Alexa's POV
Hindi mapuknit puknit ang mga ngiti ko sa aking labi. Matagal ko na kaseng crush si sir. Zaiden. Kahit noon pang ako ay nagtatrabaho sa kaniya.
Yeps, College days. I'm working with him, since Bar naman iyon. Na ma-managed kong pumasok sa school ko, yun nga lang napapadalas ang pag faint ko dahil sa kakulangan ng tulog at pagkain.
Luckily, I've survived those hellish life. at napaka laking pasasalamat ko kay Babi, She lifted me up. She helped me na makabangon sa hirap.
And until now, nagtatrabaho pa rin ako sa kaniya as her Acting CEO. Actually dalawa kami ni Vix. Speaking of, nasa'an na kaya ang baklitang iyon?
"I can tell that you are infatuated with him." nabalik ako sa wisyo ng magsalitang muli si Babi.
"Huh?"
"You are infatuated with him."
"Is that even possible? Matagal ng panahon simula ng maging crush ko siya e. Infatuation lang pala iyon?"
"Well, only you can tell. Alam mo iyan sa sarili mo."
Napa-isip ako sa sinambit niya. She's right.
"Hindi ka ba naniniwala sa kasabihang, 'If it last for more than four months, it's not infatuation anymore. It's love.'" kuryos kong tanong. siya naman ay napangiti lamang.
"Never be confused, Alexa. Because love is too deep. You can't imagine what love can do."
"Oh-kay?"
"See. Based on your actions, you're not in love. Maybe because you didn't give yourself time for love. You focused yourself on shaping yourselves. You complete yourself. Look at you now. Successful woman."
Mahinhin akong natawa sa papuri niya, mahina akong napa hampas sa kaniyang balikat.
"You're whole, but didn't you feel that something is missing?"
Muli akong napa-isip sa sinambit niya. Mayroon nga ba? Parang wala naman kase.
"Intimacy."
Nanlaki ang mga mata ko at namilog ang aking bibig dahil sa sinambit niya. Oh my god! I'm still virgin!
"Babi!"
We both laugh as we both realized what my reaction is. Totoo naman kase e, sa edad kong ito. Virgin pa ako.
"Malapit ka na mawala sa kalendaryo, pfft. Virgin ka pa din? Haha."
"E-eh ano naman?"
Nang-aasar na tumawa si Babi. Ano namang meron? Ano bang big deal kung virgin pako.
"You just missed the most exciting part of being teenager and yet, you'll experience the same thing in your twenties. Hahaha."
Napanguso ako sa sinambit niya. She has a point. Wala kase akong panahon sa mga ganiyan noon, busy ako sa pag-aaral. Nagsikap ako at tanging ang pansin ko lang noon ay pag aaral at maging mayaman.
Ayoko na kase ma experience ng magiging anak ko ang na-experience ko. It was hell. Madaming beses na akong napagod pero hindi ako sumuko.
Wala naman akong pinagsisisihan dahil sa nagbunga ang lahat ng sinakripisyo ko.
"Anyway, cut that topic. I have a good news for the both of you."
"Huh?"
"Both of--"
"Good Afternoon! Everyone! Omg Babi! I miss you!"
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng may marinig kaming maingay. Sa tinis ng boses niya ay kaagad akong napatakip ng aking tainga.
At base sa tinis ng kaniyang tinig ay kilalang kilala ko ito.
Masama kong tinapunan ng tingin si Vix na ngayon ay ngiting ngiti na naglalakad palapit sa puwesto namin. Pagkalapit niya ay kaagad ko siyang sinapak.
"Takte ka! Napakaingay mo talaga kahit kailan!"
"Ano ba Alexa the panget! Bakit ba namamatok ka na naman ha?!"
"Napakaingay mo kase!"
"Inaano ka ba?!"
"Maingay ka nga kase! Puwede namang hinaan ang boses mo--"
"So boring. Walang thrill."
"Takte ng mga pa-thrill thrill mo!"
"Ikaw ha! Isang taon na nga tayong di nagkita tapos aawayin mo pa ako?!"
"Nakakainis ka pa rin kase kahit kailan!"
"Inaano ka ba?! Nananahimik ako e!"
"Tanginang tahimik iyan, ang lakas sumigaw!"
