NANG hapon ding iyon, binisita si Ylona ng kanyang nobyo, si Shun. Ipinagtapat niya rito ang mga resulta ng pag-uusap nila ni Attorney Anderson.
“Sinabi ko na sa’yo, kung sana ay nagpakasal na lang tayong dalawa, mawala na ang mga alalahanin mo. Hindi mo na sana pinoproblema ‘yan ngayon,” wika ni Shun sa kanya habang kinabig siya at niyakap.
“It’s just a money, Hon. I will provide it for you. Palipasin lang natin ang pagluluksa sa pagkamatay ng mga magulang mo at ako kaagad ang magsasabi sa mga magulang ko na mamanhikan na sa Lola Ofelia mo. I tell it to them already at wala silang tutol sa atin.”
Puno ng pasasalamat at pagmamahal ang tinging ibinigay ni Ylona sa nobyo. Tila naglalagablab ang kanyang puso sa mga salitang iyon habang humihilig siya sa balikat nito. Ikinagagalak niya ang pagdating nito sa araw na iyon. Napalitan niyon ang pagmimihagting naramdaman niya. Hindi niya gustong lubusang iasa sa nobyo ang lahat ng problema. But looking at him now, she only had Shun, her love and her support.
Anim na buwan na silang magkasintahan at mahal niya si Shun, at nararamdaman niyang mahal rin talaga siya nito.
Si Shun Valiente. A handsome hunk with a mustache! May sariling negosyo bagama’t maliit ay maituturing na sarili. Isang slimming center for men and women.
Sa gym sila nagkakilala ni Shun nang minsan isinama siya ng kaibigan niya roon. She was fit as a model pero naganyak siyang mag-enroll. Anyways, wala siya kahit na anong fitness exercise maliban sa paminsan-minsang paglalangoy sa pool nila.
Walang hindi mag-uukol ng pansin kay Ylona. Sa taas na five and four inches, and with a whistle-bait body, plus a pretty face na hindi mo pagsasawaang tingnan. Sapat na sapat na mga katangian upang ang mga lalaking naghahandog ng pag-ibig sa kanya ay tila mga langgam sa asukal. At ang mga katangiang iyon na tinataglay ng dalaga ay hindi pinalampas ni Shun na siya ring head instructor. Niligawan siya nito at sinagot naman niya. Alam niyang maraming kababaihang customers ang umaaligid rito bagaman hindi iyon nagbigay sa kanya ng salik para pagselosan ang mga ito.
“It wasn’t even a proper will, Shun,” she said in a weary voice.
“Kundi pagbibigay impormasyon sa akin ni Attorney Anderson tungkol sa mga ari-arian ni Papa at kung saan napunta ang mga iyon.”
“Don’t worry about it, honey,” Shun reassured her, trying to soothe her worries. “Once we’re married, you won’t need to think about any of that. We will build our own future together.” Isang halik ang kanyang natanggap sa noo, na tila napawi ang lahat ng doubts na naramdaman niya. Subalit atensiyon nila ay nakuha sa paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng bahay. Nasa balkonahe sila at agad nilang nakita ang pagbaba ng isang pamilyar na bulto mula sa itim na Land Rover sedan.
“Look who finally decided to show up, ang ampon ng mga lolo’t lola mo,” mahinang sarkasmong usal ni Shun sa tonong hindi gusto ang nakitang dumating.
Sinundan nila ng tingin ang pagpanik ng isang matangkad na lalaki sa balkon. Si Nigel Del Cid, ang ampon ng kanyang abuelo at abuela. Nakatiim ang anyo nito, na hindi na pinagtatakhan ni Ylona. Wala siyang natatandaang nakita niya itong ngumiti.
Ang aviation uniform na suot nito’y lalong nagbigay-pansin sa malapad na mga balikat at matipunong katawan. Kasing itim ng uwak ang buhok and was brutally cut short. His nose was straight and set above a sensual mouth and strong, square chin.
“Ano’ng dahilan ng pagdating mo rito? Akala ko ba busy ang isang ampon na walang ibang iniisip kundi ang sarili.” unang salubong ni Shun, ngunit ang lalaki ay tila hindi pinansin ang kanyang nobyo, ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa kanya na para bang wala nang ibang tao sa paligid. She had expected her grandmother to be sympathetic, hindi para ipadala ang lalaking ito sa bahay niya.
“What do you want?” Ylona demanded, bitterness and anger threading through her voice.
“We need to talk,” Nigel replied, his voice cold and businesslike.
