[Crimson]
Hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring paniwalain ang sarili kong isa lamang itong masamang panaginip. Ngunit kahit anong gawin ko, sinasampal pa rin ng tadhana sa aking totoo ang lahat nang nakikita ko.
Balewala ang pag-aalalang ipinakita ko sa paso ni Chase dahil gumaling iyon ng kusa at walang kahirap-hirap sa harapan ko. Nawala sa isipan kong immortal nga pala ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.
"Nakausap ko ang doktor ng kapatid mo. His surgery was scheduled the day after tomorrow," seryoso nitong sambit habang nakatingin sa mga mata ko.
Napalunok na lamang ako at tumango. "P'wede bang huwag muna akong pumunta sa opisina mo ngayon?"
Hinawakan ko ang aking leeg at dinama ang ginawa niyang panggagamot sa akin. "Thanks for saving me again, Chase. Pasensya dahil mukhang nadagdagan yata ang utang na loob ko sa'yo."
Hindi ko alam pero gusto kong maging mabuti sa kaniya sa kabila ng angkin nitong kasungitan. I want to stare at him without fear in my eyes. Gusto kong maniwala kahit konti sa sinabi ni Reka na mabuti ang puso niya sa kabila ng malamig nitong pakikitungo sa ibang tao.
Ilang segundo siyang natahimik at nanatiling nakatitig lang sa akin na para bang may malalim itong iniisip.
"Keep yourself safe while I'm not around. They're after you, keep that in mind." Malamig ang boses nitong sambit.
Kinilabutan naman ako sa sinabi niya pero mas nangibabaw ang curiosity sa aking isipan. They're after me? Sino? May ibang pulis bang may balak na ipakulong ako maliban sa kaniya?
Humugot ako ng malalim na hininga at napayukom na lamang. "Sabihin mo sa akin ang totoo, Mr. Chase Arazano. Makukulong pa rin ba ako pagkatapos ng surgery ng kapatid ko? Alam ko marami akong naging atraso at handa akong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa ko."
Dumilim ang mukha nito.
"As long as you're with me. Walang makakagalaw sa'yo," aniya at hinawakan ang aking kamay. "But you need to be careful, my contract will put you in so much pain."
Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong nerbyos. Para bang napuno ng katanungan ang isipan ko. "Sabihin mo kung bakit at paano, Chase."
Binitiwan niya ang kamay ko at napayukom saka mariing ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Prepare yourself for the worst. Hindi ka makukulong pero kailangan mong ingatan ang iyong sarili mula sa mga ka-lahi ko. Malinaw naman sa'yo ang lahat, hindi ba? Your master is a vampire and not just a typical one."
Sasagot pa sana ako dito ngunit humakbang na siya papalayo sa kinatatayuan ko. Sa isang iglap ay naiwan na lamang akong nakatayo sa harapan ng silid ng aking kapatid kasama ang mga katanungang gusto ko pang sanang itanong sa kaniya.
Maari bang ang kontratang sinasabi niya ang dahilan kung bakit ramdam kong maraming nakamasid sa aking ng gabing 'yon?
Panimula lang ba ang ginawa ng lalaking muntik nang pumatay sa akin?
Lihim na lamang akong napabuntong-hininga nang makapasok akong muli sa silid ng aking kapatid. Ramdam kong wala ako sa tamang huwisyo nang magbalat ako ng apple para dito dahil nakalimutan ko ng hugasan ang hawak ko. Basta binalatan ko na lamang ito saka hinugasan pagkatapos.
"Ate? Nasan siya?"
Hinarap ko si Niccolo ng may ngiti sa labi at inabot ang isang slice ng apple sa kaniya. "Pumasok sa trabaho. Hinayaan niya muna akong manatili dito sa ospital para samahan ka."
Nahigit ko ang hininga nang mapansin ang panatag na reaksyon sa mga mata ng kapatid ko. Pakiramdam ko ay naglaho ang pangambang lagi niyang ipinaparamdam sa akin sa tuwing umuuwi ako gabi-gabi.
Hindi ko din naman siya masisisi dahil sa bawat labas ko noon ay walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako ng buhay sa piling nito.
Sa tuwing nagnanakaw ako, palaging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko ngunit hindi pumasok sa isipan kong huminto alang-alang sa kapakanan niya. Si Niccolo lamang ang natitirang rason kung bakit ako lumalaban sa masalimuot at madilim na mundong ginagalawan ko ngayon.
"Sabi ko na nga ba ang tutulungan niya tayo, Ate. Alam ko pong mabait siya at gusto ko siya para sa'yo," aniya sa masayang tinig.
Tinaasan ko ito ng kilay saka hinawakan ang ulo niya at ginulo ang buhok nito.
"Anong gusto para sa akin? Hindi ko naman nobyo ang lalaking 'yon! Huwag mong sabihing nanonood ka na naman ng kung ano-anong drama sa tuwing wala ako?"
Sinamaan ko siya nang tingin at natawa na lamang ang kapatid ko.
"P'wede ka na po bang magpahinga sa trabaho mo pagkatapos nang gagawin sa akin, Ate? Makakahanap ka na ba ng taong magpapasaya din sa'yo?"
Parang tumigil ang mundo ko sa aking narinig. Sabihin mang nagawa ko nang makalikom ng sapat na halaga ngunit hindi pa rin maiwasang huwag akong matakot sa magiging resulta ng operasyon. Ang tanging magagawa ko na lamang ay ipagdasal ito, magtiwala at magsilbing lakas para kay Niccolo.
"Gusto kong magpahinga ka ng mabuti at kumain ng marami para maging handa ka sa surgery mo, okay? Nandito lang si Ate para sa'yo. Pangako, pupunta tayo ng amusement park kapag sinabi ng doktor na p'wede ka nang lumabas."
Masaya itong tumango sa akin sabay subo ng hawak nito. "Sasama po ba ang magiging kuya ko, Ate? Isasama mo po ba siya?" pangungulit nito.
Muntik na akong masamid sa aking narinig at mas lumala pa 'yon nang makita kong nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
Ngumuso siya at nagpa-kyut pa sa harapan ko. "Please, Ate. Ipangako mo sa 'kin na isasama natin siya."
Hindi ko alam kung anong gayuma ang inilagay ng lalaking 'yon sa mga prutas upang maging maamo ang kapatid ko sa kaniya.
Labag man sa kalooban ko ngunit pipilitin ko bilang pagtanaw na rin ng utang na loob dito. "Okay, isasama natin siya pero mangako ka sa 'king titibayan mo ang loob mo ha. Huwag na huwag mong iiwan si Ate."
Tumango ito ng sunod-sunod at kulang nalang tumalon siya mula sa kaniyang kinahihigaan. Mabuti nalang at tanda nito lahat ng bilin sa kaniya ng doktor kung kaya nagagawa nitong pakalmahin ang sarili pagkatapos ng tuwang nararamdaman.
Malalim akong napabuntong-hininga nang sumapit ang tanghali at mahimbing ng natutulong si Niccolo sa higaan nito. Tumayo na lamang ako sa may bintana at pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitaan.
Kailan nga ba ang huling beses na nakapagpahinga ako?
Kailan ba ang huling beses na naging tahimik ang magulo kong buhay?
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at napahawak ako sa aking dibdib upang pakiramdaman ang pagtibok nito. Buhay na buhay pa ako at nagagawa ko pang ngumiti sa kabila ng hirap. Pero maari ko ng sabihin sa puntod ng aming mga magulang na nagawa ko ang misyon ko para kay Niccolo. Hindi ko pinabayaan ang kapatid ko at naging mabuti akong ate sa kaniya.
Kahit pa sabihing muli ko na namang ipapahamak ang sarili ko sa mga oras na ito.
I unknowingly made a contract with him sa pamamagitan lamang ng kwintas nito at hindi ko alam kung anong kapahamakan ang naghihintay sa akin sa tuwing sasapit ang gabi.
Siguro nga walang katapusan ang takot at hirap na mararanasan ko hanggang ako ay nabubuhay, ngunit wala akong balak sumuko hanggang hindi ko nakikitang masaya si Niccolo. Kailangan kong mag-focus upang maisakatuparan ang lahat ng plano ko para sa kinabukasan nito, kahit pa sabihing kailangan ko maging alipin ng bampirang si Chase.
"What's with that smile?"
Napaatras ako nang makita siya sa may bintanang kinatatayuan ko.
"Hindi ka ba marunong pumasok sa pintuan? Naturingan ka pa naman—"
I was cut-off.
Nakita kong nagtagis ang bagang niya habang nakatingin sa akin.
"Straighten up your mind. Ikapapahamak mo ang ginagawa mo," aniya at hinawakan ang kamay ko. "Wala ka bang nararamdaman sa tuwing lumalapit ako sa'yo, Ms. Crimson Monteverde?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita."
"Fvck! Answer me seriously! Anong nararamdaman mo sa tuwing hinahali—" mabilis kong tinakpan ang bibig nito at baka marinig nalang bigla ni Niccolo ang sinasabi niya.
Malakas siyang napabuntong-hininga at kinabig ang kamay ko nang makapasok kami sa comfort room. Nagdagdagan lalo ang kabang nararamdaman ko dahil ngayon ko lang napagtanto ang aking ginawa.
Bakit sa lahat ng lugar ay dito ko pa siya dinala para makapag-usap kami ng masinsinan?
"Answer my question," pag-uulit nito.
Napalunok ako at pasimpleng binasa ang aking labi. Pakiramdam ko nanuyo nalang bigla ang lalamunan ko dahil hindi mawala sa isipan ko ang kinaroroonan namin. "B-bakit kailangan mong malaman? Ano bang mayron?"
"Sabihin mo sa 'kin. Did you lost your innocence with my kiss? Nahimatay ka ng mga oras na 'yon pero may naramdaman ka bang kakaiba bago 'yon nangyari?"
Hinigit ko ang aking hininga at matiim na tinitigan ang mga mata niya. "Bakit mo ba tinatanong sa akin ang mga bagay na 'yan? Huwag mong sabihing kakagatin mo na ako sa susunod?"
Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko habang magkatitigan kaming dalawa.
Napasinghap na lamang ako nang makita kong inangat niya ang kaniyang kamay hanggang sa nahawakan na nito ang bendang nasa leeg ko.
"Just answer me honestly," madiin nitong sabi.
Muli akong napalunok dahil damang-dama ko ang haplos na ginagawa nito sa aking leeg. Kumikirot ang sugat ko ngunit mas nangingibabaw pa rin ang sensasyong hatid niya.
"W-wala akong n-naramdaman!" nauutal kong turan.
Agad ko namang nasilayan ang ngiti niya dahil sa kasinungalingang sinabi ko. "I don't believe you. I'm pretty sure you felt the same way. Malalaman naman 'yan kapag hindi ka namatay pagkatapos ng tatlong araw. You'll be completely mine after that confirmation."