Chapter 5: Reunion

1977 Words
Alexa's POV Masama akong tumitig kay kaizer na ngayon ay naglalakad papunta sa sasakyan niya. Hindi ba niya naiintindihan na mas gusto kong sumabay kay Zaiden kaysa sa kaniya? Bahagya pa akong nagitla nang bago siya pumasok sa kaniyang sasakyan ay napatitig siya sa akin na may irita sa mukha. "Alexa, sumakay ka na o kakaladkarin pa kita?" tanong niya na may pagka-irita. Na-pano na naman ba itong ungas na ito? Napakunot ang noo ko sa inaasta niya, umaasta kase siya na parang siya ang boss ko. Nakakainis. "Alexa--" "Oo na! Oo na! Oo na! Lintik naman, hindi ako bingi! Ito na nga oh, naglalakad na tsk!" hindi ko maiwasan na mairita. Jusko naman kase, tanghaling tapat ang sungit ng tukmol na ito. Bago ako tuluyang sumakay ay kumaway ako kay Zaiden na ngayon ay malungkot na nakatanaw sa amin. Bwisit kase itong tukmol na ito e, edi sana umuusad lovelife ko ngayon! "Bye! See you later!" I smiled sweetly as I waved my hand at him. He just waved back that made my smile wider. Pero dahil dakilang peste ang tukmol na ito ay mabilis akong hinila paupo. Kaya naman hindi na ako nakapag final wave kay Zaiden. Kaya naman masama kong tinitigan ang ungas na ito. "Kingina mong tukmol ka! Ano bang problema mo ha?!" Hindi ko mapigilang tanong, nakakabadtrip kase! He just stared at me. Bumuka ang labi niya ngunit walang salita ang lumabas doon kaya naman kunot noo ko siyang tinignan. "Tsk. Ang panget mo kase. Tara na nga. Ayusin mo seatbelt mo kung ayaw mong lumipad palabas ng kotse." He rudely said and I can't help but to open my mouth on shock. Wala akong masambit, hindi makapaniwalang napasinghal ako ng malakas dahil sa dinahilan niya. Anong klaseng dahilan ang pagiging panget ko para umakto siyang ganiyan?! At saka isa pa! Hindi ako panget! "Aba't Hoy! Hin-- Oh f**k! Slow the f**k down Kaizer Limmmmmm!!!" Hinihingal akong napa-kapit nang mahigpit sa seatbelt dahil sa kaba at takot. Mabilis kaseng minamaneho ni Kaizer ang sasakyan. Hindi pa nga ako nakakapag seatbelt. Peste! "Ano ba?! Putang ina! Papatayin mo ba ako?!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw ng malakas dahil sa hilo at takot. Kita ko pa sa rear mirror na ngiting ngiti pa siya sa ginagawa niya! Aba't! Pakiramdam ko na nga ako ay mamamatay tapos nagawa niya pang ngumiti?! Pero infairness ang pogi niya- ay foc! Erase! Erase! Erase! What the hell?! Nasa gitna na nga ako ng kamatayan ko nagawa ko pang pansinin ang bagay na iyon?! Kingina naman, Alexa! Mariin akong pumikit sa takot at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa seatbelt. Hindi na ako nagsalita pa dahil parang hinihila ang kaluluwa ko sa bilis. Naramdaman ko na lamang na malakas siyang pr-umeno dahilan para mas lalong dumiin ang pagkakapikit ko sa aking mga mata. Nang biglang tumigil ang sasakyan ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Ilang beses pa akong huminga ng malalim na wari mo ay kinakapos ng hininga dahil sa kaba. Mahigpit akong napakapit sa aking puso saka maluha luhang nagmulat ng mga mata kasabay niyon na hindi ko napigilan ang pagmilisbis ng aking luha dahil sa takot. "Hey..." I heard him calmly said but i didn't give him attention at all because i feel vomiting and that is what i did. Dinungaw ko ang ulo sa bintana ng sasakyan saka doon sumuka ng sunod sunod. Naramdaman ko na lamang na may dahan-dahan na naghahampas sa aking likuran. Uubo-ubo akong nag-angat ng ulo saka masamang tumitig kay kaizer na ngayon ay may guilt look sa kaniyang mga mukha. A tear fell on my left eye. and I can't help but to glare at him. Bigla siyang nag-iwas ng tingin, i can feel he's regretting what he just did a while ago. Muntikan lang naman ako mamatay, hindi sa kaniya o sa kahit ano. Kung hindi sa takot. "Balak mo ba akong patayin?" Mahina kong tanong, wala akong lakas para sigawan siya, tutal naman na nasanay siya at ako na nagsisigawan kami but not this time. Mabilis siyang lumingon sa akin saka paulit-ulit na ini-iling ang kaniyang ulo. "Hindi ko alam kung anong nagawa ko kung bakit bugnot ka na naman. Pero please, putang ina. Utang na loob... Huwag mo naman akong idamay. Nananahimik ako e. Hindi ko nga alam kung bakit umaakto kang ganiyan. You looked pissed for something i can not explained." Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-paliwanag ako ng hindi sumisigaw sa kaniya. "S-sorry..." Mahina niyang saad kaya naman ako ang natigilan. Minsan lang siya humingi ng tawad, once in a blue moon and sa piling tao lang, hindi ko pa alam kung bakit ang dali sa kaniyang mag sorry sa akin. Hindi na lamang ako umimik sa kaniya saka inayos ang pagkaka-seatbelt sa aking katawan saka ako pumikit at sumandal sa upuan. Ramdam ko ang mga titig niya ngunit pinagsawalang bahala ko iyon. Kaizer's POV Madiin akong napa-kagat labi ng matitigan ko ang itsura niya, putlang putla siya. And damn, I'm blaming myself for acting like that. Hindi ko rin kase maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umaaktong ganoon. Even I, myself can not explained it. That's why i couldn't utter anything to her a while ago. Malalim akong napa-buntong hininga saka sinimulan na mag manehong muli. But this time, dahan-dahan na ito. - Maya-maya pa ay nakarating kami sa bahay nila Babi. Actually it's a mansion. Akmang gigisingin ko siya ng mabilis siyang mag-mulat ng mata dahilan para mapatigil sa ere ang kamay ko. Napa-kagat labi ako dahil sa nagtatakhang napatitig sa akin si Alexa. "A-ah... H-hehe gigisingin sana k-kita." Hindi ko mapigilan ang mautal. Hindi ko rin alam kung bakit at hindi ko mapaliwanag. Hindi niya ako binigyan ng pansin saka dire-diretso na bumaba ng sasakyan dahilan para mapasuntok ako sa hangin. "f**k!" hindi ko napigilan ang mapa mura ng malutong. Mabilis rin akong bumaba at sumunod sa kaniya, narito na pala si Zaiden. Well, hindi na ako magtatakha dahil tumigil kami kaya mas nauna siya sa amin. "Alexa! Oh my god, you're here too!" Masayang salubong ni Babi sa kaniya. "Babi!" She said like she was going to cry and I couldn't help but to bit my lower lip as I felt guilty towards her. "Oh my, what happened to you? You smell..." "Can I take a bath here?" "Yeah, of course. Akyat ka sa third floor, nandon kase ang guest room namin, don't worry every guestroom here on my mansion has a bathroom inside. There's a lot of dresses too you can choose whatever you want." Babi smiled as she explained calmly. Walang kupas ang ganda niya kahit na may kambal na siyang anak. She look sophisticated and graceful like she was a queen. A royalty. I felt Alexa's smiled back at her and she didn't utter any word and run upstairs. Naglakad naman ako palapit sa kanila, hindi na nagulat si Babi nang makita ako. Mukhang inaasahan niya rin. "What happened?" Hindi ako makasagot kaya naman mas pinili kong ipag-kibit balikat ang kaniyang tanong. Dahil sa inakto ko ay pinaningkitan niya ako ng mata kaya naman napataas ako ng dalawang kamay. "Woah, relax Babi! Wala naman akong ginawa sa kaniyang masama!" Depensa ko, maliban na lang sa pagmaneho ko ng mabilis dahilan para masuka siya. Mas lalong sumingkit ang mga mata niya. "Siguraduhin mo lang, Kaizer. Naku, sinasabi ko sa iyo. Tatamaan ka sa'kin." Pagbabanta niya. Pero dahil sa sadyang mahinahon ang boses niya ay parang hindi siya galit. Ganoon naman kase talaga ang boses niya, mahirap mong mahulaan kung galit ba siya o hindi dahil ang tono ay pare-pareho lamang. I just chuckled with what she said. "Let's go, nasa living room si Zaiden, kausap si Yvo." Napataas ako ng kilay. What the hell? Hindi man lang nila ako i-ninvite? Nawala ang katanungan ko sa sarili ng makita ko sila at ganoon din naman sila, sabay silang napatayo. Hindi na nagulat si Zaiden ngunit si Yvo ay nagulat. "Man! You're here too. Pfft. What's with today that we have so much visitors?" We both chuckled as we approached each other. We hugged each other, you know a Bro hug. "How are you, my man?" He curiously asked and that's when I felt numb. Wala akong maisagot sa tanong niya. Kamusta nga ba ako? Maging ako ay hindi ko rin alam. "Well, trying to do better." "Pfft. Better your ass bro, haha. You're always drunk." "What?" Hindi ko maiwasang tanong dahil sa pagtatakha. "Pfft. Lagi kang inaasikaso ni Alexa kahit na nasa gitna siya ng trabaho. Minsan pa nga ay pinapa-cancel niya ang meeting or anything na ginagawa niya para lang sunduin ka sa Bar. Minsan pa na hindi na nakakatulog si Alexa, you're lucky to have her as your bestfriend." He explained that made my mouth hanged open in disbelief. "Pfft. Seems like you don't have any idea at all, kaya di na ako nagulat na kasama ka rito. Nagulat lang ako dahil hindi ka kasing ngayon." Wala akong maisambit. Napalingon na lamang ako kay Zaiden na ngayon ay takhang takhang nakatitig sa akin. I know what he's thinking. that he has a crush on Alexa and I didn't said anything like that. Well, hindi ko rin naman alam. Though, lagi kapag na so-sober ako ay si Alexa nga ang nakikita ko. So that's explains why. "Bro, don't give me that look. I didn't even know!" But instead of being mad, he just smiled at me 'causing me to feel uneasy. "Yeah, I know i can see that." Napatingin naman sa amin si Yvo, nagtatakha siguro siya. "Anyway, tapos na ang pinag-usapan natin yvo. I must go. I still have things to do." He excused his self to us and we just left here in living room dumbfounded. What's with him? "What happened?" Maging si Yvo ay napatanong. I just shrugged off my shoulder at him, maging ako ay hindi ko alam. "He's just pissed off, knowing na mas nakasama ni Kaizer si Alexa more than he is." Sabay kaming napalingon kay Babi ng magsalita siya. And i was like. "What?" "Huh?" Sabay naming sambit ni Yvo. "Slow." Iiling-iling pa niyang sambit, parang sinasabi niya na baliw kami. Walang salita siyang tumalikod dahilan para kami naman ang mapatunganga rito. "What was that?" "Hindi ko din alam." Napatitig kami sa isa't isa, at sa hindi malamang dahilan ay sabay kaming napatawa. "Damn man, i miss you haha." Hindi ko maitatanggi na na miss ko rin siya. "You want to grab some drink?" "Hindi ko tatanggihan iyan." ---------------- Alexa's POV Hanggang ngayon ay tulala pa din ako. Napapatanong na lang ako sa sarili ko, bakit ko ba nagawa ang mga iyon? Bakit hanggang ngayon ay ginagawa ko pa din. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayon ko lang na realized na mahigit isang taon na din pala na ako ang nag aasikaso at nag aalaga sa tukmol na iyon. Saulado ko na nga ang ugali niya e. Tsk. Kaya alam kong sincere siya sa pag hingi niya ng tawad. Lumabas ako ng banyo suot ang red na dress, bahagya pa akong nagitla ng makita ko si Babi na prenteng nakaupo sa sofa. "Where are your kids?" "They're at school. How are you?" Napatitig ako sandali kay Babi, she knows me too well. Kaya naman umupo ako sa tabi niya saka malalim na napa buntong hininga. "Hindi ko rin alam e." "Pfft. Seriously?" "Yeah. Seriously." Tinitigan niya lang ako, habang ako ay napasandal sa sofa at mariing napa pikit. "Would you mind if I ask you something?" Napadilat ako sa naging tanong niya saka kunot na kunot ang noong napatitig sa kaniya at ganoon din naman siya sa akin. "What do you feel towards Zaiden?" Hindi ko napigilan ang mga ngiti na kumawala sa aking bibig. And by hearing his name made me feel shivered. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD