NANATILING naiinis siya kay Nigel ay hindi naman gusto ni Ylona na hindi maging presentable. Puwes, bibigyan niya ito ng mas maalala pa sa inaasahan nito. Isang tight fitting dress ang suot niya na may kaunting slit sa tagiliran. Kulay-pula iyon at nagbibigay accent sa maputi niyang balat.
Naglagay siya ng kaunting make-up, mascara at reddish brown matte lipstick. Hinayaang nakalugay ang buhok na lampas balikat. Dinampot ang kate spade cedar handbag at pagkasuot ng high heels na signature din ay bumaba na ng hagdan.
Nang bumaba siya’y naabutan niya si Nigel na nasa sala at naghihintay. Ang kapeng itinimpla nito ay nakapatong sa maliit na platito. Habang papalapit si Ylona ay hinagod siya nito ng tingin.
“Mukha kang mamahalin. Mula ulo hanggang paa,” bungad nito sa natutuyang tinig.
“Do you already know how much your bag’s worth? Katumbas ’yan ng suweldo nang isang tauhan natin sa rancho sa loob lang ng isang buwan? Not to mention other things,”
Isang matalim na sulyap ang ibinigay ni Ylona sa binata. “Binibigyan mo ba ng contabilidad ang mga isinusuot ko?”
“Not so, otherwise people nowadays are being kidnapped because of their money. But you’ve got more than that just a money, darling.” ngayon ay nakangiti na itong nakatingin sa kanya na tila anumang oras ay mapapahamak siya sa suot niya.
Hindi nakaligtas sa dalaga ang nauuyam na tingin at paggamit ng endearment nito sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Alam niyang pinupuri ni Nigel ang ayos niya, at kung bakit hindi nito maideretsong sabihin ay ewan niya. Sasabihin lang nitong maganda o sexy siya ay ang dami pang pasakalye. Pati ba naman ang pagbibigay ng simpleng compliment ay mahirap para ditong sabihin?
“Let’s go,” Hinawakan nito ang siko niya na iglap din niyang binawi.
“I-I can handle myself.” wika niya na inalis ang paningin rito. Biglang nakaramdam ng pagka-ilang.
Nagkibit ng balikat ang binata. Ang kamay ay ipinasok sa loob ng slacks at nagpatiunang naglakad palabas ng bahay.
Naipikit niya ng mariin ang mga mata sa pagkapahiya. Maging siya’y nabigla rin sa ginawa niyang iyon. She let out a dry breath. Pagkatapos ay iiling-iling na sumunod sa lalaki.
Nang lubos na maisara ang pinto ng bahay at ng gate ay pinagbuksan naman siya ni Nigel ng pinto sa passenger seat ng Land Rover Cedar nito. Gusto niyang itanong kung saan sila pupunta bagaman mas minabuting magsawalang-kibo na lamang.
Makalipas ang ilang sandali ay ipinarada ng lalaki ang sasakyan sa parking space ng isang sikat na cozy restaurant sa Makati. Tahimik at pribado.
Nangangalahati na sa dessert niyang red velvet cake si Ylona nang makitang ibinaba ni Nigel ang tasa ng kape sa platito.
“Hindi ka ba ninenerbiyosin riyan sa kakainom mo ng kape?” putol niya sa katahimikan.
“Why? Are you worried?”
“O-of course not. What the hell are you talking about? Bakit naman ako mag-aalala sa ’yo?”
“I don’t know? Meron ba dapat ipag-alala?” maang nito.
She glared at him. Minabuting hindi na lang ito kausapin at ituon na lang ang atensyon sa kinakaing red velvet cake. She heaps her wrath there.
“Anyways, you ’re eating a lot. And it seems like you don’t care about your figure huh?” Si Nigel nang mapunang magana sa pagkain si Ylona.
“Mabilis ang metabolism ko, maliban sa nag-enroll rin ako sa isang fitness center.”
“I know,”
Umismid siya. “I wonder kung mayroon akong ginawang hindi mo alam, Mister know it all.” she said in overstated.
“There’s no need for sarcasm Ylona. Ikaw lang ang babaeng laging umaalma. Para kang wildcat pag kasama at kausap mo ’ko. While, I’m completely at ease with you,”
Hindi sumagot ang dalaga. Mas itinuon ang pansin sa kinakain na red velvet cake.
“Tulad nga ng sinabi ko ay kailangan kitang makausap.”
“Yeah, and what exactly is that?” walang kabuhay-buhay niyang sagot.
“I’m asking you to marry me, Ylona.”
Mula sa red velvet cake ay itinaas ng dalaga ang mga mata sa mukha ng binata. Tama ba ang narinig niya?
“A-ano’ng sinabi mo?”
Si Nigel ay isinandig ang dalawang braso sa mesa at yumukod sa kanya. “I’m asking you to marry me.” walang anumang ulit nito.
Hindi malaman ng dalaga kung ano ang dapat na maramdaman sa sinabing iyon ng binata. Pero iisa ang natitiyak niya, gusto niyang sumabog sa galit.
“Nag . . .bibiro ka ba?” Bago pa niya matapos ang sasabihin ay alam na rin niya ang sagot. Hindi ang tipo ni Nigel ang gagawin biro ang ganoong bagay.
“Hindi ko maintindihan kung bakit may biglang proposal na ito, Nigel. You brought me here para pag-usapan pa ang tungkol sa will ng Papá ko. And we’re . . . we’re family for pete’s sake! Anak na rin ang turing sa ’yo ng mga magulang ko.”
“And that would really be justified kung maikakasal tayo, Ylona. Inampon ako ng Lolo Pocholo mo pero hindi niya ibinigay ang pangalan sa ’kin. At nang mamatay ay ipinagkatiwala niya ang kalahating pangangalaga sa ’yo. Gayundin ang ama mong si Sofronio at iyon ay pakasalan ka.” Isang matipid na ngiti ang ibinigay ng binata.
Biglang tumalim ang mukha ng dalaga. “I am sorry for being blunt, but no. I won’t marry you. Kilala na kita ng labing dalawang taon, Nigel. I didn’t like you then and I still don’t like you now.” diretsong wika ng dalaga na muntik ng ‘di kayanin ang nangyayari.
Kung nasaktan man ang binata sa sinabing iyon ng dalaga ay hindi nito ipinakita.
“Matagal ko nang pinag-iisipan kung bakit ganoon na lamang ang panghihimasok mo sa buhay ko. Kahit ang personal na mga bagay na dapat hindi mo pinakikialaman ay pinapakialaman mo. Ngayon, meron ka talagang motibo. Alam mo naman sigurong wala ako ni kusing na nakuha man lang mula sa Papá at Mamá. Sa anumang dahilan ay hindi ko alam. Now I know, kahit sa kamatayan nila ay manipulado pa rin nila ang buhay ko. And I have so many reasons not to accept your proposal. First, may boyfriend na ’ko, mahal niya ako at ganoon rin ako sa kanya at plano na naming magpakasal pagkalipas ng buwan na ito.” Sa parteng sinasabi nito ay umaliwalas ang mukha ng dalaga.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Nigel pero nanatili tikom ang bibig.
Nagpatuloy si Ylona.
“At pangalawa, walang pag-ibig na namamagitan sa ating dalawa.”
“Paano mo nasisigurong wala, Ylona?” agap ni Nigel sa mga pinagsasabi niya.
She nonchalantly shrugged her shoulders. “Well, I am one hundred one percent sure na wala akong pag-ibig o nararamdaman mang kahit ano sa ’yo. And don’t tell me that nonsense crap na may pag-ibig ka sa akin dahil hindi ako maniniwala sa ’yo.”
“And what if I tell you that it was exactly how I feel about you? Na ang dahilan ng pagpapakasal ko sa ’yo ay hindi lang dahil sa will ng Papá mo kundi pakakasalan kita dahil-iyon ang nararamdaman ko. Will you forgive me for that?”
Natigilan si Ylona subalit nakahuma rin. “You make this situation madness and hard, Nigel. What I’ve said earlier won’t change my mind,” ulit ng dalaga. “In all these years na nakilala kita, wala akong natatandaang may babaeng minahal ka. Oh yes! there were women who cried a bucket over you and begging for you, mga babaeng nagkamaling mahalin ka, mga babaeng pinunan ang mga pangangailangan mo bilang isang lalaki. And some of them are my friends who make themselves foolish. And that is why I don't want to marry you. I will never ever accept it. Wala kang puso para mahalin!”
“How well you judged me, Ylona. Sana ay ganoon ka rin sa mga lalaking nakatagpo mo.” matabang nitong sagot.
Ang mga kalamnan ni Ylona ay kumulo sa sinabi ng binata. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito.
“Oh, stop it! We’re just wasting our time here. Kahit kailan ay hinding-hindi tayo magkakasundo. I hate everything you say and do!” Tangkang tatayo ang dalaga nang hawakan siya ng lalaki sa bisig.
“Well, may karapatang kang magalit sa magulang mo dahil sa ginawa nila sa ‘yo but they’re already passed away. Hindi ka na dapat pang magtanim ng galit sa kanila. And why do you hate me so much, Ylona? Ano ang nagawa ko sa ‘yo at ganoon na lamang ang galit mo sa ‘kin?’’ seryosong tanong ni Nigel.
Nabigla ang dalaga sa tanong na iyon. Sanay na siyang nagsasalita rito ng maanghang pero hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito.
“I-I don’t know,” aniya makalipas ang ilang segundo.
“Siguro, dahil pakiramdam ko kapag kasama kita ay para akong bata na kailangan pang gabayan at punasan ng sipon minuto-minuto. Maalam at mahusay ka sa lahat ng bagay that everyone else admire and respected you. You are hard and cold. Parang treadmill na hindi tumitigil sa pagtakbo ang tao hangga’t hindi nauubos ang timer, walking machine perhaps.” mariin niyang wika.
Sa pagkakataong iyon ay natawa ang binata. Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa naging reaksyon nito. “Hindi ko alam na ganoon ang tingin mo sa akin, Ylona. Nagawan ko sana ng remedyo iyan noon pa man,” natatawa pa ring wika ng lalaki sabay hawak sa kamay niya at ikinulong sa mga palad nito. Sinubukan niyang agawin ang mga kamay niya subalit hinila nito pabalik at tumingin sa kanyang mga mata. “Maybe that’s how you feel about me but you could melt my heart.”
Natigilan si Ylona sa huling sinambit ng lalaki subalit nakahuma rin. Huminga siya ng malalim. “Well, kung iyan ang paraan mo para pumayag akong magpakasal sa ‘yo Mr. Del Cid ay nagkakamali ka,” Pagkatapos ay bahagyang itinaas ang mukha. “Hindi ko na rin gustong marinig pa ang iba mo pang mga sasabihin para mapapayag ako sa proposal mo. Sabihin mo na ang lahat ng bagay but still, it won’t change my decision. Hindi ako pakakasal sa ‘yo dahil may boyfriend na ako! Kaya lubayan mo na ako!” she remarked while emphasizing the last word. Pumiglas siya sa hawak ng binata at nagtuloy-tuloy na umalis.
Maliban sa medyo pag-igting ng bagang at pagsunod ng tingin sa umalis na dalagang si Ylona ay hindi kumibo si Nigel. Dinampot na lamang nito ang wine sa table at inisang lagok iyon. Mayamaya ay tinawag ang waiter.