16

1046 Words
"Ahhhh!" malakas na sigaw ni Ava. Nagulat tuloy si Sheen kaya nilapitan niya ito. "Hoy! Ano ang nangyayari sa iyo? Nababaliw ka na ba? Bakit ka sumisigaw?" Magkasalubong ang kilay ni Ava na tumingin kay Sheena. "Paano ba naman ako hindi mapapasigaw sa inis? Sila na ni John at Shane!" Humaba ang nguso ni Sheena. "Oh ano naman ngayon kung sila ng dalawa? Mas okay para hindi na mahirapan pa manligaw si John. At saka kahit naman hindi niya ligawan si Shayne at maging sila ng kaagad, wala naman sigurong problema doon dahil nagmamahalan naman silang dalawa!" Pinandilatan ni Ava ang kaniyang kaibigan. "Alam mo ikaw, wala kang kwentang kausap! Sino ba ang kaibigan mo? Ako o ang babaeng iyon?!" Humalukipkip si Sheena at saka naupo sa isang tabi. "Alam mo, Ava kahit kaibigan kita pero kung ganyan naman ang ugali mo... hindi kita kakampihan. Ayokong maging kunsintidor na kaibigan. Iyong kahit mali kakampihan ka? Ayoko ng ganoon. Hindi ko gustong maging ganoon. Ayoko kasing mapahamak ka. Ang totoong kaibigan ayaw mapahamak ang kaibigan niya. Kapag ginusto ko na mapahamak ka, hindi mo ako totoong kaibigan. Sana maintindihan mo yun." Marahas na kumamot si Ava sa kaniyang ulo bago pabagsak na naupo. "Hindi ganoon iyon. Ang totoong kaibigan sinusuportahan ang kaibigan niya sa kahit anong bagay. Alam mo kung gaano ko kagusto si John, 'di ba? Na parang hindi ko na nga siya gusto... na parang mahal ko na nga siya. Alam mong sa dami ng lalaking nanligaw sa akin hindi ko 'to pinagpapansin. Si John ang kumuha ng atensyon ko kaya alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Masakit sa akin na malamang binalikan niya pa ang babaeng iyon! Ano ba ang nakain niya para balikan pa ang bruhang iyon eh iniwan nga siya nito?" "Wala siyang kinain. Sadyang mahal niya lang iyong babae." Umirap si Ava. "Wala akong pakialam sa kanila. Hindi ako papayag na maging masaya silang dalawa samantalang ako dito nagdudusa. At yung babaeng iyon sa tingin ko inaasar niya ako eh dahil talagang sinagot niya si John kaagad." Napangiwi naman si Sheena. "At paano mo naman nasabing inaasar ka niya eh hindi niya nga alam na may pinaplano kang masama sa kanya. Sa tingin ko naisip niya na hindi niya na kailangang patagalin pa ang panliligaw ni John kaya sinagot niya na ito. Kung ako sa iyo, maghanap ka na lang ng ibang lalaki diyan na magpapasaya sa iyo. Iyong lalaki g mahal ka. Hindi yung ikaw lang nagmamahal." Mabilis na umiling si Ava. "Ayoko! Ayokong maghanap ng ibang lalaki! Si John lang ang gusto ko! Si John lang at wala ng iba!" Napatakip ng mukha si Sheena. "Ewan ko sa iyo, Ava! Ayoko na muna kitang makausap! Para kang baliw!" Mariing napapikit na lamang si Ava nang iwan siya ni Sheena. Lalo siyang nakaramdam ng inis. Bumuntong hininga siya at saka tumayo. Naisipan niyang pumunta sa store ni Shayne. Malalaki ang hakbang niya patungo roon. Sakto namang kararating lang ni Shayne. Wala pa si John dahil nasa palengke pa ito. "Hi!" plastikadang sabi niya. Tumaas ang kilay ni Shayne. "Hello. Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" Ngumiti ng peke si Ava. "Totoo ba iyong narinig ko na kayo na raw ni John? Sinabi lang sa akin ng dalawa niyang kaibigan." Mapang - asar na ngumiti si Shayne. "Yes... kami ng dalawa. Sinagot ko na siya kasi alam ko namang totoo ang pagmamahal niya sa akin. At isa pa, masarap kasi si John eh. Kaya ayoko ng pakawalan pa. Baka kapag hindi ko siya sinagot, magsisi ako kapag napunta siya sa iba." Nagtangis ang ngipin ni Ava dahil sa inis na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Parang gusto na niyang sampalin si Shayne. "Ahm... sabagay mukhang masarap nga si John kaso hindi ko pa siya natitikman kaya hindi ko masabi." Natigilan si Shayne pero natawa na lang siya. "Ah ganoon ba? Sayang naman.... hindi mo malalaman kung gaano siya kasarap. Kung gaano siya kagaling bumayo. Kung gaano siya kasarap kumain. Kung gaano kalaki ang alaga niya. Sa laki nga nito, talagang tumirik ang mata ko eh." Nagsalubong ang kilay ni Ava. "Bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na iyan?" Matamis na ngumiti si Shayne. "Kasi gusto kong mainggit ka. Gusto kong ipamukha sa iyo na hinding- hindi mo siya matitikman dahil hindi ako papayag. Akala mo ba hindi ko malalaman ang galawan mo? Nanggaling na ako sa gawaing iyan. Akala mo yata hindi ko mapapansin ang malagkit mong tingin kay John. Puwes para sabihin ko sa iyo, hindi kita uurungan. Kung inaakala mo na makukuha mo sa akin si John, nagkakamali ka. Dahil kipay ko lang ang kakainin niya!" Napakurap si Ava. Hindi niya inasahan ang sinabi ni Shayne. Lalo siyang nanggigigil. "Wow! Ang taas naman ng kumpiyansa mo sa sarili! Baka inaakala mo na bata ka. Matanda ka na! Kaya kapag nagsawa sa iyo si John, hahanap siya ng bata o 'di naman kaya kaedad niya. Kaya huwag kang maging kampante na ikaw lang ang titikman niya!" Tumatawang pumalakpak si Shayne. "Oh? Talaga ba? At sa tingin mo hahayaan kong mangyari iyon? Ako ang unang babaeng nagpatikim ng langit kay John kaya hindi niya ako makalimutan kahit na ilang taon kaming hindi nagkita. Tapos ngayon, sasabihin mo sa akin iyan? Huwag kang mangarap ng gising, Ava. Kahit magkasing edad lang kayo, hindi niya nanaising tikman ang kipay mo." Lalong nanggalaiti sa galit si Ava kaya sumugod siya kay Shayne. Binalak niyang sampalin ito ngunit bigo siya. Nahawakan ni Shayne ang kaniyang pulusuhan at siya pa ang nasampal ng malakas ni Shayne. Kulang na nga lang mamanhid ang mukha niya sa lakas ng sampal ni Shayne bago siya nito itinulak. Napaupo tuloy siya sa lupa. "Kung inaakala mong maldita ka na, puwes nagkakamali ka! Mas maldita ako sa iyo at hindi ako basta- basta nagpapaapi! Para sabihin ko sa iyo, ako ang umaapi sa mga babae noon kaya kung iniisip mo na madali mo akong mapapatumba, nagkakamali ka! Umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mong sipain ko pa ang pagmumukha mo!" sigaw ni Shayne. Dali- daling tumayo si Ava at saka pinagpagan ang sarili. "Hindi pa tayo tapos!" "Talagang hindi pa tayo tapos dahil marami ka pang aabutin sa akin!" nanlaki matang sabi ni Shayne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD