"Grabe talaga ang babaeng iyon! Talagang ipinamumukha niya sa akin na masaya siya sa piling ni John? At talagang hinakot na niya ang gamit niya para tumira sa bahay ni John? Ang galing talaga!" nagngingitngit sa galit na sabi ni Ava.
Natawa si Sheena. "At ano naman sa iyo ngayon? Kahit maging kaniya pa ang bahay ni John, wala ka na doon. Nagmamahalan sila. Mahal ni John si Shayne kaya kahit ano pa ang ibigay niya, wala ka na doon. Wala ka namang ambag sa relasyon nila eh."
"Nakakainis ka talaga kahit kailan, Sheena! Imbes na pagaanin mo ang loob ko, pinasasama mo pa!" singhal ni Ava.
Natatawang napailing si Sheena. "Eh anong gusto mong mangyari? Maki- join ka sa kanila? Ang utusan si John na huwag patirahin doon si Shayne? Iyang mga gusto mo kasing mangyari, pang- abnormal eh. Ikaw lang iyong nakilala kong baliw na hindi matanggap na may iba na ang taong gusto mo."
Inirapan ni Ava si Sheena. Hindi niya rin alam sa kaniyang sarili kung bakit ganoon siya. Naiisip niya na marahil umasa talaga siya ng sobra na magkakaroon ng something sa kanilang dalawa ni John na biglang naudlot dahil sa biglang pagsulpot ni Shayne sa buhay nila.
"Basta isa lang ang alam ko, mahal ko si John. Tapos. Iyon ang nararamdaman ko na hindi ko kayang pigilan. Kaya gusto kong maghiwalay silang dalawa..." naiinis niyang sabi.
Napailing si Sheena. "Bahala ka sa buhay mo. Basta ako, wala akong balak na samahan ka sa masama mong balak. Takot ako sa karma. Ayoko na mangyaring sa susunod, sa akin naman mangyari ang ganiyan."
Hindi na umimik pa si Ava. Sinilip niya mula sa gate sina John at Shayne na masayang nagtatawanan. Pinauulanan ng halik ni John sa pisngi si Shayne habang kinikilig namang natatawa ito. Lalong nangitngit sa inis si Ava kaya pumasok na lamang siya sa loob ng kaniyang silid.
Sa kabilang banda naman, tawa nang tawa si Shayne dahil nakikiliti na siya sa ginagawang paghalik sa kaniya ni John. Mahina niyang itinulak ang kaniyang nobyo.
"Ang harot mo naman masyado! Baka maumay naman ang taong makakita sa atin dito!" tumatawang sabi ni Shayne.
"Wala akong pakialam sa kanila. Bahala silang mainggit diyan," wika ni John bago siya muling pinaulanan ng halik.
Isang oras silang nasa ganoong lambingin hanggang sa pumasok na sa loob ng kaniyang bahay si John upang ipagluto si Shayne. Nakangiting pinagmamasdan ni Shayne ang kaniyang nobyo na kung ituring siya ay parang reyna. Wala siyang masabi sa kasipagan ni John. Wala siyang masabi sa pagiging malambing nito na talaga namang hinahanap niya sa isang lalaki.
"Pagkatapos nating kumain, didiretso na ako sa palengke para tingnan iyong dalawa. Ikaw ba? Doon ka muna ba sa store mo o dito ka muna?"
"Doon na lang muna ako sa store ko para matulungan ko rin iyong staff ko doon. Daanan mo na lang ako kapag pauwi ka na," nakangiting tugon ni Shayne.
Nag- asikaso na si John matapos nilang kumain dalawa. Sa kaniyang store muna nanatili si Shayne para tulungan ang dalawa niyang staff doon habang si John naman ay nagtungo sa palengke. Maraming mga babae ang bumibili ng kaniyang beauty products at kalimitan sa mga ito, hindi lang isa ang binibili. Kaya talagang sumikat online ang beauty products ni Shayne. Pero hindi na siya nagpatayo pa ng physical store dahil mas marami ang um- order online. Naging abala siya sa pagre- repack ng mga iyon para dalhin sa courier service provider.
"Ang dami nating need balutin! Nakakatuwa!" masayang sabi ni Tina.
"Oo nga eh. Siguraduhin mong hindi tinipid sa bubble wrap at karton, ha? Para kapag dumating sa customers natin, talagang walang rason para magkaroon ito ng damage," utos ni Shayne.
Naging abala silang dalawa sa pagbabalot. Ang malaking space kasi sa kaniyang store na iyon ang ginamit niya para doon na siya magbalot nang balot. Ang isa naman niyang staff ang ngalang humarap sa mga bumibiling customer sa store na iyon.
Matapos ang mahabang oras, dinala na ni Shayne mga natapos niyang balutin na kaniyang produkto sa courier at saka siya bumalik sa kaniyang store. Nag- order na lang siya ng pagkain nilang tatlo.
Katatapos lang niyang kumain nang maka- received siya ng tawag sa isang unknown number.
"Pakiligpit na lang ako, ha? Sagutin ko lang itong tawag," sambit ni Shayne bago lumabas ng kaniyang store.
"Hello? Sino sila?" aniya matapos sagutin ang tawag.
"Did you miss me, Shayne?"
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Shayne nang marinig ang boses na iyon. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone bago madiing napapikit.
"Tigilan mo na ako, Edgar. Matagal na akong tapos sa iyo. Wala na akong pakialam sa iyo dahil matagal na tayong tapos! Humanap ka ng babaeng tatanggap sa bisyo mo at sa madumi mong gawain!" sigaw niya sa kausap.
Rinig niya ang tawa ni Edgar mula sa kabilang linya. "Sa tingin mo ba hindi ko ginawa? Sinubukan kong hanapin sa ibang babae ang nakita ko sa iyo pero hindi ko nahanap sa kanila. Kaya napagtanto kong ikaw talaga ang hinahanap ko. I miss your body, Shayne. Gusto ko ulit maranasan ang mainit na sandaling pinagsasaluhan natin noon."
Nangilabot si Shayne nang maalala iyon. Nagsisisi tuloy siya kung bakit naisipan niya pang patulan si Edgar noon. Nagkamali siya sa ginawa niyang iyon.
"Wala akong pakialam sa sinasabi mo. At isa pa, hindi na mangyayari iyon dahil may boyfriend na ako! Kaya mas mabuti pang huwag mo na akong guluhin pa!"
"Boyfriend pa lang naman. Hindi pa asawa. Kaya walang masama kung aagawin kita mula sa kaniya. At isa pa, Shayne... alam mo naman kung ano ang ugali ko 'di ba? Ang mahalaga, hinayaan kitang magpakasaya sa ibang lalaki ng ilang taon. Pero ngayon, kukunin na kita. Dahil ako naman ang nagpasaya sa iyo noon 'di ba? Ako ang nakasama mo noong nalulungkot ka. Kaya hindi mo ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin...."
Nanghihinang napahawak sa pader si Shayne nang ibaba ni Edgar ang tawag. Totoong si Edgar ang nasandalan niya noong naglulugmok siya ngunit hindi niya akalain na may kapalit pala ang pagtulong nito sa kaniya.
Adik ka talagang hayop ka! Wala sa ayos ang pag- iisip mo! Hindi mo ako pagmamay ari, Edgar!