CHAPTER 22

2218 Words

“Salamat sa pagpunta,” nangingiting wika ni Tita Trish kay Dominic pagkapasok nila ni Angelo sa condo unit. As usual, wala ulit pasok sa trabaho ang una dahil birthday niya ngayon at naglaan siya ng araw at oras para maipagdiwang ang kaarawan ng nag-iisang pamangkin. Ngumiti naman si Dominic. “Walang anuman po. Birthday rin po kasi ni Angelo kaya talagang gusto ko na magpunta rito at maki-celebrate,” aniya. Napangiti naman si Tita Trish sa sinabi ni Dominic. “Oo nga. Tumanda na naman ‘yang si Angelo. Ngayon ay isa na siyang ganap na binata,” nangingiting bulalas pa ni Tita Trish. “Yeah, isa na akong legal na binata,” nangingiting sabat naman ni Angelo. Natawa naman sila Dominic at Trish sa sinabi ni Angelo. “Oo nga pala, bago ko makalimutan ay may kukunin lang ako mula sa kusina,” p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD