Agad na inangkin ni John ang mga labi ni Shayne habang ang kamay niya ay gumagapang sa maselang bahagi ng katawan nito. Nabuhay ang init sa katawan ni Shayne ngunit naiisip niya pa rin ang masayang ngitian nina Ava at John. Ibaba na sana ni John ang kaniyang salawal ngunit hinampas niya ang kamay nito.
"Aray!" daing ni John nang pati alaga niya ay hampasin din ni Shayne.
"Letse! Akala mo magiging marupok pa ako sa iyo, ha? Hindi! Idadaan mo lang ako sa pagiging maharot mo! Akala mo yata bibigay ako sa iyo!" sigaw niya sa binata.
Mabilis niyang inayos ang kaniyang suot. Napaawang naman ang bibig ni John. Biglang nanlambot ang matigas niyang alaga dahil umalis na sa kaniyang harapan si Shayne. Nabitin si John kaya masakit ang kaniyang puson. Akala pa naman niya, mapaparusahan na niya sa banyong iyon si Shayne ngunit hindi pa pala.
"Sandali nga lang, bakit ka ba nagagalit? Sinabi ko naman sa iyo na wala lang si Ava, 'di ba? Siyanlang ang nagpapansin sa akin pero hindi ko naman siya pinapansin!"
Naningkit ang mga mata ni Shayne na tumingin kay John. "Oh talaga ba? Parang hindi naman. Iba kasi ang ngiti mo. May saya! At saka hindi ko naman maitatangging bagay kayo. Dapat nga hindi mo na ako ginugulo. Dapat ginagalang mo ako. Ate mo na ako!"
Asar na ngumisi si John. "Asa ka namang rerespetuhin kita. Babastusin kita lalo na sa kama!"
Mahigpit na niyakap ni John si Shayne bago ito siniil ng halik. Panay ang piglas naman ni Shayne hanggang sa tuluyan na siyang makawala sa bisig ni John.
"Ano ba?! Napakalandi mong bata ka!"
Humalakhak si John. "Bata? Baka ikaw ang lagyan ko ng bata diyan sa sinapupunan mo..." mayabang niyang sabi.
Nag- init naman ang mukha ni Shayne. Kaunti na lang, bibigay na siya kay John. Ngunit ayaw niyang maging marupok. Ayaw niyang bumigay kaagad sa mainit nitong hagod at yakap. Ayaw niyang manghina ang kaniyang katawan nang dahil lang doon. Dahil qyaw niyang masaktan sa huli. Natatakot siyang sumugal kay John lalo pa't bata ito. Naiisip niya na maari siya nitong iwan. Ngunit sa nakikita niya, biglang nagiging matured si John.
Kung tutuusin, hindi matured ang itsura ni Shayne. Alaga niya kasi ang kaniyang sarili kaya hindi halatang twenty eight years na siya. Mukha nga lang magkasing edad silang dalawa ni John.
"Tumigil ka na, John. Hindi na ako natutuwa sa iyo. Hindi ka ba nahihiya sa mga kaibigan mo kapag nalaman nilang nagkakagusto ka sa isang matandang katulad ko?"
"Bakit? Ilang taon ba ang agwat ng edad mo sa akin? Sampung taon? Hindi naman 'di ba? Baka nga lima o anim na taon lang ang tanda mo sa akin. Bakit parang sinasabi mo naman na napakatanda mo na? Mukha ka nga lang teenager kung titingnan. Masyado ka kasing maganda," seryosong sabi ni John.
Kinagat ni Shayne ang kaniyang pang ibabang labi dahil pinigilan niya ang kaniyang sarili na mapangiti.
Punyeta naman ang batang ito! Masyadong maharot! Masyadong magaling magpakilig! Nakakainis!
Bumuntong hininga si Shayne. "Huwag ka ng magsalita. Pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga. Huwag mo muna akong guluhin..."
Napakurap si John nang maging seryoso ang boses ni Shayne. Napansin niya rin ang maraming box sa store nito na ang ibig sabihin, maraming ginawa si Shayne ngayong araw. Humugot siya ng malalim na paghinga bago lumapit kay Shayne at maingat itong niyakap.
"Payakap muna ako saglit. Pagkatapos, aalis na ako..." mahinahon niyang sabi.
Hindi naman umimik si Shayne. Sa halip, hinayaan niya lang si John na yakap siya. Dinama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Ang init na tila ba nakakawala ng pagod na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
"Aalis lang ako dito kapag nakaalis ka na. Gusto kong makasigurado na ligtas kang aalis sa lugar na ito."
Hinalikan ni John sa noo si Shayne. Napalunok siya ng laway dahil nakaramdam siya ng kakaibigang kilig. Kilig na hindi naman niya naranasan noon. Kilig na si John lang ang nagbigay sa kaniya ng ganoong pakiramdam.
"S- Sige.. tatapusin ko lang itong ine- encode ko."
Biglang naging ganado si Shayne sa pag- e- encode ngayong nasa kaniyang tabi si John, nakabantay. Nakatingin lamang ito sa maganda niyang mukha. Hindi niya alam kung bakit mabilis niya lang natapos ang ini- encode niya. Parang kanina lang kasi ay tamad na tamad siya. Na parang kanina lang, hirap na hirap siyang tapusin ito.
"Uuwi na ako. Isasara ko na itong store," wika niya bago kinuha ang kaniyang bag.
Tinulungan na siya ni John sa pagsara ng kaniyang store. Ewan ba ni Shayne ngunit bigla siyang nakaramdam ng lungkot ngayong uuwi na siya. Na para bang may parte sa kaniya na gusto munang makasama ang binata. Pero hindi na niya mababawi pa ang kaniyang sinabi. Kailngan niyang panindigan ang sarili niyang hindi siya magiging marupok.
"Uuwi na ako. Pagod na rin kasi talaga ako. Kailangan ko ng magpahinga. Ikaw din, magpahinga ka na..." aniya sabay ngiti ng pilit.
Tipid na ngumiti si John at pagkatapos, hinaplos nito ang kaniyang psingi. Napapikit si Shayne nang damhin niya ang mainit na palad ng binata sa kaniyang mukha.
"Mag- iingat ka sa pag- uwi. Pasensya ka na sa nagawa ko. Nagalit ka pa tuloy sa akin. Magpahinga ka na. At huwag ka ng mag- isip ng kung anu- ano pa dahil ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko. Alam kong naguguluhan ka pa sa nararamdaman mo pero para sabihin ko sa iyo, ako hindi. Ikaw ang sinisigaw ng puso ko. At sigurado ako doon. Kaya huwag kang mangamba at mag- isip ng hindi maganda. Ikaw lang ang gumugulo sa isipan ko. Palagi mong tatandaan iyan..." maramdaming sabi ni John.
Tila dinuduyan sa alapaap si Shayne nang marinig ang mga katagang iyon. Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi para hindi mapangiti.
Grabe na talaga ang batang ito! Masyadong magaling magpakilig! Makukurot ko na ang betlog nito eh!
"S- Sige na... a- aalis na ako. Good night..."
"Ingat ka sa byahe. Good night. Sweet dreams my love .."