18

1010 Words
"My sunshine, sinampal mo raw ng tilapia sa mukha si Ava? Sinabi sa akin ng tindera kaninang umaga," tanong ni John sa kaniyang nobya. Tumaas ang kilay ni Shayne. "Oo! Sa magkabilang pisngi niya. Noong isang araw iyon. Iyong nagpunta ako dito." Natawa si John. "Bakit?" "Bigla niya akong tinulak! Nangangarap ng gising! Akala mo kung sinong inagawan eh wala naman akong inagaw sa kaniya. Pag- aari ka ba niya?" Natatawang niyakap ni John si Shayne. "Hindi niya ako pag- aari.. ikaw lang ang nagmamay- ari sa akin." Kinikilig na umirap si Shayne. "Siguraduhin mo lang! Basta, magpatay malisya ka lagi. Kunwari wala kang alam sa mga nagaganap sa aming dalawa. Ako na ang bahala sa babaeng iyon. Akala niya yata, magpapatalo ako sa kaniya. Bruha siya!" "Okay sige. Hindi ako makikialam sa inyo. Siya nga pala, aalis na ako, ha? Kailangan kong pumunta na sa palengke. Baka nahirapan na ang dalawa doon," wika ni John habang nagsusuot ng damit." "Ihatid na kita para mabilis kang makapunta." Umiling si John. "Huwag na. Ayos lang. Mag- commute na lang ako. Dito ka na lang at magpahinga. Mamaya na lang tayo magkita hapon, ha? Sige na, aalis na ako. I love you, my sunshine." "Okay sige. Ingat ka sa byahe. I love you too, my baby boy..." Hinalikan ng ilang ulit ni John sa labi ang kaniyang nobya bago tuluyang umalis. Bumalik naman sa pagkakahiga si Shayne dahil inaantok pa siya. Nakatulog din siya ng dalawang oras. Nang magising siya, bumangon na siya at saka inasikaso ang sarili. Paalis pa lang sana siya nang biglang dumating sa unit niya si Sally. Kumunot ang noo niya nang makita niya ito. "Bakit ka nandito? Aalis na ako. Pupunta na ako sa store ko," sabi ni Shayne habang nagsusuklay ng kaniyang buhok. Nalukot ang mukha ni Sally. "Eh kasi naman! Si Edgar nandito na sa bansa! At hinahanap ka niya! Ipagpatuloy niyo na raw ang naudlot niyong kasal!" Nahinto si Shayne sa kaniyang ginagawa. "Ano?! Bakit pa bumalik ang lalaking iyon dito? Tinapos ko na kung ano ang mayroon kami! Bago ko pa man makilala si John noon, tinapos ko na ang mayroon kami. Akala ko kasi matino siya eh. Pero hindi pala kaya hindi ko na tinanggap iyong alok niyang kasal!" Napahawak sa sintido si Shayne. Si Edgar ang lalaking nagmamahal ng sobra sa kaniya. Kahit noong si Axel pa ang mahal ni Shayne, si Edgar na ang palaging nagpapagaan ng loob niya. Inalok na siya ng kasal nito noon. Pumayag naman si Shayne para pagselosin si Axel noon pero wala namang pakialam sa kaniya ang binata. At dahil hindi naman mahal ni Shayne si Edgar, hindi na niya tinanggap pa ang alok nito. Lalo na't kinailangan nitong umalis ng bansa para asikasuhin ang business ng mga magulang niya sa ibang bansa. "Paano ngayon iyan? Kilala mo naman si Edgar. Mayamang tao ito! Mas lalo pa itong yumaman! Marami pa siyang koneksyon. Sigurado akong hindi ka nito pakakawalan pa dahil ilang taon din siyang nawala!" nag - aalalang sabi ni Sally. "Letse siya! Hindi ko naman siya mahal! Ginamit ko lang siya noon para pagselosin si Axel pero hindi naman tumalab! At saka may nobyo na ako. At isa pa, bakit pa siya bumalik dito? Sa tagal ng panahon na nawala siya, ako pa rin ang mahal niya? Sobra naman yata iyon!" nakalukot ang mukha na sabi ni Shayne. "Eh alam mo namang obsessed sa iyo ang lalaking iyon! Naku, paano kaya iyan? Siguradong guguluhin kayong dalawa ni John ng lalaking iyon! Baka nga kung hindi siya umalis ng bansa, matagal na kayong kasal eh. Lalo pa ngayon, may kaibigan pa iyon na mga sindikato. Baka kung ano ang mangyari kay John!" Mariing napapikit si Shayne. Mabait naman si Edgar. Ginawa nga siyang binuhay reyna nito noong sinagot niya ito. Lahat ng gusto niya, binibigay ni Edgar. Ngunit ang ayaw niya lang sa lalaki, nalaman niyang may bisyo ito. Gumagamit ito ng droga. Hindi naman palagi ngunit kahit na. Ayos lang sana kay Shayne noon kung alak ang bisyo nito pero hindi. Ayaw ni Shayne na makipagrelasyon sa isang adik. "Bahala na. Hindi niya kami mapaghihiwalay ni John. Masaya na ako. Masaya na ang buhay ko. Bakit dumating pa siya? Bakit nanggugulo pa siya? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit ayaw niya akong palayain?" Napangiwi si Sally. "Hindi ko alam, Shayne! Kinakabahan ako para sa inyo! Baliw pa naman ang lalaking iyon. Mabait sana kaso may sapak sa utak! Dapat kasi hindi mo na siya pinaasa noon na pakakasalan mo siya!" Napahilamos si Shayne ng kaniyang mukha. Alam niya kasing delikadong tao si Edgar. Bigla siyang binalot ng kaba. Mabilis siyang kumilos at umalis na sa unit niya. Nagmamadali siyang nagmaneho patungo sa kaniyang store. Nakita niyang nakatayo sa labas ng store si John, nag- aabang sa kaniya. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Baby boy..." sambit niya sabay yakap ng mahigpit dito. Yumakap din sa kaniya ang kaniyang nobyo. "I miss you so much, my sunshine. Teka, ayos ka lang ba? Bakit ang bilis ng t***k ng puso mo?" Napakurap si Shayne. "Ha? W- Wala..." Hinaplos ni John sa pisngi si Shayne. "Grabe... sandali lang tayong hindi nagkasama, na- miss kaagad kita. Parang gusto ko tuloy na dito ka na lang sa unit ko tumira. Para araw- araw kitang kasama." Ngumiti ng malawak si Shayne. "Sige... wala namang problema sa akin. Para sa tuwing magigising ako, ang guwapo mong mukha ang masisilayan ko." Natatawang kinilig si John. "Talaga? Yehey! Hakutin na natin ang mga gamit mo sa unit mo!" Hinawakan ni Shayne sa kamay si John bago diretsong tinititigan sa mata ang binata. "John, kahit ano pa ang mangyari, walang makakasira ng relasyon natin, ha? Kahit sino pa ang dumating sa buhay natin." Kumunot ang noo ni John ngunit tumango siya. "Oo naman. Wala akong pakialam kahit sino pa ang dumating na iyan. Basta, walang makakasira sa ating dalawa. Walang makapaghihiwalay sa atin." Mahigpit na niyakap ni Shayne si John. Nagtataka man ngunit gumanti na rin ng yakap si John sa kaniyang nobya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD