CHAPTER 34

1649 Words

“Hoo! Muntik na tayo dun, ah!” Hinihingal na sambit ni Angelo pagkabitaw niya kay Dominic. Nakaakyat na sila sa second floor at magkaharap na nakatayo sa harapan ng pintuan ng isa sa mga kwarto. Hinahabol rin ni Dominic ang paghinga niya dahil sa mabilis nilang pagtakbo at pag-akyat sa hagdanan. Maya-maya ay tiningnan ni Angelo si Dominic. Mahina siyang natawa. “Muntikan ka ng mahuli. Mabuti na lang at nagising ako dahil sa uhaw kaya napababa ako ng kusina kasi walang tubig sa mini refrigerator ko sa kwarto at nakita kita. Ikaw? Dis-oras na ng gabi pero bakit nasa kusina ka pa?” sunod-sunod na salita pa niya. Napaiwas naman nang tingin si Dominic. Huminga siya ng malalim saka kinalma ang sarili bago magsalita. “Nauhaw rin kasi ako. Walang tubig sa refrigerator sa kwarto kaya bumaba ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD