"Baby boy, hindi ako komportable sa kaibigan mong si Ava. Kitang- kita ko sa mata niya ang pagnanasa niya sa iyo. May gusto siya sa iyo," sambit ni Shayne habang nagluluto ng kanilang almusal.
Sa kaniyang unit kasi natulog si John. At buong magdamag silang gumawa ng mainit na pagsasalo. Kaya naman pagkagising nila ng umaga, gutom silang parehas.
"Wala naman akong pakialam sa kaniya. Kahit sobrang mahal niya pa ako, hindi ko siya papansinin. Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba. My sunshine..." malanding sabi ni John.
Ngumisi si Shayne. Inasikaso na niya ang kanilang almusal. Tinulungan siya ni John na ilagay ang mga plato at kutsara sa mesa.
"So... nasabi ko na rin sa iyo ang tungkol sa kaniya, paano kapag nagbida- bida siya? Iyong nangangarap siya ng gising. Ayos lang ba sa iyo na patulan ko siya? Kilala mo ako, John. Kung maldita siya, mas maldita ako at hindi ako magpapatalo. Hindi naman ako mangunguna. Hahayaan ko siyang manguna."
"Ayos lang sa akin. Walang problema. Noon pa naman iyan papansin sa akin. Hindi ko lang talaga pinapansin. Kung susubukan ka niyang awayin o saktan, bahala ka. Hindi kita aawatin. Baka sakaling tumigil na siya kapag tinuruan mo ng leksyon."
Bumungisngis si Shayne sabay hawak sa pisngi ni John. "You're such a good boy, my baby boy. Tama iyan. Huwag mo akong awatin. Nagbago naman na ako. Hindi ako basta- basta nakikipag- away lang dahil gusto ko. Siya kasi itong nangangarap ng gising na maagaw ka raw niya sa akin. Natatawa na lang ako sa sinasabi niya."
Natawa si John. "Hayaan mo na. Wala kasing nagmamahal sa kaniya kaya ganoon siya."
Matapos nilang kumain dalawa, naligo't nagbihis na sila. Sumama si Shayne sa palengke. Gusto niyang matutunan kung paano maglinis ng isda.
"Sure ka ba talaga na sasama ka sa akin? Baka mabahuan ka lang doon. Isda iyon. Baka malansahan ka lang..." paniniguro ni John.
"Oo nga! Sabi ko naman sa iyo, hindi na ako iyong Shayne na una mong nakilala. Iyong Shayne na maarte. Hindi na ako ganoon. Natuto na ako. At saka kapag nag- inarte ako, baka magalit ka sa akin, 'di ba?"
Natatawang umiling si John. "Hindi naman siguro. Kung sakaling maarte ka pa rin hanggang ngayon, ayos lang sa akin kasi mahal kita. Tanggap kita kahit ano pa ang ugaling mayroon ka."
Kinikilig na natawa si Shayne. "Ang hilig mo talagang magpakilig, baby boy!"
"Ikaw lang ang pakikiligin ko ng ganito, my sunshine..." sambit ni John sabay kindat.
Pagdating nila sa palengke, nakakalokong ngiti at tingin kaagad ang nakita ni John sa mukha ng dalawa niyang kaibigan. Nagtatawanan pa nga ito ng mahina. Pinandilatan niya ito ng mata.
"Kaya pala iba ang ngiti ng boss natin ngayong araw. Kasama pala niya ang kaniyang sunshine!" panunudyo ni Kyle.
"Kaya nga! Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang ngiti sa labi ng ating boss!" dagdag pang sabi ni Rey.
Mahinang pinagbabatukan ni John ang dalawa. "Manahimik na nga kayong dalawa diyan! Hindi ko ibigay ang suweldo niyo eh," pananakot niya.
"Sabi ko nga boss mananahimik na eh! Alam mo namang mahalaga sa amin ang sahod namin!"
"Oo nga! Bibili pa ako ng brief!"
Natatawa na lang si Shayne habang pinagmamasdan ang tatlo. Ibinigay sa kaniya ni John ang apron na agad niyang isinuot. Tinuruan siya ni John kung paano tanggalan ng kaliskis ang isda. At kung paano ito linisan. Hindi naman ganoon nahirapan si Shayne dahil gusto naman niya ang kaniyang ginagawa. Kaya kapag may mga lilinising isda, agad na tumutulong si Shayne.
"Ayos ka lang ba, my sunshine?" malambing na sabi John.
Marami- rami na rin kasi ang isdang nalinisan ni Shayne. Nagamay niya kaagad ito.
"Oo naman, my baby boy. Naging madali na nga sa akin ang paglilinis eh..."
Ganadong- ganado si Shayne sa paglilinis ng isda. Naglalambingan pa nga silang dalawa doon. Napapailing na lang ang dalawang kaibigan ni John habang inaasar siya ng mga ito.
"Hindi ko akalain na dapat pala may jowa kapag naglilinis ng isda," pang aasar ni Kyle.
"Kaya pala nanghihina tayong dalawa kasi wala tayong jowa," sabi pa ni Rey.
Natawa si Shayne. "Eh bakit kasi ayaw niyo pang humanap ng magiging kasintahan ninyo? Para hindi kayo naglulungkot diyan?"
"Hindi na, madam. Ayaw pa naman. Tamang asar lang muna kami sa inyo ni boss. Kami na lang muna ang kikiligin sa inyong dalawa," nakangising sabi ni Kyle.
Lumipas ang maghapon, naubos ang panindang isda ni John. Nagtabi lang si Shayne ng ilang pirasong tilapia na malalaki dahil bigla siyang natakam sa ginataang tilapya. Unang natikman niya kasi ito sa isang karinderya at nasarapan siya. Kaya kapag nais niyang kumain nito, nagluluto na lang siya.
"Sandali lang, baby boy... bibili lang ako ng gata sa tindahan. Iyon pala ang kanina ko pa iniisip na nakalimutan kong bilhin. Tumatanda na talaga ako," nakalabing sabi ni Shayne.
Hinalikan siya sa labi ni John. "Hindi ka matanda, okay? Huwag mong sabihin iyan. Sige bumili ka muna. Maghihiwa na ako ng sibuyas, bawang at luya para hindi ka na mag- abala pang maghiwa."
Naglakad na patungo sa tindahan si Shayne para bumili ng gata na nakalagay na sa sachet. Naningkit ang mata ni Ava nang makita siya kaya agad siya nitong nilapitan. Nagulat siya ng bigla siya nitong itulak. Muntin na tuloy siyang mahulog sa kanal doon sa gilid ng tindahan.
"At anong ginagawa mo dito, ha? Nakikituloy ka na kaagad sa bahay ni John? Ang landi mo talaga, 'no? Talagang sabik na sabik ka sa t ite!" bulyaw sa kaniya ni Ava.
Naningkit ang mata ni Shayne. "Oo! Buti alam mo! At anong masama kung nandito ako? Boyfriend ko ang pinupuntahan ko dito at hindi ikaw! At isa pa, wala kang pakialam kung palagi akong makikitulog sa bahay ni John dahil boyfriend ko naman siya at sa akin lang ang t ite niya!"
Kinuha ni Shayne ang tilapia mula sa plastic na hawak n'ya at saka ito sinampal sa magkabilang pisngi ni Ava. Namula ang mukha nito sa lakas ng sampal niya.
"Sa susunod, huwag kang bida- bida, ha? Dahil baka hindi na ako makapagtimpi sa iyo at magawa na kitang yakapin sa leeg hanggang mag- violet!" sigaw sa kaniya ni Shayne bago siya nito iwan.
Tinawanan tuloy ng tindera si Ava dahil may naiwan pa itong kaliskis sa mukha.