CHAPTER 1

2329 Words
Mag-isa siyang naglalakad ngayon sa mahabang hallway ng eskwelahang pinapasukan. Papunta siya sa unang subject na papasukan niya, ang Science. Isa ito sa mga favorite subject niya. Halata sa kanyang paglalakad ang pagmamadali dahil sa bilis ng ginagawa niyang paglakad. Habang naglalakad ay inayos niya sa pagkakasukbit sa kanyang magkabilang-balikat ang bagpack na dala-dala. Naglalaman iyon ng mga gamit niya sa school. May kalumaan na ang itsura nito pero magagamit pa naman. Matiyaga siya pagdating sa gamit kaya kahit luma, pinagtatyagaan niya pa ring gamitin. Gayunpaman, hindi nababagay ang itsura nito sa ganda ng eskwelahang kanyang pinapasukan. Kasalukuyang nasa huling taon na siya ng hayskul. Senior high school na siya dito sa eskwelahang pinapasukan niya, ang Lyndon High. Isa sa top school ng bansa. Hindi maikakaila na napakaganda at kumpleto sa pasilidad ang ekswelahang ito dahil na rin sa napakataas ng tuition fee na binabayaran kaya naman halos lahat rin ng estudyanteng pumapasok rito ay pawang mayayaman at maykaya sa buhay. Hindi siya kabilang sa mayaman o maykaya sa buhay. Mahirap lamang siya. Kung hindi lamang dahil sa kanyang taglay na talino at dedikasyon sa pag-aaral ay hindi naman siya makakapasok rito. Kumuha kasi siya ng scholarship at pinagpala naman siya dahil nakapasa siya kaya naman dito siya ngayon nag-aaral. Inayos niya rin ang pagkakasuot ng salamin niya sa mata. Medyo malabo na rin kasi ang kanyang mga mata kaya naman kailangan niyang magsuot nito. Kapag malayo kasi ang tingin, blurred na ang kanyang mga paningin. Hindi niya namalayan na sa kanyang pagliko ay may makakabangga siya kaya naman halos tumalbog siya sa pagkakabangga rito na nagresulta para bumagsak siya sa sementadong sahig. Nasubsob ang pwetan niya na ikinadaing din niya ng mahina dahil sa naramdamang sakit. Galit siyang tiningnan ng lalaking nabangga niya. Gwapo ito at matagkad pero sa awra pa lamang nito, makikita na ang kagaspangan sa ugali. Isa pa, kilala niya ito. Kilalang-kilala. “F*cking sh*t! Ano ba ‘yan?! Ang panget mo na nga tapos tatanga-tanga ka pa! Ano na lang ang magandang katangian na meron ka?! Mukhang wala ng natira, eh!” malakas na singhal nito sa kanya. “Whoa!!! Hahaha!!!” Nagtawanan naman ang mga lalaking kasama nito na nasa likod lamang at nakatingin rin sa kanya. “Tanga na, pangit pa! Wala na! May nanalo na!” sigaw pa ng isa na ang pangalan ay Juno, kulot ang buhok at isa sa kaibigan ng binatang nakabunggo niya. Ningisihan siya ng binatang nabangga niya. “Sa susunod naman tumingin ka sa dinaraanan mo! Bwisit na basura!” dugtong pang pang-iinsulto niya. “Bakit kasi tumatanggap ng pangit ang magandang eskwelahang ito? Nakakabawas sa ganda ng paligid na nakikita ko palagi!” huling sabi pa nito. Muli ay nagtawanan na naman ang mga kaibigang kasama ng binatang nagagalit sa kanya at pati na rin ang iba pang estudyante na nakakakita sa pagpapahiya sa kanya. Si Juno, Leo at Hage ang mga kaibigan ng binata. Napayuko na lamang siya. Nasaktan siya sa sinabi nito. Gusto niya sanang lumaban o magsalita man lang para ipagtanggol ang sarili ngunit hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. May nabasa kasi siya at sinasabi ng nabasa niyang iyon na pikon ka kapag lumaban ka at kapag napikon ka, ibig sabihin, totoo ang sinasabi nito. Ayaw na niyang ipakita pa sa iba na napikon at nasaktan siya dahil parang sinasabi na rin niya sa kanyang sarili na totoo ang sinasabi nito. Kunsabagay, totoo naman kasi talaga ang sinabi nito. Pangit siya. Sobra. “Sorry,” mahinang sambit na lamang niya. Mapaklang ngumiti ang lalaki. “Sa susunod kasi huwag kang pakalat-kalat dahil lalo ka lang nagmumukhang basura,” nang-iinsultong sermon niya pa. “Kung manatili ka na lang kaya sa basurahan? Doon ka nababagay at hindi sa hallway ng school,” aniya pa. Natikom na lang niya ang kanyang bibig. Nakarinig ulit siya ng mga tawanan. Ngumisi ang lalaki na nakatitig sa kanya ng diretso. “Halina na nga kayo at baka mas lalo pang masira ang araw ko ng dahil sa panget na ito!” aya na nito sa mga kaibigan na umalis. “Okay!” sigaw ng mga kaibigan nito. Muli nang naglakad ang magbabarkada habang nagtatawanan. Hindi niya napigilan na sundan sila nang tingin. Ngumiti siya ng matabang. ‘Kung ano ang kinaganda ng panlabas niyang kaanyuan ay kinapangit naman ng kanyang pag-uugali,’ wika nito sa isipan. Ang lalaking kanyang nabangga ay si Philipp Sebastian. Katulad niya ay nasa senior high school na ito. Magkasing-edad sila. ‘Yun nga lang, kung siya ay nasa first section, ito naman ay nasa pangalawa sa huli kahit na matalino. Kaklase rin nito ang mga kasama kaya magkakaibigan sila. Walang araw na hindi niya ito nakakabangga. Hindi naman literal na lagi niya itong nababangga. May mga times kasi na bigla na lang itong lilitaw sa kinalulugaran niya at mang-aasar at magsasabi ng masasakit na salita sa kanya na hindi naman niya masyadong pinapansin pero aminado siyang nakakasakit sa damdamin niya. Ewan ba niya kung sinasadya ba ng tadhana na lagi silang nasa iisang lugar at pinagtatagpo. Sikat rin ito sa eskwelahang pinapasukan. Kahit senior high school pa lamang ito ay marami na itong chicks na nababalitaan niyang nakarelasyon na nito. Palibhasa naman kasi ay gwapo at matangkad pa sa taas na five-nine. May isang pagkakataon pa nga na nabalitaan niyang may nagging girlfriend rin ito mula sa college department, hindi lamang niya alam kung sino. Don’t get him wrong, hindi siya tsismoso kaya lagi siyang nakakabalita tungkol rito, sadya lamang hindi niya matanggihan na marinig ang tungkol rito dahil usapan rin ito ng mga estudyante sa buong eskwelahan. In short, babaero si Philipp. Napabuga na lamang siya ng hininga at muling dahan-dahang tumayo. Inayos ang pagkakasukbit ng bagpack sa kanyang magkabilang balikat at inayos rin ang pagkakasuot ng salamin sa mata. Pinagpag rin niya ang kanyang lumang slack pants na suot saka muli na siyang naglakad at pinilit na kinalimutan ang nangyari sa pagitan nila ni Philipp dahil wala naman siyang mapapala kung iisipin niya pa iyon. Marami ng nangyaring ganto sa pagitan nilang dalawa na lagi na lamang niyang ipinagsasawalang-bahala at hindi na binibigyang pansin pa. Dahan-dahan na lamang siyang naglakad muli sa hallway. Siya si Dominic Allen Dimasalang, seventeen years old at kasalukuyang nasa senior high sa pinapasukang eskwelahan. Maganda ang eskwelahang ito na may elementary, high school at college department. Scholar siya sa eskwelahang ito dahil na rin sa matalino siya at subsob rin siya sa pag-aaral kaya naman academics lang rin ang pinagtutuunan niya ng pansin. Wala siyang club o kung anumang sinalihan kaya hindi rin niya alam kung may talent din ba siya. Wala siyang sinalihan dahil baka hindi rin naman siya tanggapin kaya hindi na rin siya naglakas-loob pa. Bukod sa pag-aaral ay pinagkakaabalahan rin niya ay ang pagtatrabaho sa isang call center company. Pagkatapos ng maghapong pag-aaral, diresto siya sa trabaho sa gabi. Local lamang ang pinapasukan niyang kumpanya kaya naman hindi naman ganun kalakihan ang sahod na nakukuha niya pero sapat naman iyon para sa pang-araw-araw na gastos lalo na at ang mahal rin ng mga bilihin sa eskwelahang ito. May allowance naman siya galling sa scholarship niya pero kung hindi siya magtatrabaho sa gabi, hindi sapat ang allowance na iyon panggastos niya. Anyway, kung naitatanong niyo kung bakit sa call center company siya pumapasok para magtrabaho, ay dahil iyon ang trabaho na boses lang at galing sa pag-iingles ang puhunan at hindi ang mukha. Ginamit niya ang kanyang galing sa pagsasalita ng ingles para pagkakitaan. Aminado naman kasi siya na totoo ang sinabi ni Philipp sa kanya. Kaya nga kahit masakit, tinitiis na lamang niya ang masasakit na sinabi nito dahil totoo naman. Panget siya. Puno nang tigyawat ang mukha niya na kulang na lang, pati ang leeg at katawan niya ay magkaroon na rin dahil sa wala na itong paglagyan sa mukha. Namumula pa sa maga ang mga tigyawat niya at ang iba ay may nana pa kaya naman sa eskwelahang ito, wala siyang kaibigan dahil alam niyang nandidiri ang mga ito sa kanya. Tanggap naman na niya iyon pero aminado siyang masakit sa parte niya. Hindi naman niya masubukan na ipagamot ang mga tigyawat niya sa mukha dahil namamahalan siya sa derma. Marami na rin siyang sinubukan na sabon para mawala ang mga ito ngunit hindi rin umubra hanggang sa siya na lamang din ang sumuko. Bukod sa mukha niya, dry rin ang kanyang buhok dahil sabon lang naman ang gamit niya bilang shampoo. Kaya nga semikal ang gupit ng kanyang buhok dahil kapag humaba ito, siguradong kapag hinawakan, mistulang humawak ng alambre. Bukod pa roon, dry rin ang balat niya na moreno dahil hindi rin naman siya naglalagay ng lotion. Minsan na rin niyang naisip na siguro nga, kasalanan niya rin kung bakit naging ganito ang itsura niya. Nagpabaya din kasi siya kaya naman hindi rin niya masisisi ang mga nakakakita na nandidiri at nanlalait sa kanya gaya ni Philipp. Ngunit pwede naman kasing hindi na lang siya pansinin. Bakit kailangan pang laitin siya? Ang sakit tuloy sa kanya. Hindi naman porket hindi siya nagsasalita at lumalaban, gaganituhin na siya. May pakiramdam pa rin naman siya at sa totoo lang, nakakaapekto sa kanya ang lahat ng masasakit na nararamdaman niya. May makikita pa rin namang maganda kahit papaano sa kanya. Matangkad siya. Sa huling sukat niya sa kanyang sarili, nasa five-eight ang taas niya. Bumagay pa sa kanyang tangkad ang nagsisimula ng ma-develop na katawan niya. Nagkakaroon na rin kasi ito ng hubog lalo na ang magkabilang braso nito saka ang dibdib na medyo umuumbok na rin. Hindi naman siya nagbubuhat ng kung ano sa gym, siguro dahil ito sa bagpack niya na palagian niya ring dala. Marami din kasi itong laman na mga libro at notebook. Chinito ang kanyang mga mata kahit alam naman niyang wala siyang ibang lahi maliban sa pagiging Pilipino. Matangos rin ang kanyang ilong at may kanipisan ang kanyang labi na medyo mamula-mula. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad pa hanggang sa makarating na siya sa classroom. Pagkapasok niya ay napatigil sa pagdadaldalan at napatingin sa kanya ang mga kaklase niya na may halong pandidiri sabay iwas nang tingin at tumuloy sa pagdadaldalan dahil wala pa namang teacher. Napayuko na lamang siya. Ganito naman lagi at nakasanayan na lamang niya. Pumunta na lamang siya sa kanyang inuupuan palagi kapag ito ang subject niya. --- Kaagad niyang nilapag sa upuan ang dala niyang bagpack at nahiga sa kamang gawa sa kawayan. Halata sa mukha niya ang pagod. Gabi na at kakauwi lamang niya galing naman sa trabaho. Napatingin siya sa kisameng gawa sa pinagtagpi-tagping yero. Bumakas sa mga mata nitong itim na itim ang gitna ang kalungkutan. “Bakit lahat na lang yata ng kamalasan sa mundong ito ay binigay niyo sa akin? Binibigyan niyo lamang ba ako ng mga pagsubok o sinumpa niyo na na maging ganito ang buong buhay ko?” wala sa sariling sabi niya. Hindi niya napigilang sisihin ang nasa itaas dahil sa araw-araw na lamang na ginawa Niya, pangit ang nangyayari sa kanya sa eskwelahan. Mabuti na lamang sa trabaho ay okay pa naman kahit na wala naman sa kanyang pumapansin roon at ngayong nakauwi siya ng bahay, pangit pa rin ang nangyayari. Nagbuga siya ng hininga habang nakatitig sa kisame. “Sorry,” sabi nito. Huminga siya ng malalim. Aminado naman siya na napakalungkot ng kanyang buhay. Lalo na at nag-iisa lamang siya. Mabuti na nga lamang at nakakayanan niyang lagpasan ang araw-araw. Ang hirap rin kasi para sa kanya na nag-iisa. Naalis ang tingin ni Dominic sa kisame at napunta iyon sa maliit na bintana. Mula sa labas ay nakikita niya ang madilim na langit na puno ngayon ng mba bituin. Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi. Matatagpuan sa isang iskwater area ang bahay ni Dominic. Isang palapag lamang ito. Gawa sa kahoy na pinagtagpi-tagpi at yero ang bahay. Bulok na pero pinagtatyagaan niyang tirhan dahil ito lang naman ang kaya ng budget niya. Inuupahan niya ito sa halagang limang-daang piso kada buwan. Bukod pa ang tubig at kuryente. May ilaw, kamang gawa sa kawayan, mga gamit sa kusina, lamesang gawa sa bulok na kahoy at isang surplus na TV. Iyon lang ang gamit niya sa bahay na hindi rin naman niya madalas na ginagamit maliban lang sa ilaw at ilang gamit sa kusina. Ang malungkot pa sa buhay ni Dominic ay wala na siyang mga magulang at nag-iisa lamang siyang anak. Nagpakamatay ang kanyang ama dahil nalaman niyang may ibang lalaki ang nanay niya. Ang nanay naman niya, sumama sa lalaki nito. Nabalitaan na lamang niya na namatay ito dahil pinatay ng lalaking kinasama nito na isa palang adik. Nabalita naman sa TV na namatay naman ang lalaking kinasama ng nanay niya dahil sa oplan tokhang dahil nanlaban. Huminga ulit siya ng malalim. Sobrang lungkot ng buhay niya. Sobrang lungkot dahil nag-iisa lamang siya. Pero kailangang magpakatatag dahil kung hindi, baka pati siya ay mamatay na rin. Lumipas pa ang ilang minuto ay dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa matigas na kama at umalis roon. Lumabas siya ng bahay para bumili ng makakain sa kalapit na karinderya. Makikita sa lugar nila ang itsura ng pagiging iskwater dahil na rin sa ang daming tao, maingay, nagkalat ang mga bata, hindi maganda ang amoy ng lugar at higit sa lahat, bakas ang kahirapan. Pagkatapos bumili ni Dominic ng kakainin niya sa isang karinderya ay bumalik na siya sa bahay. Sinarado niyang mabuti ang pintuan. Lumapit siya sa isang maliit na mesa at kumuha ng plato at kubyertos. Nang makakuha nito ay inilapag niya iyon sa isa pang mesa at inilagay doon ang kalahating menudo at isang cup ng kanin. Inatras niya ang upuan na gawa sa kahoy saka siya naupo. Inabante niya iyon palapit sa mesa saka siya nagsimulang kumain. Tinitiis na lamang niya ang lasa ng pagkaing hindi masarap. Iyon lang kasi ang mura niyang mabibilhan ng pagkain sa lugar nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD