CHAPTER 64

2103 Words

Lalabas si Dominic ng bahay niya para bumili ng kanyang makakain. Pagkalabas niya, maglalakad na sana siya ng tuloy-tuloy papunta sa tindahan na malapit lang ng bigla siyang salubungin ng isang kapitbahay niya na medyo ikinagulat niya. “Uy, Dominic! Kumusta na ang pakiramdam mo. Okay ka na ba?” pagtatanong ni Mang Romeo. Isa sa mga kapitbahay niya. Byudo na ito at may isang anak na nagtatrabaho bilang factory worker sa isang pabrika ng tsinelas. Magkatabi lamang ang bahay na tinitirhan nila. “Ah, ayos naman po Mang Romeo. Bakit po?” nagtatakang tanong ni Dominic. Nakahinga naman ng maluwag si Mang Romeo. “Mabuti naman at ayos ka lang. Kahapon kasi ay nakita kitang walang malay kasama ang limang lalaking naghatid sayo. Mukhang may sakit ka yata kasi buhat-buhat ka pa sa likod ng isa sa m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD