdan ko na lamang ang mga litrato at plaque sa loob ng malaking cabinet habang hinihintay kong matapos ang mga papeles na inilagay ko sa document feeder.
"He's a vampire pero tumutulong ito sa mga tao," mahina kong bulong habang nakatingala sa aking tinitingnan.
Hindi ko mapigilang huwag mamangha sa aking nakikita, mukha kasi siyang tao sa mga litratong nakikita ko kung kaya naman hindi nakapagtatakang hindi ko siya nakilala sa unang tingin. Kung hindi lamang lumabas ang magaspang nitong ugali, impossible talagang isipin kong siya ang bampirang nagligtas sa buhay ko at ng aking kapatid.
Huminga ako ng malalim nang marinig ang magkasunod na katok mula sa pintuan. Pinagbuksan ko ito at kaagad namang pumasok ang babaeng una kong pinagtanungan tungkol sa aking master.
Tumingin lang siya sa mga mata ko. "You look sad, Baby girl. What's wrong?" anito at inilapag ang hawak. "Kumain ka muna dahil magugutom ka lang kung hihintayin mo ang pagbabalik ni baby boy. Mabilis siyang magtrabaho ngunit mukhang mahirap ang misyong natanggap niya ngayon."
Inihinto ko muna saglit ang aking ginawa at lumapit sa kinatatayuan nito. Pinagmasdan kong mabuti ang babaeng kaharap ko at kung hindi ako nagkakamaling tao din siya katulad ko.
"Hindi ko po hangaring ma-offend kayo pero p'wede ba akong magtanong?"
Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata. Huminga siya nang malalim saka mahinang natawa.
"Huhulaan ko ang tanong mo. Tungkol ba ito kay Chase?" aniya habang nakangiti.
Tumango ako at napaupo na lamang sa upuang nasa kaniyang harapan. Kumukuha palang ako ng sapat na lakas ng loob pero natumbok na nito ang gusto kong itanong sa kaniya.
"Do you want to know why a vampire like Chase is helping us? Bakit ginusto nitong pumasok sa Metropolitan Police Station bilang pulis?"