“Nasaan kaya siya?” pagtatanong ni Angelo sa hangin habang nililibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng lugar. Halos lahat ng estudyante ay narito na at pabonggahan ng suot na damit at maskra. Kanina pa hinahanap ng mga mata ni Angelo si Dominic. Hindi nga niya alam kung paano niya makikilala ito dahil wala siyang alam kung ano ang itsura ng kasuotan nito dagdagan pa na nakasuot din ito ng maskra panigurado. Siya nga, nakasuot na din ng maskra. Gwapong-gwapo si Angelo sa kanyang kasuotan at kahit na nakamaskra siya, lumalabas pa rin ang angkin niyang kagwapuhan. Gawa ng isang sikat na fashion designer ang kanyang kasuotan. White suit at pants na sakto sa hubog ng kanyang magandang katawan. Itim naman ang kulay ng panloob na suot nitong long-sleeve polo at sapatos na purong balat. Whit