CHAPTER 30

2516 Words

“Bahay niyo ‘to?” may halong pagkamanghang tanong ni Dominic kay Angelo na ngayon ay kasabay niyang naglalakad sa malawak na bakuran ng isang malaking bahay. Tiningnan ni Angelo si Dominic. Ngumiti siya saka tumango. Nakikita niya sa mukha ng kaibigan ang sobrang pagkamangha habang palibot-libot ang tingin sa kabuuan ng paligid. Actually, mali ang pagkaka-describe ni Dominic, hindi kasi nararapat na bahay ang tawag sa nakikita niya kundi isang mansyon. Malawak ang bakuran na ngayon ay nilalakaran nila ang gitnang bahagi. Luntian ang kulay ng paligid ng bakuran dahil maraming puno at mga halaman at nalalatagan ng maliliit na bermuda grass. May mga iba’t-ibang klase ng bulaklak. Sa bandang gitna, sa tapat ng napakalaking mansyon na nasa dulo ay makikita ang malaking fountain ng tatlong an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD