Malakas na sampal ang sumalubong sa akin pag-angat ko ng tingin. Ramdam ko ang pagbakat nito sa aking pisngi. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Naghahalo ang sakit sa dibdib ko, literal na masakit. Yung tipong namamanhid ka na at hindi mo alam kung alin ang mas masakit, yung pisikal na sakit o yung sakit sa kaloob-looban mo. "Walang hiya ka! Sinaktan mo ang anak ko!" Nanggagalaiting sigaw nito sa'kin. "Tama na, Jenny. Walang kasalanan si Amethyst dito," awat ni mommy Tamara sa mommy ni Andrea. "Kasalanan niya! Kung hindi niya tinulak ang anak ko, wala sana siya sa pesteng ospital na 'to ngayon!" "Sorry po! Sorry! Hindi ko sa sinasadya!" Sinubukan kong hawakan siya pero tinabig niya ang kamay ko. "Wala kang karapatan dito kaya umalis ka sa harapan ko ngayon din!" Hindi ko