BANDANG ALAS - OTSO ng umaga ng magising si Marga, dahil sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. Hindi pala nito naayos ang kurtina ng bintana. Matagal siyang nakatulog kagabi dahil siguro namamahay ito, at hindi siya sanay sa malalambot na higaan. Hinahanap ng kanyang katawan ang maliit na katri na yari sa kawayan na kanyang nakasanayan. Nanatiling nakapikit si Marga, kahit gising na ang kanyang diwa. Pakiramdam niya na gumagaan ang kanyang pakiramdam sa kabila ng madilim na pinagdadaanan niya ngayon. May maganda pa rin pangyayari ang dumating sa kanyang buhay ang makilala ang totoo niyang ina. Tila may ibang bahagi ng pagkatao ang nabuo, noon marami siyang katunungan sa kanyang lola Milagros na hindi nito na bigyan ng kasagutan. Katulad na lamang ang tanong niya, kung sino ang kan