8

1041 Words
Isang araw na ang lumipas, inaabangan ni John si Shayne na magpunta sa store nito ngunit pa nagpupunta doon ang dalaga. Naiinis na si John dahil hindi niya pa nakikita si Shayne. Panay ang tambay niya sa kanto kung saan natatanaw niya ang store ni Shayne. Malalaman niyang nandoon ang dalaga kapag nandoon ang sasakyan nito. "Boss? May inaabangan ka ba dito?" tanong ni Rey sa kaniya. Hindi sumagot si John. Sa halip, nakatingin lamang siya sa store ni Shayne. Maaga nga silang umuwi dahil nagbabakasakali na siyang makita si Shayne ngunit wala pa rin ito. Tumikhim si Kyle. "Boss, may nagugustuhan ka ba sa dalawang dalaga sa store na iyon?" panunukoy niya sa store ni Shayne. Bumuntong hininga si John. "Wala. Iyong mismong may ari ang gusto ko. Ang babaeng matagal ng nagmamay- ari ng puso ko." Nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang kaibigan. "Ha? Akala ko ba hindi niyo kilala ang isa't isa?" "Oo nga! Sabi mo hindi mo siya kilala?" sabat pa ni Rey. Tumikhim si John sabay tingin sa dalawa niyang kaibigan. "Sinabi ko lang iyon dahil masama ang loob ko sa kaniya. Iniwan niya ako noon. At ngayon lang kami nagkita ulit. Magulo pa rin. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang ayusin ang kung anong mayroon sa amin." "Ha? Bakit daw magulo? Bakit ka niya iniwan, boss?" chismosong sabi ni Kyle. "Dahil mas matanda siya sa akin. Siguro limang taon...." sagot ni John. "Ngek! Hindi naman ganoon katanda iyon! At saka, age doesn't matter! May iba nga dekada na ang layo ng edad pero solid ang pagmamahalan!" sabi naman ni Rey. Napahilamos si John sa kaniyang mukha. "Hindi ko alam sa kaniya. Ayaw niya raw na masabihan ako ng ibang tao. Ayaw niya raw akong mapahiya sa ibang tao lalo na't matanda siya sa akin." "Ano naman? Wala ka naman yatang pakialam sa sasabihin ng ibang tao eh. Kung ako sa iyo, boss... suyuin mo ng maigi kung talagang mahal mo. Kasi sa tingin ko siya ang nahihiya. Siguro, ayaw niyang masabihan ng ibang tao ng child abuse. Kasi nga mas bata ka sa kaniya..." dagdag na sabi ni Kyle. Asar na tumawa si John. "Child abuse? Mukha ba akong bata talaga? Buti sana kung teenager ako pero hindi naman. Basta, bahala na. Hindi na ako papayag na iwan niya pa ako ulit. Bubuntisin ko na talaga siya para wala na siyang takas." Humagalpak ng tawa ang dalaga. "Sige lang, boss! Suportahan ka namin diyan!" sabi ni Rey. "Oo nga! Tama iyan! Buntisin mo na nang hindi na makatakas!" natatawang sabi ni Kyle. Kumamot sa kaniyang sintido si John. Naiinip na talaga siya kahihintay kay Shayne ngunit hindi pa rin siya umalis sa kaniyang puwesto. Sumapit na lang ang ala syete ng gabi, nando'n pa rin siya nakaupo. Hanggang sa dumating na nga si Shayne sa store nito. Napatayo kaagad si John. Hinintay niya munang umalis ang mga staff ni Shayne bago siya nagtungo roon. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sa iyo?" inis na sabi ni John. Nginisihan siya ni Shayne. "Bakit? Sinabihan na kita, 'di ba? Hindi tayo bagay. Bakit ayaw mo pa akong layuan? Bakit ayaw mo pa akong tigilan? Alisin mo na ako sa puso mo, John. Hindi ako ang babaeng nararapat sa iyo. Nagsasayang ka lang ng oras sa akin. Gusto ko munang mag - focus sa sarili ko. At isa pa, ayoko sa lalaking mas bata sa akin." Asar na ngumiti si John. "Pagkatapos ng lahat, ayan lang ang sasabihin mo sa akin? Alam mo kasalanan mo ang lahat ng ito!" Nanlaki ang mata ni Shayne. "Ha? Anong pinagsasabi mo diyan? Anong kasalanan? Ano ba ang naging kasalanan ko sa iyo?" Magkasalubong ang kilay ni John na lumapit kay Shayne. Panay naman ang atras ni Shayne hanggang sa maramdaman na niya ang pader sa kaniyang likuran. Napalunok siya ng laway. "Kung hindi mo sana pinatikim ang sarap ng araw na iyon, hindi ka sana hinanap ng sistema ko! Hindi ko sana hinanap ang mainit mong halik! Ang mainit mong paghagod sa balat ko! Matapos mong guluhin ang pagkatao ko, ganiyan lang ang sasabihin mo sa akin? Anong klase ka?" bakas sa boses ni John ang kirot. Napalunok ng laway si Shayne sabay yuko. Mahal niya si John. Iyon ang totoo. Ngunit ayaw niya sa mas bata sa kaniya. Natatakot kasi siya na kapag dumating ang araw na tumanda na siya ng tuluyan at pumangit, baka iwan siya nito. Ayaw na niyang masaktan pa ulit. "Please, John.... hayaan mo na ako. Kailangan mo ng tanggapin na hindi ako ang babaeng nararapat sa iyo. Bata ka pa. Marami ka pang babaeng makakasalamuha. Iyong mas magaling pa sa akin magpaligaya sa kama. At isa pa, nahihiya ako sa iyo. Marami ng nakatikim sa akin. Hindi ka ba nandidiri sa akin?" naluluhang sabi ni Shayne. "Bakit naman ako mandidiri sa iyo? Isa ka bang sakit na nakakahawa? At saka anong pakialam ko kung mas marami pang magaling sa iyo pagdating sa kama? Hindi naman iyon ang habol ko sa iyo eh! Ikaw mismo! Ikaw ang sinisigaw ng puso ko, Shayne! Kaya kung puwede ba, huwag kang makulit! Mapapatay na kita eh!" bulyaw sa kaniya ni John. Nanlaki ang mata ni Shayne. "Mapapatay?" Gumuhit ang mapanlokong ngiti sa labi ni John. "Oo, mapapatay na kita sa sarap." Mabilis na pinatay ng binata ang ilaw sa lugar na iyon. Hinila ni John si Shayne palabas ng store at saka binuksan ang sasakyan nito. Itinulak niya sa backseat si Shayne kaya naman napahiga ito. "John ano ba?!" suway ni Shayne ngunit hindi siya nakinig. Mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan na iyon si John. Naupo siya doon at saka niya binuhat si Shayne at pinaupo sa kaniyang kandungan. Pagkatapos ay mariin niya itong siniil ng halik. Agresibo niyang hinalikan si Shayne dahil gigil na gigil na rin siyang talaga. At habang ginagawa niya iyon, hinuhubad na niya ang pangtaas na damit nito. "John!" hiyaw ni Shayne nang basta na lang wasakin ni John ang suot niyang bra. "Sinabi ko naman sa iyo na huwag ka ng makulit pero hindi ka nakinig kaya may parusa ka sa akin ngayon!" sambit ni John bago sumubsob sa malusog na dibdib ni Shane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD