“I CAN'T believe this, Attorney!” bulalas ni Ylona sa pinagsamang pagtataka at pagkamangha matapos sabihin ng abogado ang nilalaman ng testamento ng kanyang ama.
That is not a testament but a lawyer's legal statement on her father's properties, which was to her’s surprise was none. Walang iniwang kahit na ano si Ernest para sa kanya na kaisa-isang anak nito. His and Lydia’s death were unexpected. Hindi ito nakagawa ng testamento. Pero ang malaman na wala itong mga pag-aaring naiwan sa kanya ay hindi mapaniwalaan ni Ylona.
“Calm down hija. Kung may duda ka sa authenticity ng mga papeles na ito, here . . .” Iniabot ng abogado ang mga dokumento sa kanya. “Maaari mong basahin ang buong nilalaman ng mga ito to clarify your thoughts.”
Ylona shook her head, her hands trembling. Her father’s partner and friend would not lie to her. She had know him all her life. “How could my father leave me nothing, Uncle Johnny?”
“Hindi rin ako makapaniwala, Ylona,” sagot ni Attorney Johnny, pinapakita ang seryosong ekspresyon. “Ngunit ayon sa mga dokumento, marami sa mga assets ng iyong ama ay na-liquidate bago pa man siya namatay. Ang ilang mga properties at investments niya ay inilipat na sa iba't ibang trust funds at overseas accounts, na tila may mga specific na kondisyon bago ito ma-access. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan, ngunit mukhang naghanda siya para sa isang sitwasyon na hindi niya inaasahan."
Ylona frowned, still not understanding. “Pero bakit hindi ko man lang alam ang tungkol dito? Bakit walang iniwang direktang pamana si Papá sa akin?” tanong niya, nananatiling tuliro at dismayado.
Nilinga ni Ylona ang buong silid. Opisina iyon ng kanyang ama na ngayon ay siya nang gamit ni attorney Johnny Anderson, isa sa mga major partners sa law office na iyon.
When she was a little girl, she used to come here with her mother. Sinusurpresa nila ang Papá niya sa oras ng trabaho nito. Mainit at whole embrace naman silang sinasalubong ni Ernest.
But still, this was her father’s office. Naroon pa rin ang mga libro nito at gamit. Sa isang sulok ay naroroon ang dalawang di-kalakihang karton upang paglagyan ng mga personal na gamit ng Papá niya.
Ylona’s parents were buried three days ago. Masakit at sariwa pa sa damdamin niya ang pagkamatay ng dalawang mahal niya sa buhay.
Nang ma-confine sa ICU si Ernest ay tila nawala sa sarili si Lydia. She was shocked and devastated. Her husband was only forty-eight years old. Malakas, mahilig sa veggies at mga mabitaminang pagkain ang kanyang ama. Bagaman hindi nagpapa-checkup ay walang nag-aakalang may sakit ito sa puso. Ni pahiwatig na may sakit ito ay wala.
Kung tutuusin ay mas si Lydia pa ang maituturing na may sakit dahil walang linggong hindi ito nagtutungo sa hospital. They all knew her mother had heart disease. Regular ang pagparoo’t parito nito sa hospital sa nakalipas na isang taon to take a medicine.
Si Ylona ang sinisi ni Lydia sa nangyari sa asawa. Ayon dito, kung hindi nag desisyon si Ylona na iwan ang Law school at kumuha ng Fine arts ay hindi sana nadulutan ng sama ng loob si Ernest na siyang dahilan ng biglang pag-atake nito sa puso.
Gusto ng Papá niya na maging isang abogado siya. Na balang araw ay magiging isa siya sa mga partners sa law office na kasosyo ang ama. Nang una ay pinagbigyan siya ng mga magulang, lalo na ang Papá niyang mapilit na kumuha siya ng paga-abogasya.
Subalit nang maglaon ay kinabagutan niya ang walang katapusang research at case studies. She doesn’t want to be a lawyer. Hindi niya kailanman nakikita sa balintataw niya na magiging isa siyang abogado, like her father. She had always wanted to paint.
Kaya naman bago ang enrollment sa ikatlong taon niya sa kolehiyo more than a month ago, ipinasiya niyang sabihin sa mga magulang ang pagnanais na magpalit ng kurso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang nagalit nang husto ang magulang niya. Lalo na ang Papá niya, at ang galit ay mas nag-ugat upang upang bigyan ito ng sama ng loob at atakihin sa puso.
Hindi interesado si Ernest sa anumang bagay na gusto niya. Lalo na kung anong kurso ang pag-aralan niya.
Ngunit matatag ang desisyon ni Ylona na kumuha ng Fine arts. Sinikap niyang ipaunawa iyon sa Mommy niya na hindi siya magiging mahusay na lawyer dahil hindi iyon ang hilig niya una pa lamang.
“Kung hindi kita mapipigil ay ikaw ang bahala,” sapilitang sang-ayon ni Lydia. “Hindi ko akalaing pagpipinta ang gusto mong gawin Ylona,” usal nito, mas sa sarili kaysa sa kanya.
She frowned at her mother. “Thanks, Mom.”
Isang buwan matapos ang pag-uusap na iyon, habang nagbabasa ng peryodiko sa harap ng almusal, Ernest had an attack. A fatal one had put him in a comatose for two weeks before succumbing to death. Ni hindi pa man rumehistro sa isip ni Ylona ang pagkamatay ng kanyang ama ay sumunod naman ang ina na ang pagitan ay wala pang kalahating oras.
Her mother drove the BMW out of parking lot. Ayon sa testigo ay napakabilis ng pagmamaneho ni Lydia na halos lumampas na sa limit ng natural na pagmamaneho ng isang driver. Tinawid raw nito ang intersection sa kabilang pula ang ilaw at kasalukuyang tumatawid ang isang ten-wheeler truck. Minutes later, she was brought back to the hospital through an ambulance and was pronounced dead on arrival.
“Ikinalulungkot ko, Ylona” putol ng attorney sa paglalakbay ng isip niya.
She blinked, bringing her attention back to the attorney. “H-hindi ako makapaniwalang walang iniwan ang mga magulang ko, Uncle Johnny,” she said, her voice filled with disbelief and grief.
“Saan napunta ang lahat ng ipinundar nila? Ang pera nila sa bangko?”
“Lingid sa kaalaman ni Lydia, nalipat na ni Ernest ang share niya sa law firm sa Lola Ofelia mo, hija, bago pa man niya nalaman ang tungkol sa kanyang sakit. At sa palagay ko, ito ay dahil sa panghihikayat ng Lola mo.”
Both information genuinely surprised her. “Bakit ginawa ng Papá ko iyon?”
“Hindi ko maaaring sagutin ang tungkol sa bagay na ‘yan hija. At kung ang tungkol sa mana mo ang pag-uusapan, may palagay akong ang Lola Ofelia mo ang dapat mong kausapin. I think sa kanya magmumula ang desisyon.”
Nagtaka si Ylona at bahagyang nanlaki ang mga mata. “Desisyon? Ano pong ibig n’yong sabihin, Uncle Johnny?” tanong niya, halatang litong-lito, ngunit nagpipilit manatiling kalmado.
“The decision, Ylona… your grandmother is the one who will make the final decision about your inheritance.”
Ylona’s heart raced, her mind spinning in disbelief. “My inheritance? What does that have to do with her?”
“I don’t know, hija. Only your grandmother can answer that.”
Pinahid niya ng hawak na panyo ang sulok ng mga mata. “A-ang rancho namin . . . hindi niyo nabanggit, Uncle Johnny, Surely, my father left the rancho to me,” she was hopeful.
The attorney gave her a pitiful look. “Ang rancho ay wala na sa pangalan ng Papá mo, ni ng Lola Ofelia mo. Nasa pangalan na ni Mr. Nigel Del Cid.”
Ylona’s heart sank. “P-paanong nangyari iyon?”
“I hate to say this, pero pag-aari ng lolo mo ang rancho. At nang mamatay siya, inilagay niya ito sa pangalan ng kanyang ampon.”
Stunned and speechless, she felt the room spin around her, her breath catching in her throat. She had no words, no way to process what she had just heard. Naramdaman niyang papatak na ang kanyang mga luha, kaya't mabilis siyang tumayo, ayaw niyang bumigay sa harap ng abogado. "Paalam na po, Tito Johnny," mahina niyang sabi.
“Okay, hija. If you need anything, Ylona, please let me know,” the attorney offered kindly.
“M-maraming salamat, Uncle Johnny,” paalam niya. Ngunit sa pagtalikod niya tungo sa pinto ay umikot ang pakiramdam ni Ylona at gustong magdilim ng kanyang paningin. Subalit nakarating siya sa pinto at napahawak nang mahigpit sa doorknob.
“Are you all right, hija?”
No, I’m not, she wanted to scream. I’m not all right! But she couldn’t bring herself to say the words. Hindi kayang tagalan ang nahahabag na tingin sa kanya ng attorney. Ayaw niyang kinaaawaan siya ng mga taong nasa paligid niya. Not now. Not ever.
“I’ll be fine, Uncle Johnny,” she said, forcing a smile that didn’t reach her eyes, bago binuksan ang pinto at nagmamadaling lumabas.