Kung kadalasan ay maaga akong pumupunta ng Garnet Corp, ngayon ay mas inagahan ko pa. Hindi para magtrabaho, kundi para magpaalam. Alam kong maaga pang pumapasok ang president, which is fortunately Stan's friend, Brent. Ang sabi-sabi sa office masyado daw pribadong tao si Brent dahil palagi daw itong maagang pumapasok at late umuuwi, kaya nga nagtataka ako kung bakit ko siya nakita kahapon sa lobby. Pero wala na akong panahon para isipin pa iyon dahil ang mahalaga ngayon ay makausap ko si Stan. Nang makarating ako sa Garnet Corp building ay agad akong tumungo sa office of the executive sa 7th floor. Wala pang tao sa lounge pagkarating ko, maging ang assistant's area ay wala din kaya dire-diretso akong kumatok sa magarang pinto at pumasok. Nabungaran ko si Brent na may binabasang papeles