[Crimson]
Ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad kahit alam kong mapanganib ang landas na tinatahak ko. Kasalanan ko din naman dahil nabanggit na sa aking mukhang matatagalan ang misyong ibinigay kay Chase ngunit mas pinili ko pa ring maghintay sa kaniyang opisina.
Tinapos ko ang lahat nang ipinaguutos nito sa akin at inayos ko na rin lahat ng p'wedeng ayusin sa silid nito hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip ako dahil sa pagod. Huli na noong makita ko sa aking relo na inabot na pala ako ng alas-nuwebe ng gabi sa Metropolitan Police Station.
Napailing na lamang ako habang naglalakad. Kailangan kong makabalik ng ospital dahil sigurado ay hinahanap na ako ni Niccolo. Baka nag-aalala na ang kapatid ko dahil buong araw akong nawala kahit inaabangan namin ang anunsyo ng doktor patungkol sa kaniyang surgery. Wala naman kasi akong alam na papahirapan pala ako ng lalaking 'yon sa trabahong ibibigay nito sa akin.
Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman kong bumibigat ang hanging nakapaligid sa akin. May street lights mang nagsisilbing ilaw sa dinadaanan ko ngunit ramdam kong napakahirap huminga dahil sa limitadong hangin. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, masyado ba akong napagod dahil malayo ang nilakad ko?
"Bumibigat na ba ang buong katawan mo, Miss?" tanong ng isang lalaking nakatayo habang nakasandal sa isang poste at nakapamulsa.
Hindi ko siya sinagot at pinilit pa ring maglakad kahit ramdam ko na ang pamimigat ng mga paa ko. Mahina lamang siyang tumawa hanggang sa napansin kong sinasabayan na nito ang aking paglalakad.
"You look terrified and scared? Mamaya mawawalan ka na ng malay dahil sa smoke screen na ginawa ko," anito at inilapit ang mukha sa akin.
Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan nang masilayan ang madilim niyang mukhang ilang pulgada lamang ang layo sa akin. Namimilog ang dalawang mapupulang mata nito habang nakalabas ng mabuti ang dalawang pangil sa kaniyang bibig. Malayong-malayo ang hitsura nito kung ikukumpara kay Chase dahil 'di hamak na mas taong tingnan ang lalaking minsang nagligtas sa buhay naming magkapatid.
Pinilit kong lumaban at magpakatatag sa sandaling ito. Alam kong nahulog ako sa patibong niya ngunit hindi p'wedeng isuko ko nang ganito kadali ang aking buhay.
Mahigpit kong hinawakan ang kutsi!yong nasa aking bulsa. Isang maling galaw at hindi ako magdadalawang-isip na isaksak ito sa kaniyang lalamunan. Wala akong pakialam kung mas malakas man ito sa akin o isa siyang immortal, handa akong gawin ang lahat para makatakas mula dito.
Napatitig ito sa akin nang mapansin niyang nagmamatigas pa rin ako at pinipilit na igalaw ang aking katawan. Kita kong umangat pa ang labi nito at may galak na dumukwang papalapit sa akin.
"Weak beings suffer until they die, Miss. Ano bang pwede kong gawin para tapusin ang paghihirap niyong mga tao?" aniya at lumapad lalo ang ngiti sa labi. "I'll savor with your flesh and blood. I'll take your innocence from you, gusto mo ba 'yon?" nakangisi nitong sambit.
Gustuhin ko mang tumakbo upang makalayo dito pero parang nasemento na ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Hinahaplos na nito ngayon ang aking mukha habang matalim ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.
"Hindi mo ako magagawang patayin!" sigaw ko at malakas na itinurok sa leeg nito ang aking hawak.
Sumigaw siya nang malakas dahil sa aking ginawa at lalo lamang dumilim ang mukha nito. Sinamantala ko naman ang pagkakataong 'yon upang hampasin ng malakas ang aking mga paa para magkaroon ito ng kahit konting lakas upang makatakas at makalayo ako mula sa bampirang ito.
Do your best, Crimson! Hinding-hindi ka mamatay ng gabing ito!
Hindi ako tumigil hanggang sa nagagawa ko pang igalaw ang mga paa ko. Ilang hakbang na lamang at mararating ko na ang intersection papunta ng ospital, magagawa ko na ring makatakas mula sa mga matang nakatingin sa 'kin sa syudad na ito.
"Akala mo ba matatakasan mo ako?!"
Pigil ang hiningang napapikit ako nang maramdamang bumuga siya ng marahas na hangin sa aking likuran habang mahigpit ng nakahawak sa aking batok. Sinubukan kong magpumiglas dito ngunit mas malakas siya sa akin.
"Thanks for giving me a good stab. Huwag ka ng lumaban dahil alam nating dalawa na mamamatay ka na sa kinatatayuan mo ngayon," sambit nito at sa mga sandaling 'yon at bumagsak na ang magkabila kong tuhod sa aking kinatatayuan. Tuluyan nang naubos ang lahat ng lakas ng aking katawan.
Bumuntong-hininga ako at napatingala sa buwan, ayoko mang tanggapin na ito na ang magiging katapusan ko ngunit wala akong magagawa. Ramdam ko na ang mahahaba nitong kukong bumabaon sa aking leeg. Pinilit kong tiisin ang sakit at alalahanin na lamang ang masayang mukha ng aking kapatid.
Hiling ko lamang na maging successful ang operation nito upang magawa niyang magkaroon ng masaya at tahimik na buhay kahit wala na ako sa kaniyang tabi.
"Kung sakaling naririnig mo man ako. Please take care of Niccolo for me," mahina kong bulong sa hangin at napangiti na lamang.
I was about to close my eyes when I felt a presence behind me. Nais ko mang lingunin ito para tingnan kung sino ngunit hindi na kaya ng katawan ko. Tumikhim na lamang ako at humugot ng malalim na hininga habang naririnig ang malalakas na tunog sa paligid.
Sunod-sunod na mga kalabog at lagaslas na hindi ko maintindihan kung saan nagmumula, hanggang sa nakarinig na lamang ako ng isang malakas na putok ng bari!.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang hagulgol at mga hikbi mula sa isang pamilyar na boses. Sinubukan kong i-angat ang aking mukha kaya naramdaman ko na lamang ang malambot at maliliit nitong palad sa magkabila kong pisngi.
Ramdam ko ang init ng haplos niya ngunit mas tumatagos sa puso ko ang mala-anghel nitong boses.
"Ate! Ate! Magsalita ka naman po!"
Natigilan ako at mahigpit itong niyakap. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng buo kong katawan ngunit wala akong pakialam. Awtomatikong hinaplos ko ang aking leeg at naramdamang may bendang nakapalibot dito.
Hinawakan ko pa ang pisngi ni Niccolo at pinilit itong tumahan dahil maayos na ang kalagayan ko at walang masamang nangyari sa akin.
"You're alive, don't worry."
Kaagad akong napalingon nang marinig ang maangas nitong boses malapit sa aking kinatatayuan. Nakatayo lamang siya malapit sa bintana at para bang may tinatakpan doon.
Napatitig ako rito at naguguluhang humakbang papalapit sa kaniya. Hahawakan ko na sana ang kurtina nang biglang magsalita si Niccolo.
"Parang hero po siyang pumasok dyan kagabi habang buhat ka, Ate." Tumikhim ako at natigilan. Pinakatitigan ko lamang si Chase at nakitang malalim ang tingin niya sa akin.
Tumaas ang kilay nito. "What are you planning to do with me? You should thank me for saving your life for the second time," mahangin nitong sambit.
Hindi ko maiwasang huwag mairita sa presensya niya kahit pa sabihing nagawa niya akong mailigtas mula sa bampirang umatake sa akin. Gustuhin ko mang magpasalamat dito ngunit walang boses na lumalabas mula sa aking bibig.
Bumuntong-hininga siya at may paghahamon akong tinitigan. Nahihibang na yata ako dahil sa lalaking ito! Nalalaloko ang mga tingin niya.
"Are you angry with me?" anito at inilapit ang mukha sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Bagkus kaagad kong hinawakan ang kamay nito at hinila siya palayo sa kinaroroonan ng kapatid ko. Ayokong marinig ni Niccolo ang iba pang pinag-uusapan namin dahil baka madagdagan lamang ang stress na nararamdaman nito.
"Let go of my hand," madiing sambit niya kung kaya mabilis ko itong binitawan. Iiwasan ko na sana siya nang tingin pero naagaw ang pansin ko nang parang paso malapit sa kaniyang pulsuhan.
Humugot ako ng malalim na hininga ang pinakatitigan ito. "Nakuha mo ba ang sugat na 'yan mula sa pakikipaglaban kagabi?" seryoso kong tanong habang matiim na nakatingin sa mga mata niya.
"You don't need to know. You're just my slave," wika nito habang nakatitig sa aking mga mata. "I told you not to leave my office. What's wrong with you? Bakit lumabas ka pa rin?"
Magkasalubong ang kilay kong tinitigan ito pabalik. "May kapatid akong naghihintay sa akin sa ospital at hindi ko na nga nagawang makausap ang doktor dahil mas inuna kong sundin ang mga utos mo."
Ayokong magpatalo dahil alam kong nasa tama din naman ako.
Umigting lamang ang mga panga niya at deretsong sumagot. "I told you to wait for me, you should've endured your boredom. Ihahatid naman kita sa kapatid mo kung hinihintay mo lamang ako ng ilang minuto. You're just lucky for escaping death again."