6

1003 Words
"Oh ma'am? Bakit nakabusangot po yata kayo? May problema po ba?" tanong ni Trish nang makita ang busangot na mukha ni Shayne. "Wala. Pakisalansan na iyong mga bagong stocks," bakas sa boses ni Shayne ang pagkairita. Inis niyang pinagbubuksan ang mga karton ng dinalang produkto niya doon. Mabilis kasing naubos ang kaniyang produkto kaya naman muli siyang kumuha ng ilang box nito. Buwisit na lalaking iyon! May nilalandi na pa lang iba tapos nilalandi rin ako?! Magkasalubong ang kaniyang kilay habang abala sa kaniyang ginagawa. Nakita siya ni John mula sa glass window ng kaniyang store. Nakagat ni John ang kaniyang pang ibabang labi sabay kamot sa ulo. Ayaw naman niyang pasukin sa loob ng store nito si Shayne. Kaya naman kakamot- kamot siya sa ulo na bumalik sa handaan. "John? Saan ka galing? May hinahanap ka ba?" tanong ni Ava sa kaniya. "Wala.." tipid niyang sagot bago bumaling sa dalawa niyang kaibigan. "Hindi pa ba kayo babalik sa bahay? Magpapahinga na ako," sabi niya sa dalawa. "Sige po, boss. Dito muna kami," sagot ni Kyle. Bumaling si John kay Ava. "Salamat sa pagkain. Uuwi na ako dahil gusto ko na ring magpahinga." Mabilis na tumalikod si John kaya hindi na nakapagsalita pa si Ava. Malungkot niyang sinundan ng tingin ang binata. Napansin naman nina Rey at Kyle ang lungkot sa mukha ni Ava. "Ava, gusto mo talaga si boss, 'no?" sabi ni Rey. Nilingon siya ng dalaga. "Ahm..." "Alam naman namin iyon. Palagi ka namang nahuhuling nakamasid sa kaniya. Kaya nga lang, mukhang may ibang babae na ang nagmamay ari ng puso ni boss eh," sambit naman ni Kyle. Kumunot ang noo ni Ava. "Ha? Sino naman iyong babae? Nakita niyo na?" Umiling angd dalawa. "Hindi pa eh. Sa tingin ko nga, baka iyon ang first love ni boss Winston. Kasi ang sabi niya, iyon daw babae ang nagmamay ari ng puso mula noon hanggang ngayon..." nakangiwing sabi ni Rey. Napakurap si Ava sa sinabing iyon ng binata. Pasimple niyang nakuyom ang kaniyang kamao. First love? May first love na pala siya? Pero nasaan iyong babae? Mukhang wala naman kaya may pag- asa pa ako! "Eh 'di ba uso pa naman ang first love never dies. Kaya inaalala ka namin. Baka masaktan ka lang..." dagdag pa ni Kyle. Uso pa ba iyon? Hindi ko lang sigurado dahil lahat naman naaagaw! "Sa tingin ko hindi na uso iyon. Kasabihan lang iyon ng mga matatanda. Alam niyo naman noon, masyadong romantiko. Kaya may mga kasabihan silang ganiyan. Pero ang totoo, wala ng ganiyan," mayabang na sabi ni Ava bago umalis sa harapan ng dalawa. Nagkatinginan naman sina Rey at Kyle bago natawa. "Bahala siya sa buhay niya. Siya naman ang masasaktan kapag nagkataon," natatawang sabi ni Kyle. SAMANTALA, nakauwi na ang dalawang staff ni Shayne pero siya nandoon pa rin sa kaniyang store at nakaharap sa computer. Hindi siya makapag- encode. Kanina pa siya nakatingin sa kaniyang monitor. Naiisip niya ang ngitian at tawanan ng babae at ni John. At habang naiisip niya iyon, kumukulo ang dugo niya. Mga malalandi! Kainis! Buwisit na lalaking iyon! Sana pala hindi ko na lang siya pinansin para hindi ako nagseselos ng ganito! Mabilis na pinaling ni Shayne ang kaniyang ulo bago muling itinutok ang mata sa monitor. Huminga siya ng malalim bago pinilit na tapusin na ang dapat niyang tapusin dahil gabi na rin. "Shayne...." Agad siyang napatingin sa pinto ng kaniyang store kung saan pumasok kaagad si John. Maamo ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano ang ginagawa mo dito? Umalis ka na dito. Aalis na rin ako..." mataray niyang sabi sa binata. Bigla siyang niyakap ni John. Nanghina tuloy si Shayne na para bang sa isang iglap, nawalang bigla ang inis at galit niya. "A- Ano ba!? B- Bitawan mo ako!" bulyaw niya ngunit nanghihina naman niyang tinulak ang binata. Mas humigpit pa ang yakap sa kaniya ni John. Sinubsob ni John ang kaniyang mukha sa leeg ni Shayne at saka sininghot iyon. Nanindig tuloy ang balahibo ni Shayne sa katawan at mas lalo siyang nanghina. Mas lalo siyang nawalan ng lakas para itulak ang binata palayo sa kaniya. "Nagseselos ka ba sa nakita mo kanina? Wala kang dapat ikaselos dahil hindi ko naman gusto ang babaeng iyon. Ikaw lang ang gusto ko. Papansin lang iyon sa akin. Kapitbahay kasi namin siya may birthday- han sa kanila kaya pumunta kaming tatlo..." paliwanag ng binata sa kaniya. Nag- ipon ng lakas si Shayne upang itulak si John. Asar siyang ngumisi. "Talaga lang, ha? Hindi ako sigurado. Iba ang ngiti mo eh. At lalong- lalo na ang babaeng iyon. Mukhang bagay naman kayo. Mukhang magkasing edad lang kayo. Huwag ka na sa akin. Magmumukha lang akong ate mo kapag nagkataon. At saka, maghahanap na rin ako ng lalaking magmamahal sa akin. Iyong kasing edad ko. O 'di naman kaya mas matanda sa akin para mas matured mag- isip," mapang asar na sabi ni Shayne. Nandilim naman bigla ang paningin ni John. Bigla siyang nakaramdam ng matinding inis. "Anong sinabi mo? Maghahanap ka ng iba? Matapos ang ginawa mo sa akin noon, hahanap ka lang ng iba?" galit na sabi ni John. "Aba'y bakit? Nagkaroon ba tayo ng relasyon noon? Wala naman, 'di ba? Oo may nangyari sa atin pero walang tayo! Wala tayong relasyon kaya wala kang pakialam kung maghanap man ako ng iba! At wala rin akong pakialam kung magsama kayo ng babaeng iyon!" Matalim siyang tiningnan ni John. Nagulat siya nang pisilin ni John ang kaniyang p agkababae at bigla nitong dakmain ang kaniyang dibdib. Napangiwi si Shayne dahil medyo masakit ang ginawang iyon ni John ngunit kalakip nito ang kakaibang init at kiliti. "Sa akin lang ang mga ito. Wala akong pakialam kung wala tayong relasyon noon dahil binaliw mo ako kaiisip sa iyo. Ikaw ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko kaya subukan mong maghanap ng iba, bubugbugin ko ang lalaking iyon..." galit na sambit ni John bago hinila si Shayne patungo sa banyo ng store na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD