CHAPTER 44

1558 Words

Back to school na. Magkasabay na naglalakad sa hallway sila Dominic at Angelo. Papunta sila ngayon sa classroom nila para sa kanilang unang klase. Napapatingin ang huli sa una at may nahahalata siya sa mukha nito. “Mukhang kinakabahan ka diyan. Bakit?” pagtatanong ni Angelo. ‘Yun ang napansin niya kay Dominic. Sandali namang tiningnan ni Dominic si Angelo. Bumalik rin kaagad ang tingin nito sa dinadaanan. Huminga siya ng malalim saka iniling ng bahagya ang ulo. “Wala lang. Medyo kinakabahan lang ako dahil balik-klase na tayo,” pagdadahilan ni Dominic. “Hindi naman first day of class. Patapos na nga ang school year natin kaya bakit ka naman kakabahan diyan?” pagtatanong ni Angelo. Tipid na napangiti na lamang si Dominic. “Siguro kasi naninibago lang ako ulit. Nasanay na kasi akong wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD