"Mukhang busy ka yata masyado ngayon? Dapat siguro magdagdag ka na ng tao na mapagkakatiwalaan mo diyan sa negosyo mo..." wika ni Sally kay Shayne.
Kumamot sa ulo si Shayne. "Hayaan mo na. Kaya ko naman. At saka ilan lang naman ang branch na mayroon ako. Ang mahalaga, nabibisita ko sila. At wala naman akong ibang pinagtutuunan ng pansin kun'di ang negosyo ko lang."
Ngumisi si Sally. "Talaga lang, ha? Hindi na ba talaga lalaki ang inaasikaso mo? Wala ka na bang balak maging masaya? Baka naman tumanda kang dalaga niyan!"
"Hindi naman siguro. Wala naman sigurong masama kung sarili ko muna ang iintindihin ko, 'di ba? At saka iyang mga lalaki na iyan, marami iyan. Hindi naman sila mauubos. Pipili ka lang talaga ng matino sa kanila. At iyon ang gagawin ko kapag ginusto ko ng magmahal ulit o umibig. Pero sa ngayon, masaya na ako sa buhay ko ngayon..."
Wala pang balak si Shayne na sabihin sa kahit na sino na nagkita na silang muli ni John. Gusto niya na sila na munang dalawa ang nakakaalam nito. Isa pa, magulo pa sila. Hindi pa alam ni Shayne kung ano ba ang mayroon sa kanila. Basta ang alam niya lang, parehas silang may nararamdaman para sa isa't isa.
Miss na nga niya ang malupit na bayo ni John. Ngunit pinarurusahan siya nito. Pinasasabik. Kaya naman wala siyang magawa kun'di ang maghintay kung kailan siya nito balak paligayahin.
"Okay fine. Tutal sinabi mo na iyan, sana nga mapanindigan mo. Dahil ayokong makita kang umiiyak o nalulungkot dahil sa lalaki. Dapat sila ang naghahabol sa iyo, hindi ikaw. Sige na, aalis na ako. May aasikasuhin pa ako..."
Sinundan na lang ni Shayne ang paalis niyang kaibigan. Pagkatapos ay nahiga siya sa couch. Nakatingin lamang siya sa kisame. Iniisip niya si John. Iniisip niya kung paano niya dinidilaan ang alaga nito. At kung paano kinakain ni John ang kaniyang p agkababae. Dahil doon, tila lalo siyang natitigang sa mainit na pagmamahal ni John. Lalo siyang nasasabik na muling mag- isa ang kanilang katawan.
Hanggang kailan mo ako pasasabikin ng ganito, John? Miss ko na ang mainit mong hagod... ang malaki mong alaga sa loob ko....
SAMANTALA, ABALA SA PAGLILINIS NG ISA si John nang magpunta doon ang babaeng may gusto sa kaniya. Matamis na ngumiti si Ava nang mapatingin sa kaniya si John. Tipid na ngiti lang ang sinukli ni John sa dalaga. Maganda si Ava. Maputi. Makinis. Maganda ang hubog ng katawan at magkasing edad lang silang dalawa. Ngunit walang pagtingin sa kaniya si John. Kapitbahay niya lang si Ava.
Panay nga ang sulyap sa kaniya ng dalaga sa tuwing lumalabas siya ng bahay. Sa tuwing tatambay sila sa labas. Sa unang pagkakataon, nahulog kaagad ang loob ni Ava sa isang lalaki. Bilib kasi siya sa kasipagan ni John at wala itong arte. Hindi katulad ng mga manliligaw niya na maarte. Para kay Ava, ibang klaseng lalaki si John. At iyon ang hinahanap niya.
"Ang sipag mo naman talaga! Dalawang kilo nga ng tilapya," malawak ang ngiting sabi ni Ava.
"Okay sige. Sandali lang," sambit naman ni John.
Sinimulan na niyang linisin ang mga napiling tilapya ni Ava. Habang naglilinis siya, titig na titig sa kaniya si Ava. Ni hindi nga ito kumukurap. Alam naman iyon ni John ngunit wala siyang pakialam.
"Ibang klase talaga ang tama sa iyo nitong si Ava, boss. Bakit parang hindi ka interesado sa kaniya? Halos nasa kaniya na ang lahat, boss! Maganda at sexy tapos mabait pa," bulong ni Kyle.
"Oo nga, boss. Hindi mo ba talaga siya gusto? Akin na lang siya," pabirong sabi ni Rey.
Tumikhim si John. "Sige sa iyo na lang. Ikaw na ang bahala sa kaniya para maalis ang nararamdaman niya para sa akin."
Namilog ang mata ni Rey. "Ha? Bakit naman, boss?"
"Dahil may babaeng nagmamay ari ng puso ko. Mula noon, hanggang ngayon. Suya lang ang mahal ko."
Nagkatitigan sina Kyle at Rey. Hindi na nila nagawang magsalita. Seryoso na kasi si John hanggang sa malinis nitong lahat ang isdang binili ni Ava.
"Salamat, John..." wika ni Ava nang iabot sa kaniya ng binata ang isda.
"Salamat din."
"Ahm... siya nga pala, puwede ka bang pumunta sa bahay mamaya? Birthday ng kapatid ko. Kayong tatlo. Pumunta kayo doon," kagat labing sabi ni Ava.
Saglit na tumingin si John kay Ava. "Sige, titingnan ko."
"S- Sige. Bye!"
Naging abala na ibang bumibili si John. Kapag kausap niya ang ibang babae, wala talaga siyang gana. Kahit noon pang hindi pa nagtatagpo ang landas nilang dalawa ni Shayne.
PAGSAPIT NG HAPON, tulungan na silang tatlo sa paglilinis ng puwesto. At dahil nahiya naman si John na tanggihan ang pag- imbita ni Ava sa kanila, pumunta na lamang siya bilang respeto.
"Uy John! Nandito na pala kayong tatlo! Kumain na kayo dito sa loob," magiliw na sabi ni Ava.
Kinikilig siya dahil nagpunta si John doon. Nakangisi ngang nakatingin sa kaniya ang mga kaibigan niya dahil alam ng mga ito na gusto niya si John.
"Ay sus! Kinikilig ang t inggil ni Ava!" pang - aasar ni Sheena.
"Syempre naman nandito kasi ang crush niya!" dagdag pa ni Lara.
Inirapan niya ang dalawa niyang kaibigan. "Manahimik nga kayo diyan!"
Sa labas na kumain si John dahil ayaw niyang makisalamuha sa maraming tao doon. Pasimple namang lumapit sa kaniya ang dalaga. Walang emosyon siyang tumingin dito.
"Salamat pala dahil nakapunta kayo dito. Akala ko kasi hindi na kayo makakapunta dahil alam kong pagod kayo sa palengke..." nahihiyang wika ni Ava.
"Salamat din sa pag - imbita. Masarap ang lahat ng pagkain. Niluto ba ito ng mama mo?" tugon naman ni John.
"Oo... si mama lahat ang nagluto niyan. Mabuti at nagustuhan mo ang lasa..." ngiting- ngiting sabi ni Ava.
Mabilis lang na inubos ni John ang pagkain niya dahil kakaunti lang naman ang kinuha niyang pagkain. Busog naman kasi siya. Panay naman ang daldal ni Ava sa kaniya para magkaroon sila ng usapan. Simpleng tawa o ngiti lang ang tinutugon ni John na kung titingnan mula sa malayo, mukhang masaya sila. Wala siyang kaalam- alam na mula sa kanto, nakatanaw sa kaniya si Shayne. Naisipan kasi nitong silipin siya. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Shayne dahil alam niya ang titig ng isang babaeng may gusto sa isang lalaki. At iyon ang titig na mayroon si Ava para kay John.
"Shayne?" mahinang usal ni John.
Mabilis na naglakad si Shayne pabalik sa kaniyang store. Habang si John naman ay agad na itinapon ang kaniyang pinagkainan sa basurahan.
"John? Saan ka pupunta?" takang tanong ni Ava.
Hindi siya sinagot ng binata. Bagkus, tumakbo lang ito ng mabilis patungo sa kinaroroonan kanina ni Shayne.