20

1007 Words
"John...." Kumunot ang noo ni John nang tawagin siya ni Shane sa kaniyang pangalan. Alam niyang may problema ang kaniyang nobya kaya agad niya itong nilapitan. "Bakit po, my sunshine? May problema ba?" malamyos ang boses niyang sabi. Nangingilid ang luha ni Shayne habang nakatingin sa gwapong mukha ng kaniyang nobyo. Hindi niya maatim makita ang sugatang mukha ni John kung sakaling saktan ito ni Edgar. "Talaga bang.... m- mahal mo ako?" garalgal ang boses niyang sabi. Nagsalubong ang kilay ni John. "Ano ba namang klaseng tanong iyan? Syempre, mahal kita. Mahal na mahal. Bakit mo naitanong iyan?" Kinagat ni Shayne ang kaniyang pang ibabang labi. "Mahal mo pa rin ako kahit hindi ikaw ang nakauna sa akin? Kahit may ilang lalaki ng gumalaw sa akin? Kahit madumi na akong babae?" Huminga ng malalim si John sabay haplos sa mukha ni Shayne. "Ano naman ngayon kung hindi ako ang nakauna sa iyo? Wala akong pakialam doon. At paano ka naging madumi nang dahil lang sa madami ng lalaking umangkin sa iyo? Bakit ganiyan ang tingin mo sa sarili mo? Wala akong pakialam sa nakaraan mo. Hindi mababawasan ang pagmamahal ko sa iyo nang dahil lang doon. Bakit? Lahat ba ng nagkakatuluyan sa panahon ngayon v irgin ang babae? May iba nga single mom pa eh wala namang kaso sa lalaki iyon." Tila hinaplos ang puso ni Shayne sa sinabing iuon ni John. Ramdam na ramdam niya na tunay siyang mahal ng binata kahit na ang baba ang tingin niya sa kaniyang sarili. "Maraming salamat sa pagmamahal mo, my baby boy pero ayokong mapahamak ka ng dahil sa akin..." "Ano? At bakit naman ako mapapahamak?" naguguluhan niyang tanong. Tumulo ang butil na luha ni Shayne sa pisngi na agad namang pinahid ni John. "Iyong ex ko... nandito na siya sa Pinas. At balak niya akong kunin mula sa iyo. Hindi siya simpleng tao. Hindi ko akalain na ganoong tao siya. Isa siyang adik na mahilig gumawa ng kalokohan at tatapalan gamit ang pera niya. Ayokong may gawin siyang masama sa iyo. Sigurado akong sasaktan ka niya." Ngumisi si John. "Hindi ako natatakot sa kaniya kahit isa pa siyang mamamatay tao. Magpapatayan kaming dalawa kung sakaling kunin ka niya sa akin. Hindi kita ibibigay sa kaniya. Ako ang nagmamay ari sa iyo, Shayne. Sa akin ka lang. Ex na lang siya. Kaya bakit papansin pa siya?" Hinawakan ni Shayne ang kamay ng binata. Ramdam ni John ang panginginig ng kalamnan ni Shayne sa mga sandaling iyon. "Mahal na mahal kita, John at ayokong mapahamak ka. Hindi mo siya kilala. Baka isang araw, ipapatay o patayin ka na lang niya..." nahihintakutang sabi ni Shayne. "Wala akong pakialam sa kanya. Handa akong makipagpatayan para sa iyo. Ganoon kita kamahal. Hindi kita ibibigay sa kaniya. Huwag kang matakot. Magtiwala ka lang sa akin. Ipaglalaban kita hanggang dulo..." maramdaman sabi ni John sabay yakap ng mahigpit kay Shayne. Rumagasa ang masaganang luha ni Shayne. Ngayon pa lang ay natatakot na siya sa maaaring mangyari kay John. Ngunit kailangan niyang magtiwala sa kaniyang nobyo na makayanan nilang harapin ang kung ano mang pagsubok sa kabilang pagmamahalan. "Palagi mong tatandaan na handa kitang ipaglaban sa kahit na sino. Kaya hindi ka dapat matakot. Magtiwala ka lang sa akin. Ikaw ang magiging lakas ko." Hinawakan ni John ang mukha ni Shayne bago niya ito maingat na hinalikan. Tumulo ang butil na luha ni Shayne sa kaniyang mata habang tumutugon sa mainit na halik ng kaniyang nobyo. Napupuno ng takot ang kaniyang puso sa isiping magkakahiwalay silang dalawa ni John. Natatakot siyang sabihin kay John ang totoo ngunit naisip niya na mas mainam ng alam ni John ang lahat para makagawa ito ng paraan. "Gusto mo bang umalis tayo sa lugar na ito? Magtago tayo, Shayne. Pupunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa ating dalawa. Sa lugar kung saan tago at makakakilos tayo ng matiwasay..." Matamis na ngumiti si Shayne. "Sige, sasama ako sa iyo. Kailan mo ba balak tayong umalis?" "Sa lalong madaling panahon. Hahanap ako ng lugar kung saan hindi niya tayo makikita. O 'di kaya bumalik tayo sa dati naming tirahan ni ate Dianna. Naroon pa rin ang bahay namin. May nagbabantay doon." "Talaga? Sige doon na lang tayo magtago. O 'di kaya magtayo na lang tayo ng simpleng bahay doon malapit sa tinitirahan niyo dati." Muling niyakap ng mahigpit ni John ang kaniyang nobya sabay halik sa noo nito. Hindi na siya papayag pang magkahiwalay silang dalawa kaya gagawin niya ang lahat upang hindi makuha sa kaniya ni Edgar ang babaeng mahal na mahal niya. SAMANTALA, INIS NA PINAGPUPUNIT NI EDGAR ang mga kuha nila John at Shayne na magkayakap at magkahalikan. Mariin siyang napapikit at saka humithit ng m*******a. Mariin siyang pumikit nang ibuga niya ang usok bago tumingin sa kaniyang tauhan. "Pakialis na ang mga walang kuwentang larawan na ito sa harapan ko. Masakit sila sa mata. Akala naman nila, magtatagal silang magkasama. Hindi iyon mangyayari dahil babawiin ko na ang akin. Sa akin lang si Shayne noon hanggang ngayon. Tapos na ako sa mga inasikaso ko kaya sa kaniya na ako magiging abala. Sa kaniya na mapupunta ang oras ko..." seryosong saad ni Edgar bago muling humipak mula sa tube na may m*******a. "Paano pala iyan, boss? Mukhang wala namang balak sumama sa iyo si Shayne. Sasaktan mo ba ang nobyo niya?" Ngumisi si Edgar. "Ano pa nga ba? Kung hindi sila madadaan sa usapan, alam na nila ang mangyayari. Sigurado naman akong ayaw ni Shayne na masaktan ko ang lalaking iyon kaya sasama siya sa akin. At iyon naman ang dapat. Ako ang dapat niyang maging asawa, hindi ang lalaking iyon." "Sige, boss. Sabihan mo lang kami kung kailan namin bibigyan ng leksyon ang lalaking iyon." Muling bumuga ng usok si Edgar bago tumingin sa larawan ni Shayne mula sa kaniyang cellphone. Ang larawang kuha niya noong sila pa. Nasasabik na akong muli kang makasama, mahal ko. Bubuo tayo ng masayang pamilya. Huwag lang mag- alala, handa naman akong magbago para sa iyo. Basta, pakasalan mo lang ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD