CHAPTER 65

2264 Words

“May gagawin ka ba pagkatapos ng klase?” tanong ni Angelo kay Dominic na napatingin naman sa kanya. Magkasabay silang mabagal na naglalakad sa hallway. Umiling naman si Dominic. “Wala naman akong gagawin. Bakit mo natanong?” tanong niya sa nagtatakang tono. Sumilay ang ngiti sa labi ni Angelo. “Punta tayo mamaya sa park,” pag-aaya nito. Kumunot ang noo at nagsalubong ang mga kilay ni Dominic. “Ano namang gagawin natin dun?” nagtatakang tanong ulit niya. Sandaling nagbaba nang tingin si Angelo. Huminga siya ng malalim saka muling tiningnan ang kasintahan. “Pagkatapos kasi ng mga nangyari, gusto kong pumunta sa isang lugar na tahimik at makalanghap ng sariwang hangin,” sagot ni Angelo. “At ang park ang lugar na gusto kong puntahan,” pagpapatuloy pa niya sa sinasabi. Tumango-tango naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD