PROLOGUE
THE WAVE OF LOVE
PROLOGUE:
Ladies and gentlemen, thank you for coming tonight. Ngayong gabi ay makikilala na natin ang matagal nang nawawalang anak at ang nag-iisang tagapagmana ng late Senior Fernando Salameda. Ladies and gentlemen, please welcome, the new CEO of S and L CLOTHING LINE. The beautiful, sophisticated—Ms. Margaux Salameda.
"Margaux, tinatawag kana sa stage. Common its your time to shine," untag sa akin ni Ricardo.
Dahan-dahan akong tumayo at lumabas mula sa madilim na bahagi ng stage. I walked like a beauty queen. Nakatutok sa akin ang spotlight habang tinatahak ko gitnang bahagi ng stage.
Nakabibinging palakpakan ang sumasalubong sa akin. Kita ko ang inggit sa mga mata ng mga kababaihan na dumalo rito sa party. I am wearing a silver tube dress na may glitters na kumikinang sa bawat galaw ko at tinernohan ng six-inches silver heels.
Ang babaeng nakatayo ngayon ay malayo sa dating ako. Ang dating Marga na inaalipusta, inaalipin, at pinagtatawanan dahil sa isa siyang mangmang. Walang pinag-aralan at higit sa lahat ay niloko ng taong kaniyang lubos na pinagkakatiwalaan. Ang lalaking una niyang minahal—walang iba kung ’di si Carlos Miguel Vuenaventura.
Hindi mo na mababanaag ang kahinaan sa kaniyang katauhan ngayon, bagkus ay makikita mo na ang babaeng palaban at walang kinatatakutan.
“Good evening everyone. Your presence here tonight ay nagpapatunay kung gaano kabuting tao ang aking nasirang ama. Nakakalungkot isipin na hindi ko man lang nakasama ng matagal ang ama ko. But I will do my best para magampanan ko ang posisyon na ibinigay sa akin ng aking Ama. Thank you and enjoy the night. Cheers!”
Matapos kong mag-speech ay agad akong tumalikod at bumaba sa stage. Ngayon ko na sisimulan ang aking paghihiganti sa mga Vuenaventura. Sisiguraduhin kong matitikman nila ang pait ng aking paghihiganti.