Talk
TANGHALI na nang magising si Ylona. Kagabi ay hindi siya nakatulog ng maayos. Pabaling-baling ang posisyon niya sa kama, at kahit ano’ng gawin niya’y hindi niyon mapalis sa isipan ang nangyari sa pagitan nila kahapon ni Nigel. He damnly occupied her mind all night long. Paulit-ulit ang pangyayaring paghalik nito sa kanyang utak na tulad sa isang flashback films.
Wala sa sariling bumuntong hininga si Ylona.
Now, she was still lying on her bed staring blankly at the ceiling at walang balak na bumangon. Mamaya na lang siguro niya kakausapin ang abuela patungkol sa kanyang mana. Pagkatapos ay ipapaalam niya na rin dito ang planong pagpapakasal nilang dalawa ng nobyong si Shun. Siguradong hindi tututol ang kanyang abuela. And in that way, aatras si Nigel upang hindi siya magawang pakasalan nito. Makakahinga na siya ng maluwag.
Itinaas ng dalaga ang kamay sa ere at sinipat ang engagement ring sa kanyang palasingsingan. Nang bumalik sila ng Maynila ni Shun three days ago ay ibinigay nito iyon sa kanya na malugod niyang tinanggap.
Napangiti siya. Sigurado na siya na si Shun ang makakasama niya hanggang sa pagtanda.
Mga katok sa pinto ng silid ang umagaw sa atensiyon ng dalaga. Walang anumang inanyayahan niya ang panauhing pumasok sa loob ng kanyang silid.
Hindi natinag sa kinalalagyan si Ylona nang bumukas ang pinto. At iniluwa niyon ang lalaking kagabi pang nasa kanyang isipan.
Mula sa pagkakahiga ay napabalikwas ng bangon ang dalaga. Hinila niya ang kumot pataas upang itakip sa sarili niya hanggang dibdib.
Matalim niyang tiningnan ang lalaki. Bagaman ang binata ay parang balewala lamang siyang dinatnan nito sa kalagayan niya.
"Hindi ka dapat pumapasok sa kuwarto ng babae!" she taunted deliberately.
"You told me to come in," He looks at her steadily bagaman may kasamang amusement sa tinig nito.
Natigilan siya. May punto nga naman ang binata, pero hindi niya inaasahan na ito ang panauhin sa ganoong oras. She took a gulp of air and look at him contemptuously. "A-ang akala ko ay si Manang Cacilda ang kumakatok. Siya lang ang may karapatan na pumasok rito," depensa niya at kaagad iniba ang paksa. "A-at bakit ka nga ba nandito? Ano’ng kailangan mo?” sunod-sunod niyang tanong.
“Can’t you remember last night? We need to talk para pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa." His eyes raised heavenward. Diretsong nakatitig sa mga mata niya.
Iniwas ni Ylona ang tingin sa lalaki. She couldn't bear to stare at him for long. Tila siya hinihigop at tinutunaw ng mga titig nito.
Humalukipkip siya. And raised her eyebrows. Itinago ang nararamdamang kakaiba sa dibdib. "Ngayon, nag-uusap na tayo.”
"Don't be sarcastic, Ylona. Makakaya mo bang makipag-usap sa akin na ganyan ang kalagayan mo?" May nakalolokong ngiti ang sumilip sa mukha ng binata subalit bigla rin nawala at napalitan ng malisya na mga tingin. Ang mga mata nito ay sinuyod ang katawan niya na kahit natatakpan iyon ng makapal na kumot ay tila hubo't hubad siya sa paningin nito.
Higit siyang nailang. Ang hawak na kumot sa dibdib ay lalo rin niyang hinigpitan. Sa ilalim ng kumot na iyon ay isang sleeveless satin at manipis na kulay krema na nightgown ang suot niya. Napalunok ang dalaga sa kinalalagyan.
"Does that mean, silence means . . ." he grinned. Sadyang ibinitin ang huling salita.
She trailed off. Nabuhay ang inis sa binata. "All right, magbibihis na ako at susunod sa ’yo sa library." matigas na wika ng dalaga. Tumayo ang siya sa kama. However, she was not aware that she was wearing a thin nightgown. Kaya’t hindi niya rin napansin ang kumot na kumawala sa kanyang katawan.
Tuloy-tuloy siya at balak talikuran ang binata nang higitin nito ang kanyang bewang.
Napasinghap si Ylona sa ginawa ng lalaki at kung gaano kalapit ang mukha nilang dalawa ni Nigel. Tumatama ang mainit nitong hininga sa leeg niya. She could smell the fresh air coming out of his mouth. Tila may kakaibang binibigay ang bawat paghinga nito sa kaibuturan ng dalaga. Ang mga kamay nito’y parang bakal na nakapulupot sa kanyang bewang.
Pumikit siya ng mariin, inihilig ang mukha patagilid upang iiwas na huwag magdikit ang mga mukha nilang pareho ni Nigel. She just couldn't explain how she feels right now. May kung anong init itong binubuhay sa kanyang katawan. Malayo sa naramdaman niya tuwing kasama ang nobyong si Shun.
"Madali ka naman pa lang kausap. Kung ganito ka lang palagi ay magkakasundo tayo."
Galit na pinukulan niya ng tingin sa mga mata ang lalaki. "Kung inaakala mong mapapasunod mo ako sa lahat ng bagay ay nagkakamali ka, Nigel. I will never ever spend my lifetime with you!”
His jaw tautened on what she said, bagaman piniling magkibit-balikat na lang ang lalaki. "All right, tingnan na lang kung saan mapupunta ang usapan. Baka sakaling magbago rin ang isip mo sa mga sasabihin ko mamaya." wika nito sa pormal na tinig. Kasabay niyon ang naramdamang pagluwag ng hawak nito sa bewang niya, pagkatapos ay tinungo ang pinto. "I'm not forcing you to marrying me, Ylona. Ginagawa ko ito dahil ito ang makabubuti para sa 'yo," dagdag nito pagkatapos ay umalis. Naiwan siyang mag-isang napapaisip sa mga lumalabas sa bibig nito. She stood there for several minutes staring at the door of her room. And then, she turned jerkily.
She wanted to burst and screamed. Oo nga at may pride rin siya pero sa tuwing nakakaharap niya ang lalaki ay tila gustong nauupos siyang kandila. She seemed to be out of breath when his near.
Wala sa sariling inihilamos ni Ylona ang mga palad sa mukha. Lahat ng nangyayari sa buhay niyang ito ay sana’y isang panaginip lang. Dahil magmula ng mawala ang magulang niya’y sari-saring mga problema na ang kinaharap niya sa Nigel na iyon. Was she?
Nabaling ang paningin ng dalaga sa tray na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Inabot niya iyon at tiningnan ang nakahain. Fried rice, ham, egg, and pork tocino ang naroon. Her forehead furrowed. Hindi niya nakitang bitbit iyon ni Nigel nang pumasok ito sa kanyang silid.
Nagkibit-balikat ang dalaga makalipas ang sandali. Maybe it was Manang Cacilda who brought her breakfast to her room. At nang makitang tulog pa siya’y hindi na siya nito ginising. Sinimulan niyang kainin ang nasa tray, at nang matapos ay tumayo at tinungo ang banyo.
She do her morning routine pagkatapos ay kumuha sa dati niyang mga damit sa aparador. Pinili niya ang itim na off-shoulder floral mini- dress. Tinernuhan niya iyon ng flip-flop sandals. Hinayaang nakalugay ang buhok. Pagkatapos ay lumabas na ng silid.
Mula sa tatlong baitang ng hagdan ay nasalubong niya ang batang katulong na si Dessa. May bitbit itong kape na nakapatong sa tray. Tinanong niya ito. "Kay Nigel ba iyan, Dessa?" she asked deliberately.
Tumango ang batang katulong. "Yes po, Ma'am, dadalhin ko po itong pinapatimplang kape ni Sir sa library. Bakit po? Gusto niyo din po ba ng kape?" tanong nito sa kanya.
Ngumiti siya at umiling. "No, I already had my breakfast na, thanks to Manang Cacilda,”
Napangiwi ang batang maid. "S-sa totoo lang Ma'am ay si sir po ang nagdala ng breakfast sa silid niyo,"
Natigilan si Ylona subalit nakahuma rin. "Ganoon ba . . ." tanto niya. Pagkatapos ay kaagad ipinalis ang anumang pumasok sa isipan. "Anyway, ako na ang magdadala niyan para sa Sir mo. Besides, papunta rin naman ako sa library para kausapin siya,"
"S-sigurado po kayo, Ma'am?" gulat na tanong ng dalagita.
Tumango siya.
Ngumiti ang batang katulong, pagkatapos ay saka iniabot sa kanya ang maliit na tray na naglalaman ng kape.
Nagtuloy-tuloy ang dalaga sa library. Iniisip ang sinabi ng dalagitang si Dessa. Nasa pinto pa lamang siya ay natigilan si Ylona sa pagpihit ng doorknob sa library. "I have so many works for today, Darling," boses ni Nigel ang narinig niya sa loob ng library. "Hindi kita masusundo ngayon sa airport. Si Mang Dado na lang ang ipapadala ko para sunduin ka. Yes, pwedeng sa pad na muna kita tumuloy," rinig niyang wika nito na batid niyang kay Nigel nanggagaling ang boses na iyon.
Humigpit ang hawak niya sa tray. Hindi niya alam pero nakaramdam muli siya ng inis sa narinig. At hindi siya naive para hindi maiintindihan ang mga narinig niya. Pinapahiwatig lamang niyon na may nobya ang lalaki. At baliw siya para pumayag magpakasal rito. Hinding-hindi niya iyon gagawin. Over her dead body!
She took a deep breath, bago pinihit ang pinto para pumasok. Nadatnan niya si Nigel sa dulo ng mesa. Nakatayo at nakapamewang roon. She stood there like a commanding boss habang may kausap sa telepono. Nang mapansin siya ay nagpaalam ito sa kausap at ibinaba ang cellphone na hawak.