"Bakit ba ang KJ, KJ, mo ha Alexa?! Di na ako magtatakha kung tatanda kang dalaga dahil sa pagka bitter at pagka KJ mo!"
"Aba't!"
"Stop."
We both stopped in the mid air when we both heard Babi's Calm voice. Pero dahil kilala na namin siya ay huwag kang papalinlang. Hindi porket kalmado ay kalma talaga.
"Hindi na kayo nagbago. Grown up, will you?"
Pareho kaming napatitig sa isa't isa at nagsamaan ng tingin.
"See?"
Kaagad din kaming nag-iwas ng tingin. Pero di ko maitatanggi na na-miss ko siya. He's my bestfriend after all.
Akmang magsasalita pa si Babi ng biglang dumating si Yvo at Kaizer.
Nang makita kong may hawak na namang alak si Kaizer ay mas lalong nawala ako sa mood.
"What's happening here?" takhang tanong ni Yvo, hindi ko siya pinagtuunan nang pansin at mas tinitigan si Kaizer na ngayon ay nakatitig rin sa akin.
Kaagad niyang binitawan ang alak na hawak niya saka kunwari ay umaktong di nag iinom.
"Nothing, na-miss lang nina Alexa at Vixxeon ang isa't isa."
"Babi!"
Hindi ko napigilan ang mapatawa dahil sa pagsambit ni Babi sa buong pangalan ni Vix. Pinaglalandakan pa. Ayaw na ayaw kaseng binabanggit ni Vix ang whole name niya at eww daw kase iyon. Pfft.
We both laugh in unison when we saw how Vix throw a tantrums.
"Anyway. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Napag-usapan kase namin ni Yvo na..."
Binitin niya kami kaya tuloy ay sabay kaming tatlo nina Kaizer at Vix na naka nganga.
"Hahatiin ko sa inyong dalawa ang pamamahala sa mga negosyong pag aari ko."
"What?"
"Huh?"
"I'll give you my grandma's business, Vix. Since you love very much being in Greece. And i know, mapangangasiwaan mo ng maayos ang business ni momma."
"What do you mean? You have kids."
"Yeps. That's why, 50% ng kita ay naka-pangalan sa kanila. at 50% sa inyo dahil kayo ang namamahala at nagpapakago niyon."
"Omg..."
"And ganun din sa'yo, Alexa. I'll give you my father's inheritance."
Hindi ko napigilan ang mapaluha sa sinambit ni Babi. She's really an angel. Kinasangkapan siya ng diyos para ako ay umunlad.
"But--"
"No buts. We've talked about this, and I've Decided. Well, yvo's wealth is enough for us to raise our children. And besides, mawawalan na ako ng oras pa para i manage ang lahat ng iyon. Yvo and I decided that, I'll be a full time mom. Para mas matutukan namin sa pag-aalaga ang mga bata. We don't want them to experience the same pain and situation we've experienced."
Babi is such a good mother, ngayon pa lang naiinggit na ako sa mga anak niya, for having Babi as their mom.
I couldn't help but to run towards her and hug her tight, Babi stand as my older sister though, isang taon lang naman ang tanda ko sa kaniya.
Naging mabuting kaibigan siya sa amin ni Vix, She helped us. She didn't forget about us even at her worst so we just giving back her kindness to us.
Ramdam ko rin ang pag yakap ni Vix sa amin. Katulad ko ay masaya rin siya. I know that, kahit naman na madalas kaming mag away ay kaibigan ko pa rin siya. he's the best enemy I have.
At siya lang ang gugustuhin kong maging kaaway.
"S-sobrang salamat sa pagtitiwala mo, Babi..."
"It's nothing, parang kapatid ko na kayo kaya wala lang sa akin iyon, snd besides you're the one who helped me before, you didn't leave me behind. I'm just paying your kindness. Actually this isn't enough, kailan man ay hindi matutumbasan nang kahit ano ang ginawa niyong pagtulong at pakikiramay sa akin. Kaya hayaan niyong bumawi ako."
"Ano ka ba, this is more than enough."
"Vix is right, this is more than enough at hindi naman kami humihingi ng kapalit, because you are my bestfriend. We are bestfriend. at ang mag kaibigan ay nagtutulungan. We helped you because we love you."
"Alexa's right, you don't need to give us this--"
"Hayaan niyo na ako. And besides, you deserved it naman. Ganito na lang, para hindi kayo ms guilty, kapag nakaipon na kayo ng sapat, you can give back the percentage when you have enough money. Is that okay?"
We both nod our head as we response to her. I think I can do that naman.
"Anyway, if you still have time we can--"
"I'm sorry Babi, I still have meetings to attend to, two hours from now."
"Oh, it's okay Vixxeon. You can go--"
Hindi niya na natapos ang sasabihin pa nang bigla siyang yakaping muli ni Vix nang napaka higpit.
Finally, I saw Vixxeon has a tears on his eyes. Tears of joy, indeed.
"Sobrang Thank you, Babi... hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa iyo. Sobra sobra na yung naibigay mo sa amin and I'm so thankful for that, asahan mong hindi kita bibiguin at mas gagalingan ko pa sa pagtatrabaho. I love you... I miss you! If only I could have a time a little more, I would love to spend it with the both of you, but as I've said a while ago, mas gagalingan ko pa. And currently, there's a huge chaos there in greece so I need to attend meetings to fix that."
"Go."
For the last time he hugs her, saka siya lumingon sa akin at kaagad ring lumapit.
"Gaga ka! Mag iingat ka lagi, ang panget mo. Mas pangitan mo pa sa mga susunod,oh ikaw na ang bahala kay Babi dahil ikaw ang mas malapit sa atin. Mag update ka kaseng bruha ka! Napaka famous mo, di ka nag rereply sa texts and chats ko with you hmp!"
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinsulto sa mga tinuran niya.
Hindi pa ako nakakasagot nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.
"Chariz lang! You know I love you too, always take care! Don't forget to update me sa mga happenings sa life mo, malay mo naman magkaroon ka na ng bebe this time. Nako!"
I just let a chuckled upon hearing what he'd said. He's really funny.
I hugged him back.
"You too, update mo ako kung nakita mo na ulit yung chicks--
"Oh my god Alexa! You're making me vomit! Don't you ever dare to say her eww!"
We both laughed in unison when we heard that. May chicks kase yan hahaha.
"Anyway, I must go now."
Dali-dali siyang lumabas. Tuloy ay naiwan kaming apat rito.
"Alexa, perhaps you could join us? Wala ka naman sigurong gagawin?"
Napataas ang kilay ko sa naging tanong ni Babi. Actually, I'm free now.
"Yeah, sure."
"All right, what are we waiting for? Let's go to the pool."
Wala kaming sinayang na sandali pa.
"Wait, nasaan ba ang mga babies mo Babi?"
"I told you they are in school--"
"Oh don't give me that crap, your children is just one f*****g years old."
"Pfft. Na kay manang at mang rudolfo don sa kabilang mansion. Sila na muna daw kase ang bahala. Since my children didn't have a grandparents, so I just let them be."
Napa tango ako nang sunod-sunod.
"Maliligo ba tayo?"
"Well it's up to you."
"I'll swim. Pang tanggal stress din kase."
"You have s swimsuit?"
"None. But I think my brassiere and panty doesn't look bad."
"Sige, bahala ka. Pero samahan mo muna akong mag ihaw.
Sinundan ko siyang maglakad sa gilid ng pool, naningkit na lamang ang mga mata ko ng makita kong nag iinom na naman si ungas.
Mahina akong napasinghal nang makita kong bahagya niyang itinaas ang beer na hawak na wari mo ay inaasar ako. Ang kapal ng mukha.
"Why?"
"Tsk! Nakakainis kase si Kaizer!"
"Pfft. Bakit na naman?"
"Nang-aasar si gago. Si inom na naman, kala mo naman kayang kaya alagaan ang sarili pag na lasing."
"Pfft. Hayaan mo na siya, malaki naman na siya. Gurang na iyan."
"Tsk, palibhasa hindi ikaw nag aalaga jan pag lasing e."
"Well, you're taking care of him?"
"Well, kind of?"
"What else you're doing for him?"
"Everything. As in everything. Alam mo bang dakilang tamad iyan?"
"What?"
"Hay nako, Babi. Huwag mo na akong tanungin at napipikon lang ako!"
"Intindihin mo na lang, it's his only way to forget mayumi."
To be continued...
K.Y.