Tumikwas ang kilay ni Ylona. “We’re already talking,” she shot back, her tone dripping with sarcasm.
“Privately,” diin ni Nigel, na tila sinisikap ipahayag ang tunay na layunin ng kanyang pagbisita.
“Kung ano man ang sasabihin mo sa akin, sabihin mo na rito ngayon. Ayokong sumama pa sa ‘yo,” sagot niya, ang puso ay nag-aalab sa pagtutol.
“Probiso iyon ng Lola mo,” aniya, na tila may pangako sa mga salita.
Ylona let out a sarcastic laugh, crossing her arms. “Natitiyak kong anuman ang nais mong sabihin sa ‘kin ay tiyak na gayon din ang sasabihin sa akin ng Lola sa oras na umuwi ako ng rancho. Oh well, ganyan ka na ba ka-desperado na sumipsip sa pamilya namin para—”
“Ylona!” maawtoridad na saway nito, na nagpasiklab ng pag-init sa kanyang mga pisngi.
Nilayo ni Ylona ang tingin kay Nigel, ang kanyang galit ay lumalaban sa takot na bumabalot sa kanya.
Ano ang nangyayari sa kanya at nagiging bastos siya sa tuwing kaharap ang ampon ng kanyang lolo lola? Sa rancho ay lantaran niyang ipinapakita ang inis dito. At karaniwan ay wala siyang natatanggap na reaksiyon mula sa lalaki na lalo lang nagpapakulo ng dugo niya.
“What ever!” On the contrary, nais niyang bigyan ng justification ang sarili sa sinabi, sa kabila ng lahat ng nalaman niya sa abogado.
“Maaari ko bang malaman kung bakit gusto mo siyang makausap nang kayo lang dalawa?” si Shun. Halata ang possessiveness sa boses nito.
Isang tipid na ngiti ang isinagot ni Nigel. Muntikan ng mapapikit si Ylona. Oh God! This spice men have a luxury smile!
Matamang tinitigan niya ito. Kung tutuusin ay magandang lalaki si Nigel. Hindi marahil iyong guwapong Ala Ian Somerhalder, Enrique Iglesias o ‘di kaya ay si Diogo Morgado. Pero, ito iyong tipong lalaki na bibigyan ng mga babae ng second look.
Tall, dark, and oozingly attractive, in his unique way. Pero hindi niya ito type! Maliban sa agwat ng edad nilang sampung taon ay napaka-pormal pa nito. Very censorious kahit sa pananamit. Lagi na lang naka-coat and tie, o’ ‘di kaya ay slacks and long sleeves. Like now, immaculate navy blue long sleeves at black slacks. At mukhang galing pa ito sa business meeting.
Sa palagay niya, si Nigel ang tipong hindi mag-aangat ng isang paa para gumawa ng isang bagay na hindi kaaya-aya. And a lot of people respected him. At kahit siya minsan ay napapasunod nito. And she hates it!
Kung hindi siya hinawakan ni Shun sa mga kamay at nagsalita ay hindi siya babalik sa reyalidad.
“Hindi ba maaaring pati ako ay sumama na rin sa usapan, Del Cid? Dahil hindi tatagal ay mamanhikan na rin ako kasama ang mga magulang ko sa bahay ni Ofelia Ochoa,” may pagmamalaking sabi ng kanyang nobyo, na puno ng tiwala sa sarili.
Tumikwas ang isang kilay ni Nigel. “Hindi ako pumunta rito para makausap ka, Mr. Valiente. At bago ka makialam sa usapang pampamilya, siguraduhin mo munang may karapatan ka sa usaping iyon.”
Nakita ni Ylona ang pag-igting ng mga panga ng nobyo habang nakatitig sa seryoso at malamig na anyo ni Nigel. Sa simula pa lamang, naramdaman na niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki, at inisip niyang tila may hidwaan sa kanilang dalawa. Tinanong niya ang kanyang nobyo tungkol dito, ngunit wala siyang natanggap na malinaw na sagot. Ngunit ang pagkadisgusto ni Shun kay Nigel ay malinaw na nakikita, at alam ni Ylona na may batayan ang nararamdaman ng kanyang nobyo.
Nang animo’y walang magpapatalo sa tinginang puno ng paghahamon ay pumagitna na siya upang sugpuin ang tensyon. “Enough of this.” She stepped between Shun ang Nigel, gently pushing her boyfriend aside to confront the man. “To fixed this up, pumapayag na akong kausapin ka sa madali.”