21

1036 Words
Pauwi na sana si John nang may humarang sa kaniyang daraanan. Nangunot ang kaniyang noo dahil hindi naman niya kilala ang mga lalaking ito. Mula sa isang itim na sasakyan, lumabas si Edgar. Tatlong sasakyan ang humarang sa kaniyang daan. "Hmm... ikaw pala ang lalaking pinagmamalaki sa akin ni Shayne. Ano bang maipagmamalaki mo sa akin? Mayaman ka ba? Ano bang mayroon sa iyo na wala sa akin para ikaw ang piliin niya?" Nanlaki ang mata ni John nang mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Nagtangis ang kaniyang ngipin kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao. "Bakit hindi ka pa manahimik eh ex ka na lang? Hindi mo matanggap na hindi ka naman talaga niya minahal? Ginamit ka lang niya para pagselosin noon ang taong mahal niya? At ngayon, ako naman ang mahal niya kaya wala ka talagang puwang sa puso niya," matapang na sabi ni John. Matalim siyang tinitigan ni Edgar dahil hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo at sa mga sasabihin mo pa. Nandito ako para kausapin ka ng maayos. Ibigay mo sa akin si Shayne kung ayaw mong masaktan." Ngumisi si John. "At bakit ko naman sa iyo ibibigay ang babaeng mahal ko? Hindi mo ba maintindihan na hindi ka niya mahal? Na hindi ka niya minahal kailanman? Bakit hindi ka na lang humanap ng iba diyan kaysa nang- aagaw ka pa? Wala ka bang isip?" Bumuga ng hangin si Edgar dahil binabalot na siya ng matinding inis. "Masyado kang mayabang kahit wala ka namang laban sa akin. Ibig sabihin, talagang magmamatigas ka. Talagang wala kang balak ibigay sa akin si Shayne, tama ba?" "Oo... hindi ko siya ibibigay sa iyo," madiing sabi ni John. Asar na ngumisi si Edgar. "Okay fine. Kung ganoon, humanda ka sa akin." Sinenyasan niya ang apat na lalaki doon para bugbugin si John. May dala itong mga kahoy dos por dos pamalo. Sumugod na ito isa- isa kay John. Nagawa pang makipaglaban ni John ngunit hindi niya kinaya ang apat lalo na't may mga dala itong armas. Pinagpapalo siya sa iba't ibang bahagi ng katawan pati na sa ulo. Napaupo siya sa kalsada habang pinapanuod siya ni Edgar. "Ano? Kaya mo pa ba, bata? Masyado ka kasing mayabang eh wala ka naman!" sigaw ni Edgar sa kaniya. "Hoy! Tangina niyo anong ginagawa niyo kay boss!" sigaw ni Kyle bago tumakbong lumapit sa kinaroroonan nila. "Mga g ago!" malakas na sigaw ni Rey na nakipagsuntukan na rin. "Umalis na tayo dito!" sigaw ni Edgar sa mga tauhan niya. Nagmamadali nitong pinaandar ang kani- kanilang mga sasakyan paalis. Habang si John naman ay sinubukang bumangon ngunit hindi niya kinaya. Halos mamaga ang katawan niya pati mukha sa dami ng tinamo niyang hampas sa apat na lalaki. Awang- awa sa kaniya ang dalawa niyang kaibigan. Maingat siyang binuhat ng mga ito. "Boss sino ba ang mga iyon? Bakit ginawa nila sa iyo ito?" nag- aalalang tanong ni Kyle. "Ex ni Shayne ang lalaking nakatayo kanina na nanunuod habang binubugbog ako. Gusto niyang kunin sa akin si Shayne..." mahinang sabi ni John. "Ano? G ago pala ang lalaking iyon! Ex na pala bakit hindi na siya manahimik!" galit na sabi ni Rey. Hindi na nakapagsalita pa si John dahil nandidilim na ang kaniyang paningin. Dali- daling naglakad ang dalawang magkaibigan habang buhat si John pauwi. Napangiti si Shayne nang marinig ang pagbukas ng gate sa bahay ni John. May ngiti sa labi niyang binuksan ang pinto ng bahay ng kaniyang nobyo ngunit agad ding nawala ang ngiti niya sa labi nang makita ang itsura ni John. "Oh my! Ano ang nangyari?" sigaw ni Shayne. Inihiga ng dalawang lalaki si John sa sofa na iyon. Agad na umagos ang luha sa mata ni Shayne habang nakatingin sa itsura ni John. May dugo sa ulo nito pati na sa labi. "Binugbog siya nong ex mo. Ang sabi sa amin ni boss, gusto ka raw kunin ng ex mo mula kay boss. At mukhang hindi pumayag si boss kaya siya binugbog," sambit ni Kyle sabay hawak sa sintido. Umiiyak na tiningnan ni Shayne ang kaniyang nobyo. Niyakap niya ito habang lumuluha. Sa isip - isip niya, tama nga ang hinala niyang gagawa ng masama si Edgar para makuha siya nito. Pinagmasdan ni Shayne ang mga sugat at pasa sa mukha ni John bago muling napaluha. Patawarin mo ako, John kung nadamay ka pa sa katangahan ko noon. Ito ang iniiwasan kong mangyari kaya hindi ko alam kung makakaya kong panindigan ang pagmamahalan natin kung ganito lang ang aabutin mo. Ayokong may mangyari pang masama sa iyo... Ginamot ni Shayne ang mga sugat ni John. Habang ginagamot niya ito, panay ang agos ng kaniyang luha. Awang- awa siya sa sinapit ng kaniyang nobyo. Isang oras ding nakatulog si John bago ito tuluyang nagising. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita si Shayne sa kaniyang tabi na lumuluha. "M- My sunshine... b- bakit ka umiiyak?' mahinang sabi ni John. "I'm sorry, John... I'm so sorry..." lalo pang lumakas ang iyak ni Shayne. Pinilit igalaw ni John ang kaniyang kamay kahit na nanghihina siya. Napangiwi siya dahil sobrang sakit ng kaniyang katawan. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang nobya. "Bakit ka nagso- sorry? Dahil ba sa nangyari sa akin? Wala kang kasalanan. Wala kang dapat ika- sorry. Hindi kita ibibigay sa kaniya. Hindi ka niya makukuha sa akin..." Humagulhol si Shayne habang humihikbi. Mahal na mahal niya si John. Kaya sobrang sakit para sa kaniya na makita itong binugbog ng kaniyang ex. "Babalikan ka niya. At sasaktan ka niya ulit. Ayokong masaktan ka pa ulit, John! Ayokong may mangyari pang masama sa iyo!" "Ano ang ibig mong sabihin? Sasama ka sa kaniya para hindi na niya ako bugbugin? Hindi ako papayag, Shayne. Hihingi tayo ng tulong kay ate. Sisiguruhin kong mabubulok sa kulungan ang lalaking iyon. Huwag kang sumama sa kaniya dahil lang sa nangyari sa akin ngayon. Magtiwala ka sa akin, hindi mo na kailangan pang sumama sa kaniya para hindi na ako masaktan pa." Kinagat ni Shayne ang kaniyang pang - ibabang labi bago hinalikan ang kamay ni John. Pinaghihinaan siya ng loob sa mga sandaling iyon ngunit gusto niyang magtiwala sa kaniyang nobyo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD