MAGKASALIKOP ang mga kamay nang ihatid ni Ylona ang nobyo hanggang sa gate ng bahay. Nakaparada roon ang kotse nito, kahilera niyon ay ang itim na Tesla sedan ni Nigel.
“Hindi ko talaga gusto ang bastardong iyon, Ylona.” Si Shun na may himig ng inis sa tinig.
Bumuntong-hininga si Ylona. "Alam kong hindi mo siya gusto, pero bahagi na siya ng pamilya namin."
“But not by blood, Ylona!” mariing bawi nito at nagpatuloy. “Hindi ako mapapanatag sa tuwing iniiwan kita rito kasama siya."
Napangiti si Ylona, kahit na may kirot sa kanyang puso. Alam niyang nagseselos si Shun, pero wala siyang magawa kundi pagaanin ang loob nito. “Walang mangyayari sa akin. Kilala ko si Nigel, at kahit ano pang isipin mo, hindi niya ako sasaktan.”
"Pero, paano kung mali ka? Gusto ko lang siguraduhin na ligtas ka palagi," malumanay pero puno ng emosyon na tugon ni Shun.
She gap her boyfriend’s hand upang bigyan ito ng matamis na ngiti. “Naiintindihan ko ang pag-aalala mo, pero kaya ko itong sarili ko.”
Tumango si Shun ngunit nanatili ang pagka-aburido nito sa mukha habang hinayon ng tingin ang kabahayan.
Sinundan niya ang tinitingnan nito. Mula sa entrada ay nakatayo roon si Nigel. Matiim at seryosong pinagmamasdan silang magkasintahan.
“Don’t mind him,” baling niya sa nobyo. Pilit itinaboy ang anumang alalahanin.
Hinarap siya ni Shun. “Huwag kang mag-alala, hindi ako basta-basta magpapadala sa init ng ulo, lalo na dahil sa adopted son ng lolo’t lola mo. Sa totoo lang, nagseselos ako at gusto kitang protektahan sa lahat ng bagay. Higit na kapag nasa paligid mo lang ang lalaking iyon.”
“Wala kang dapat ikaselos o ikabahala pagdating sa kanya, Shun,” bigay lubag niya sa nararamdaman ng nobyo.
Lumapit si Shun sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. “Pangako, gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Kahit sino pa siya, hindi ko hahayaan na masaktan ka.” Sandali siyang tumigil, tila may naalala. "By the way, naisip ko. . . sa monthsary natin sa makalawa, aayain kitang mag-dinner date tayo? Gusto ko sanang gawing espesyal ang gabing iyon para sa atin."
Napalunok si Ylona, ramdam ang kilig na bumalot sa kanya. Bahagya siyang napatingin sa malayo, nagpipigil ng ngiti, bago bumalik ang tingin kay Shun. "T-talaga? Gusto mo tayong mag-dinner date?" Hindi mapigilang bumilis ang t***k ng puso niya, sabay sabing, "Sobrang saya ko... hindi ko in-expect 'to."
Ngumiti si Shun, nakikita ang saya sa mukha ni Ylona. “Oo, gustong-gusto ko talagang makasama ka. Gusto kong ipakita sa’yo kung gaano ka kahalaga sa akin. Sige, ayusin natin ang lahat para maging espesyal ang gabing iyon.”
Pigil ang ngiting tumango siya. “Paghahandaan ko ang bagay na yan.”
Sa isang iglap, nawala ang lahat ng agam-agam na iyon sa dibdib ng bawat isa. Nang maghiwalay sila, she smiled at him. Kumaway sa nakahandang pag-alis ng nobyo. Wala pang ilang minuto ay tinatanaw na lang niya ang papalayong sasakyan nito.
Simoy ng malamig na hangin ang nagpabalik sa atensiyon niya nang maalala na may isang taong naghihintay sa kanya sa loob ng bahay.
Nang binalik ang tingin sa entrada ng pinto ay wala na doon ang lalaki. Ilang sandali siyang nag-isip kung papasok pa ba sa loob ng bahay? The fact that she didn’t want to see him or talk the man inside her house. Hindi niya alam pero nakadama ng kaba ang dalaga sa kaalamang sila lamang dalawa ni Nigel ang nasa loob ng bahay.
Hmp! Pathetic! As if naman na gagawan siya ng masama ng lalaki. Damn her inner mind.
Humugot siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng kabahayan. Mula sa sala ay naabutan ni Ylona si Nigel na komportableng nakaupo sa sofa. May tinitignan ito na mga mag krokis sa isang sketch pad. Those are her works. Kapag hindi siya masiyadong busy ay doon niya sinusubukan gumawa ng iba’t-ibang artwork, or ideas na siyang maaring niyang maipinta.
“Wala na ba ang istorbo?” tanong nito nang hindi tumataas ng tingin sa kanya. Pagkatapos ay tiningnan ang iba pang artwork at mabusisi pinagmasdan ang bawat parte.
Tumaas ang kilay ni Ylona, humalukipkip ang mga braso. “Kung sino man ang istorbo kanina, ikaw ‘yon,” matalim niyang sagot. Ibig ipadama sa lalaki na ayaw niyang naririto at magtagal pa ito sa kanyang bahay.
Ngunit hindi nakaligtas sa tingin ni Nigel ang kanyang sagot. The man smirked. Tahimik na isinara ang sketch pad at inilapag sa dati nitong pinaglagyan. Pagkatapos ay dumikuwatro at humalukipkip, nag-aapoy ang tingin sa kanya.
“Why though?” tila may hamon sa tono ni Nigel, na puno ng kapangyarihan. “Did I interrupt something special between you and your lover?”
“Shun is not my lover, he’s my boyfriend.” pagtatama niya.
Lover? Boyfriend? What's the difference? You can’t deny that whatever it is, it’s overshadowed by what I bring,” sabi nito na may sa mga labi na tila nag-aanyaya ng labanan.
Lalong nairita si Ylona. Nag-apoy ang mga matang tinitigan ang lalaki. She clenched her fists in giggled. Gusto niyang pagpira-pirasuhin ang katawan nito at durugin ng pinong-pino. Kung ano man ang iniisip nito between her and Shun ay hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan.
She smiled sheepishly. “Well yes, tama ka. Nakaka-istorbo ka nga talaga sa amin ni Shun diyan sa sinasabi mong magical, Mr. Del Cid!” eskahaderang sagot niya na tila isang kamangha-mangha ang sinabi.
Umigting ang mga panga ni Nigel. Subalit nakahuma rin, tila may ibang iniisip.
“Hmm . . .Well, nakikita ko ngang may pure science ang namumuo sa pagitan ninyong dalawa.” aniya, ang tono’y puno ng pang-aasar at pagdududa.
Lalong uminit ang dugo ni Ylona. The nerve of this man! Bago pa makapagsalita ang dalaga ay tumayo na si Nigel mula sa pagkakaupo sa sofa. Ibinulsa ang mga kamay sa slacks nito.
“Now, get dressed, young lady,” he commands.
“Hell no,” matigas niyang kontra.
Tumiim ang mukha ni Nigel sa naging sagot niya. “Well, I could lift you right now and carry you to your room just to undress you. At alam mong ayaw mong mangyari 'yon, hindi ba?” Dahan-dahan itong humakbang palapit sa kanya.
Napalunok ang dalaga. Something in his eyes made her shiver. Humakbang siya paatras subalit aparador na ang nasa likuran niya. At ganoon na lang ang pagkabigla niya sa lapit ng mga mukha nila. He was so close. She could feel his warmth breath fanning at her face. At nakaka-estranghero ang kilos nito dahil noon lamang sila nagkalapit ng binata.
“Relax, hindi kita kakainin nang buhay. Basta sundin mo lang ang mga inuutos ko, walang magiging problema sa atin.” Muling bumalik sa mukha niya ang mga mata nito at sandaling naghinang ang mga paningin nila. Bago nito inalis ang anumang distansya sa pagitan ng kanilang mga katawan. Doon lamang niya na pakawalan ang pinipigil na paghinga.
“S-saan mo ba ako balak dalhin?”
“Mag-uusap tayo,” he simply replied.
“W-where?”
“You’ll find out.”
Naguguluhang pinakatitigan ni Ylona ang lalaki. “Anong sense at pinauwi ko pa si Shun, kung sa ibang lugar lang din naman tayo mag-uusap?” she tried to controlled her voice not to bawl. She can’t even think well sa tuwing nagkakalapit sila nito, at iyon ang ikinaiinis niya. It seems she always says blather to him.
Noon pa lang ay kinaiinisan na niya ang presensiya ng lalaki. She was barely twelve years old at kakagraduate lang ng elementary nang mamatay ang Lolo Pocholo niya. Cardiac arrest. Iyon ang araw na kauna-unahang pagkakataon na nakita niya si Nigel. Sa burol ng Lolo Pocholo niya.
Titig na titig ito sa kanya nang nasa salubong ang mga kilay. Kung bakit ay hindi niya alam. Anak ito ng namatay ring ka-partner at matalik na kaibigan ng Lolo Pocholo niya sa negosyo na noon ay kasalukuyang pa lang humahawak ng maliliit na projects. Binata na si Nigel noong panahong iyon.
Makalipas ang mahigit isang taon ay napag-alaman niyang inampon na ng Lolo at lola niya ang lalaki. Iyon ang ikalawang pagkakataon nakita niya si Nigel sa isang salu-salong ginanap sa isang restaurant. Sa isang teenager na tulad niya ay maaari sana siyang magka-crush dito kung hindi ito suplado.
Ang sumunod niyang nabalitaan ay ipinadala ito ng Lolo Pocholo niya sa U.S upang magpakadalubhasa sa pagiging inhinyero. At sa pagitan ng mga taon ay bihirang umuwi sa Pilipinas si Nigel maliban kung mayroong mahahalagang okasyon sa pamilya. At sa lahat ng mga iyon ay wala siyang natatandaang kinausap siya nito.
Maliban sa hello, hi at pagtango ay wala na. Ang pinagtataka niya ay lagi ng may regalo siyang natatanggap mula rito tuwing may mahahalagang araw. Tulad na lamang noong debut niya ng eighteenth birthday. Pinadalahan siya nito ng sulat gawa sa mamahaling papel galing mula sa U.S. At nito lamang nabalitaan nito ang pagkawala ng parehong mahal niya sa buhay ay umuwi ito. Doon lamang siya kinausap at niyakap nito ng mahigpit sa kabila ng pagdurusa niya sa pagkamatay ni Ernest at Lydia.
“So ano rin ang pinagkaiba na magusap tayo sa labas sa hindi?” mayamayang wika nito. “Mas maganda ang usapan kapag wala tayong mga hadlang na humahadlang sa atin hindi ba?”
“Puwede bang maging mabait ka kay Shun? Dahil sa magtagal ay magiging parte rin siya ng pamilya natin. At siya nga pala, kung tungkol sa mana ang pag-uusapan natin ngayon ay nakausap ko na si attorney Anderson kanina patungkol doon,” putol niya sa ilang sandaling katahimikan.
“I know, and I’ve already talked to him about that. Pero may mga bagay siyang hindi pa nasabi sa’yo na talagang mahalaga.”
Kumunot ang noo niya. Sa tingin niya, lahat ng masasakit na sinabi sa kanya ng attorney ay alam na niya. “Sa tingin ko, nasabi na niya ang lahat.”
“Iilan lang ang sinabi niya sa’yo. May mga detalye na hindi mo pa alam, at ang mga iyon ang makakapagpabago ng lahat.”
Her brows furrowed. “And what is that?”
“Get dressed first,” utos nito at tumuloy sa kusina. “I’ll make some coffee while I wait for you here to get dressed.”
“Sinabi ng ayoko!” she raised her voice in protest, ang mga mata ay puno ng pag-aalangan. “Bakit mo ba ako pinipilit? Ayoko talagang gumayak.”
Alam niyang may dahilan kung bakit niya pinaalis ang nobyo niya, kailangan nilang mag-usap nang masinsinan, ngunit ang gusto ni Nigel ay sa labas sila mag-usap.
“Don’t force me to show you how far I can go, Ylona. Alam ko at alam mong hindi mo magugustuhan ang maaaring gawin ko sa iyo,” tiim bagang na litanya nito sa kanya. Ang mga mata ay may malisyang pinasadahan ang katawan niya, na ikinapula ng kanyang pisngi.
Matalim niyang tiningnan ang lalaki. Walang nais na sabihin. Mariing itinikom ang mga labi sa inis. Tutol man na sundin si Nigel ay sinunod pa rin niya. Mabigat at nanggagalaiti ang mga bawat hakbang na umakyat siya sa hagdan at pumasok sa sariling silid ng kuwarto upang magbihis.