Kaizer's POV
Wala sa sariling napadilat ako ng aking mata. Bigla ko lang naimulat at hindi ko alam kung bakit. Unang bumungad sa akin ang puting kisame.
Tuloy ay napatitig ako rito, kasabay ng pagtatanong na, 'nasaan ako?'
Wala sa sariling napa upo ako, bigla ko pang nasapo ang aking batok dahil sa kumirot ito.
"Fuck..." I said, sighing.
Mariin akong napapikit ng aking mga mata dahil sa naramdamang kirot, dapat ay nasasanay na ako dahil sa araw araw ay ganito naman palagi ang nararanasan ko.
Malalim akong bumuntong hininga saka muling napadilat ng mata.
Wala sa sariling napalibot ako ng aking mata at unti-unti kong napagtanto na nasa silid akong muli ni alexa.
Damn, bakit ba lagi ako napupunta rito? hindi ko rin maintindihan. Bago pa niya ako maabutan ay mabilis akong tumayo ngunit mabilis rin akong napapikit ng aking mga mata dahil sa biglang kumirot muli ang likod ng aking ulo.
Mahina akong napa ungol, saka wala sa sariling napakapit sa side table na nasa tabi ng kama. May nasagi akong kung ano kaya naman nagmulat akong muli.
Doon ay napakunot ang aking noo dahil sa aking nakita. Isa iyong baso ng tubig na nakatakip ang papel sa ibabaw ay dalawang gamot.
May maliit na note na nakadikit kaya naman wala sa sariling kinuha niya iyon, at hindi namalayan ay napangiti siya.
'Inumin mo ang gamot para mabawasan ang hangover mo, may aasikasuhin lang akong branch dito sa kabilang city, behave ha? Don't do anything. May niluto akong pagkain mo for lunch, I'm sure naman na tatanghaliin ka na naman ng gising. Kumain ka muna bago ka uminom. Tsk!'
-your Bff
Wala sa sariling napalawak ang pag-kakangiti niya.
"You know me that well huh?" Wala sa sarili kong na-isatinig.
Mabilis kong kinuha ang gamot at binuksan saka iyon mabilis na nilunok kasabay ng tubig.
Naglakad ako papunta sa mini kitchen na narito sa silid at kaagad na dumiretso sa ref. Inisa isa ko muna ang mga narito.
At ng makita ko ang isang tupperware na may note ay kaagad ko iyong kinuha.
'Initin mo sa oven ito bago mo kainin. Nagsaing ako nasa rice cooker. Kumain ka.'
-your bff.
Malakas akong napasinghal saka sinunod ang sinambit ni Alexa, nilagay ko sa oven ang tupperware saka iyon ini-on.
Isi-net ko ang timer ng one minute. Napatitig lamang ako rito saka muling naglakbay ang aking isipan.
It's been one year... One year simula ng mawala siya. And yet, parang kahapon lamang ang lahat sa akin. Sariwang sariwa pa rin sa akin ang lahat.
Bago ko pa mapagtanto ay kusa ng tumulo ang luha sa aking kaliwang mata ng hindi ko namamalayan.
Natauhan lamang ako ng biglang malakas na tumunog ang oven tanda na tapos na ang pag iinit, kaya naman wala sa sariling napapunas ako ng aking luha.
Mabilis kong ini-off ang oven saka kinuha ang tupperware. Mainit iyon, kaya naman mabilis kong nailapag sa mesa. Hinugasan ko ang plato na nasa sink bago ako kumuha ng kanin sa rice cooker.
Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref saka walang salita na umupo sa couch.
Binuksan ko ang tupperware at tumambad sa akin ang adobong manok na siyang pinaka paborito ko.
Mabilis kong nasinghap ang halimuyak ng ulam na ito kaya naman mabilis na kumalam ang aking sikmura. Walang sali-salita na kinain ko iyon.
_________
Matapos kong kumain ay mabilis lumabas ako ng silid ni Alexa, and as usual, unang bumungad sa akin ang office ni Alexa.
Napalibot ako ng aking paningin saka napansin na malinis at organisado ang bawat gamit na narito. Mabilis akong napatango nang paulit-ulit dahil nakita kong maayos ang office niya.
Masasabi mong babae talaga ang nagmamay-ari ng opisina na ito dahil sa design.
Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa ni Alexa. Looks like she's really working hard, sabagay at hindi naman siya galing sa mayaman. Nagsisikap lamang siya para sa sarili niya.
Pagkalabas ko ng opisina ay bumungad sa akin ang hallway at sa di kalayuan malapit sa elevator ay nakita ko ang secretary niya.
Hindi ko siya binigyan ng pansin at mabilis na dumiretso sa elevator. I don't give a damn with anyone.
Nang makapasok sa loob ng elevator ay mabilis akong napahinga ng malalim. It's just that, I'm actually afraid.
Nawala na sa ugali ko ang pagiging pala-kaibigan. I don't want let anyone to be friends with me anymore, ayoko nang may papasok sa buhay ko tapos biglang aalis o di kaya ay mawawala.
Sapat na sa akin kung sino yung mga kaibigan ko ngayon.
Speaking of, wala sa sarili akong napangiti ng bigla kong maalala sila Babi at Yvo. Kamusta na kaya sila?
Mabilis akong nabalik sa wisyo ng biglang malakas na tumunog sng elevator tanda na nasa ground floor na ako.
Walang salita na lumabas ako, at saktong pagkalabas ko ay naagaw ko ang atensyon ng lahat ng tao na narito.
Lahat ay nakatitig sa akin, bakit nga ba? Ako lang naman kase ang naka casual ang suot rito. T shirt at f**k boy short. Tapos idagdag mo pa na sobrang guwapo ko.
Napailing na lamang ako sa naisip ko saka di pinansin ang pagbubulong-bulungan ng mga empleyado na nasa paligid.
Sanay naman ako, kaso nga lang ay nasa tino ako ngayon. sa unahan entrance ay nakilala ko si kuya guard, of course he knows me very well, lagi kase akong narito.
Napa kamot ako sa aking batok ng wala sa oras.
"Manong guard!"
"Good Afternoon, Sir. Kaizer."
"Hehe, kamusta po?"
"Mabuti naman po, sir. Mabuti naman at mukhang hindi po kayo lasing ngayon sir."
I chuckled with what he'd said.
"Manong talaga, pfft."
Iyon na lamang ang sinambit ko saka ako nagdiri-diretso sa paglabas ng building.
Wala sa sariling napainat ako ng aking katawan. Saka malakas na napahikab.
Nasa ganoong sitwasyon ako ng bigla ay may pumarada na Ashton Martini sa mismong harapan ko. Napakunot ang aking noo saka takhang napatitig sa nasabing sasakyan.
Biglang bumaba ang salamin at ganoon na lamang ang panlalaki ko ng mata ng makilala ko kung sino iyon.
"Zaiden!" I yelled as i stared at him unbelievably. He just chuckled upon hearing my voice shouting his name.
"Damn man, you didn't change at all! Pfft." He said while laughing his ass off. Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at ako naman ay kaagad na tumakbo palapit sa kaniya.
We did a Bro hug.
"Dang s**t man! Pfft. You look old. Hahaha!"
Hindi ko napigilan ang pagbibiro at malakas na pagtawa. He chuckled too.
He knows what i mean, mukha kase talaga siyang mayaman at matanda dahil sa suot niya. Nakasuot siya ng Suit and tie. Tapos naka slacks. Terno na white.
He looks handsome too, well i won't deny that.
"how are you, my man?" Nabalik ako sa wisyo ng bigla siyang magtanong.
Wala akong naisagot at saka mabilis na napakamot sa aking batok.
"Well, hahaha."
Hindi ko na kailangan pang sabihin dahil kita naman sa suot ko ngayon, hindi sa naghihirap na ako, there's no way na maghihirap ang isang Kaizer Lim na tagapagmana ng pinaka sikat na Oil Corporation at company at sa buong Pilipinas.
"You still look handsome, Man." He humbly said and i just smirk with what he'd said.
"Of course, you know me." And then we both chuckled at the end.
"So, what are you doing here?" Pang uusisa ko dahilan para siya naman ang mapa kamot sa likod ng kaniyang ulo na wari mo ay nahihiya. Pfft.
Hindi naman kase puwedeng idahilan na ako ang pupuntahan niya, eh hindi naman niya alam na nandito ako palagi. He didn't even know na Alexa and I are close. Super close. Well, he only knows we are friends but not bestfriend.
Dahil matapos ikasal nina Yvo at Babi ay umuwi siyang New York para asikasuhin ang main Branch nilang restaurant doon.
It's been one year, at ngayon ko lang siya ulit nakita. Hindi niya rin pala alam kung anong nangyari sa akin. We totally cut off our communication.
Wala kase akong time mag social media or for other stuff. I'm too busy grieving for mayumi's death.
"Uhm. Ito ba yung Main Building ng office ni A-Alexa?"
Natawa ako sa naging tanong niya. Pfft, hahaha. Sabi na e, tinamaan ang mokong. Dati ko pa nahahalata na may pag tingin siya sa kaibigan ko.
Malakas akong tumawa dahilan para magtakha siya. Hindi ako makasagot dahil sa isipin na may crush siya kay Alexa without knowing her that much. Pfft. Eh, amazona iyon!
"Why are you laughing?" he asked.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay sunod-sunod na napatikhim upang pigilan ang pag tawa ng malakas. Pfft, ang sama ko namang kaibigan kung i e-expose ko siya.
"Nothing--" naputol ang aking sinasabi ng marinig namin ang matiiis na tinig ni Alexa mula sa aking likuran. Pfft. Wrong timing 'to hahaha!
"Kaizer! Kingina mo! Saan kana naman pupunta?!"
Mabilis akong napa harap sa kaniya habang pigil na pigil ang sarili na tumawa ng malakas. Napa takip ako ng mahigpit sa aking bibig.
Napataas siya ng kilay dahil sa reaction ko, hindi niya pa yata napapansin si Zaiden sa bandang likuran ko, well sabagay. Wala siyang oras para pansinin ang mga taong hindi niya kilala. Bagay na kinagusto ko dahil pareho kami.
Napa lapit siya sa akin at bigla akong piningot kaya naman hindi ko napigilan ang mapahiyaw.
"A-aw! H-hey! What are you doing?!"
"Nagligpit ka ba sa loob? Pag nakita kong may dumi at kalat doon, sinasabi ko sa'yo Kaizer Lim. Grr!" Sambit niya na may pang gigigil kaya naman hindi ko na napigilan ang mapatawa ng malakas.
Alam ko kase na crush din ni Alexa si Zaiden and for sure, pag nakita niya si Zaiden pfft...
"Ano bang tinatawa tawa mo r'yan? Para kang babae. Tara na nga! Samahan mo ako, pinapapunta ako ni Babi sa kanila. Sino ba itong--Oh my god!"
Mabilis siyang napatalikod ng makilala si Zaiden dahilan para mapatawa ako ng malakas. Sinasabi ko na nga ba e hahaha!
"Pfft. Hahaha."
Pinanlakihan niya ako ng mata, tanda na tumigil ako ngunit imbis na sundin siya ay mas lalo kong nilakasan ang pagtawa ko.
"Hi, Alexa." Mahinahong sambit ni Zaiden. Pfft. Parang babae amp. Hahaha!
Dahan-dahan na lumingon si Alexa na namumula ang mukha sa kilig o sa hiya? Pfft.
"H-hehe. H-hi Z-Zaiden..." She shyly said and slowly wave her hands kaya naman napa kunot ako ng aking noo, pfft. Parang tinubuan ng pagka-mahinhin ang isang ito! Himala! Pfft!
"Pfft. What happened to you Alexa--woah! f**k. Ouch!" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng bigla niya akong kurutin sa tagiliran.
Pinanlakihan niya ako ng mata habang nakangiti nang mala demonyo na wari mong pinararating niya na 'One more word and I'm dead.'
Napa iling na lamang ako saka napasinghal nang mahina.
"Good to see you after one year. How are you?"
"I-I'm fine hehe. Y-you?"
Hindi ko alam pero natatawa talaga ako sa kanila, pfft. Parang iba e. Ibang tao ang kaharap ko ngayon. Kanina lang napaka amazona nitong babaeng ito kala mo tigreng nagwawala tapos ngayon parang pusa na nagpapa-cute.
"Well, I'm good. Anyway, pupunta ka rin pala kila Babi, sabay na tayo?"
"A-Ah hehe--"
"No, kasama niya ako. Sasakay siya sa kotse ko, ako ang inaya niya e." Sa hindi ko malamang dahilan ay sumingit ako.
Natigilan sila pareho kung kaya't natauhan ako, pinanlakihan ako ng mata ni Alexa na para bang sinasabi niyang bawiin ko ang sinabi ko, kaya naman nililis ko ang paningin ko at wala sa sariling napa tingin ako kay Zaiden. They have the same expression telling me na bawiin ko ang sabihin ko ngunit hindi ko ginawa bagkus ay mabilis akong tumalikod at naglakad palapit sa kotse kong nakaparada sa gilid ng building.
Bago ako sumakay ay tinapunan ko ng tingin si Alexa na ngayon ay takhang takha na nakatitig sa akin, malamang na pati siya ay nagtatakha sa inaasts ko ngunit maging ako ay nawiwirduhan sa aking kinikilos.
"Alexa. Sumakay kana o kakaladkarin kita?"
To be continued...
K.Y.