[Crimson] Napangiti nalang ako nang makitang masayang tumatakbo papalapit sa amin si Niccolo at mahigpit akong niyakap. Hindi naman halatang tuwang-tuwa siya dahil nagawa namin ni Chase ang request nitong drop tower. Kahit ang totoo, muntik nang bumaliktad ang laman-loob ko sa bawat pagbagsak namin mula sa taas. "Ang ganda mo pa rin pong tingnan kahit sumisigaw at parang naiiyak ka na po sa taas, Ate! Mabuti nalang sumama ang Kuya ko, the best ka talaga!" papuri nito sa aming dalawa ni Chase. Namilog pa ang mga mata ko nang makita ang thumbs up niya para dito. At kelan pa siya natuto ng gano'ng hand sign? Ibinaling ko ang paningin ko kay Chase at nakitang natutuwa siya sa ipinapakita ng kapatid ko. Agad tuloy akong napasimangot at hinaplos ang bumbunan ng batang nasa tabi ko. "Tumigil