Halos tatlong oras pa lang na nakakatulog si Lance ng gisingin siya ng tunog ng kanyang cellphone. Kinapa niya ang aparato sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kanyang kama. Hindi na siya nag-abalang tingnan pa kung sino ang tumatawag. "Why?" Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga. Maliksi ang kanyang mga kilos. Kaunting oras lang na mahuli siya, ikapapahamak na agad iyon ng pasyente. Ang kanyang assistant ang tumawag informing him about Senator Mondragon being shot by an unknown gun man. Sa ulo daw ang tama nito at nasa kritikal itong kondisyon. Kailangan itong maoperahan as soon as possible at siya ang ni-request ng mga kaanak nito na magsagawa ng operasyon. Hindi na niya nagawa pang silipin ang asawa sa kabilang kwarto. Pagkatapos ng operasyon saka na lang niya ito kakausapin hinggil sa sitw