Kabanata 6

1114 Words
INABOT pa ng isa’t kalahating oras ang biyahe nila mula Maynila tungo sa La Trinidad. Matapos ang nangyari sa pagitan nila ng lalaki ay buong oras na tahimik ang naging biyahe. Kapwa walang nais balak na magsalita. Nang iparada ni Nigel ang sasakyan sa malaking solar ng mansion ay walang kibo silang bumaba ng kotse. Sinalubong sila ng tatlong nakaunipormadong katulong sa may entrada ng mansion. "Maligayang pagbabalik po Sir Nigel and Ma'am Ylona!" masayang wika ng mga ito. Ngumiti siya ng tipid. Si Nigel ay tahimik at naunang pumasok sa kabahayan na walang suot na damit pang-itaas. Sinundan niya ito ng tingin. His broad shoulder was muscular. Tila walang makakatibag na kahit anumang mga bagay rito. Bigla niyang naalala ang nangyari sa pagitan nila kanina ng binata. She almost lost her self-control. Hindi niya lang kinaya ang mga haplos nito kaya't nagising kaagad siya sa reyalidad. She couldn't believe that she had such strong feelings for him. Kanina lang ay naglandas ang mga kamay nito sa kanyang pisngi, leeg at dibdib. At bago pa man saan mapunta ang isip ay kaagad niyang inalis sa isipan ang namagitan sa kanila nito. "Maligayang pagbabalik, hija," masayang salubong na bati ni Manang Beth at iginiya siya papasok ng mansion. "Bakit ba kayo basa ng ulan ni Nigel? May nangyari ba habang patungo kayo rito?" nag-aalang tanong nito. "Hindi naman siguro kayo lumangoy papauwi rito hindi ba?" malohikal na biro nito. Natawa siya. "It's kinda weird, Manang Beth, pero parang ganoon na nga," she sugar coated. Natawa rin ang mayordoma. "Hay, mga kabataan talaga. Alam kong hindi na naman kayo nagkasundo ni Nigel tulad ng dati. Akala ko ay maayos na ang pakikisama niyo sa isa’t isa makalipas ang matagal na panahon subalit baon niyo pa rin pala.” Naiiling na wika nito. Pagkatapos ay madaling inutusan ang batang katulong na nagngangalang Dessa na abutan siya ng tuyo at malinis na tuwalya. Mayamaya lang ay inabot nito iyon sa kanya. Pinalitan ang tuwalyang nasa kanyang balikat. Lihim niyang inikot ang paningin sa loob ng mansion. The usual. Napangiti siya. Kung ano ang ayos ng mga kagamitan two years ago ay ganoon rin ang ayos ngayong pagbabalik niya. May kaunting binago pero mas naging modernized ang dating ng mansion ngayon. Nang iburol ang magulang niya ay sa hotel siya nanuluyan ng limang araw pagkatapos niyon ay umuwi na siya ng Maynila kasama ang kanyang nobyo. Ngayon lang ulit siya tumuntong sa mansion. Hinarap niya ang matandang mayordoma. "Where’s Lola, Manang Beth?" she asked. Biglang naging mailap ang mga mata ng matandang mayordoma sa naging tanong niya. “A-aba'y, maaga ng nagpahinga sa kanyang silid, hija. Kung nais mo siyang makita ay ipagbukas mo na lamang dahil gabi na." sagot nito na wari'y may iniingatang wag sabihin sa dalaga. Kumunot ang kanyang noo. Naninibago sa galaw ng matanda. "Okay ka lang ba, Manang?" she simply held her by the shoulder. "A-aba'y, oo naman. Ipaghahanda na kita ng pampaligo mo," kaagad na pag-iiba ng paksa nito. Iginiya siya ng mayordoma sa hagdan, but she insist. "Kaya ko na po ang sarili ko, Manang Beth. Magpahinga na lamang kayo," mabait na wika niya. "Sigurado ka?" He smiled and nodded. "Opo, at saka hindi na ako ang labing dalawang taong gulang na bata na siyang inalagaan mo noon. I grew up as an independent woman and of course beautiful," aniya habang nanatili pa rin ang ngiti sa mga labi. Masayang tumingin sa kanya ang matanda. Gumunita ang nakaraan. "Masasabi ko ngang lumaki kang isang mabuting bata at maganda, Ylona," saad nito Si Ylona ay hindi mapigilang yakapin ang matandang mayordoma. Isa si Manang Beth ang na-miss niya sa Maynila simula noong lisanin nila ng magulang ang La Trinidad. Nanatiling nagseserbisyo pa rin ito sa Lola Wilda niya sa maraming taon sa edad nitong sitenta y singko. Malakas at maliksi pa rin sa trabaho. Maliit pa lang ang ama niyang si Henry ay naninilbihan na ito sa pamilya nila. Kaya't hindi na bago ang trato nila sa isa't isa kay Manang Beth. All her life she served their family really well. At masaya sila na mayroon silang tulad ni Manang Beth. Nanatiling nakangiti ang mag yaya nang kumalas sa pagkakayakap. "O siya, hija. Magpahinga ka na. Kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako, okay? Tulad ng dati." saad nito sa magiliw na tinig. Tumango siya at ngumiti bago siya nito iwan mag-isa. Mula sa landing ay may walong kuwarto sa loob ng mansion. Kasama na roon ang guest room na nasa ibaba. Humakbang siya sa pangatlong silid. Bubuksan na niya ang pinto ng sariling kuwarto nang biglang may humigit sa kanyang braso. "Ano ba!" natitilihang wika ng dalaga nang pagharap niya ay ang lalaking si Nigel ang humila sa kanya. Mga itim na mga mata tulad sa isang uwak ang nasalubong niya sa binata. Tila siya hinihigop at tinutunaw niyon. Bagkus mas nangingibabaw ang irita niya rito. Nang magtagpo ang mata nila nito ay tumalim ang tingin niya sa lalaki. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Babaliin mo ba ang braso ko?" naiinis niyang wika. Ngunit, nagulat ang dalaga nang bigla siyang isandig ni Nigel sa pasimano upang ma-corner. Ang mga mata nila ay hindi mabuwag-buwag. Tila nag-uusap. Hanggang ang binata ay unti-unting lumapit sa tapat ng kanyang mukha upang supilin ang dalaga. Si Ylona ay nais niyang ipikit ang mga mata ngunit malakas ang magneto ng mga mata ng binata sa kanya. Oh God! Will he do it again what happened to them both earlier? For pete's sake Ylona! Never let him do that to you again! Usig ng kabilang panig ng kanyang isipan. Nang bumaba ang tingin ng dalaga rito ay hindi niya mapigilan ang mapalunok. Wala itong suot na damit pang-itaas at tanging black slacks lang ang kasuotan nito. Wala pang sapin ang mga paa. Ang basa at magulong buhok nito ay nagbibigay sa kanya ng matinding atraksyon. Nang bumalik ang tingin niya sa mukha ng lalaki ay nakita niya ang amused sa mukha nito habang nakatunghay sa kanya. At pigil ang mga hininga ni Ylona ng mga oras na iyon. "What do you need?" she asked seriously. She keeps herself from falling at his gaze. "Library, tomorrow," wika nito habang nakatitig pa rin sa mga mata niya. Nakita niya ang sensual sa mga nito. Pagkatapos ay unti-unting lumayo sa kanya at naglakad palayo. What? "At bakit naman kita susundin?" naguguluhang baling niya sa lalaki. Tila siya na hipnotismo ng binata at noon lang siya nakabalik sa reyalidad. "We have something important to talk about. Like what you've said earlier. Dito nakasalalay ang lifetime mo, right?" anito. Pagkatapos ay tuluyan ng nawala sa paningin niya ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD