Chapter 1
Taong dalawang libo, a kinse ng Hunyo, isang malakas na bagyo na pinangalanang Berting ang dumating. Nagdadala ito nang malakas na pag-ulan na rumaragasa sa mga kabahayan at nagbibigay ng takot sa mga residente ng buong bayan sa liblib na lugar sa Munisipalidad ng Sta. Fe, probinsiya ng Nueva Vizcaya.
Marami ang mga nagsisilikasan residenti. Ngunit nanatili sa kanyang maliit na kubo ang matandang si lola Milagros kahit na sa banta ng posibleng paguho ng lupa dahil nakatira ito sa paanan ng bundok. Ayaw nitong sumama sa mga taga baranggay sapagkat ay ayaw niyang makipagsiksik sa loob ng evacuation center, na tinalaga sa pamahalaan ng baranggay Sta Fe.
Hindi ito natatakot mamatay sapagkat matanda na ito at nag-iisa na lamang sa buhay. May isa itong anak na babae ngunit simula ng nakipagsapalaran ito sa malaking syudad ng Maynila ay wala na siyang balita rito. Kaya hindi na ito umaasang babalikan pa ng kanyang nag-iisang anak.
Isang malakas at sunod-sunod na katok ang bumubulabog sa mahimbing na pagkakatulog ng matanda. Bahagya nitong kinusot-kusot ang kaniyang mga mata. Sapagkat ito ay nanlalabo dala ng kanyang katandaan. Kinapa niya ang kanyang lumang salamin na nakapatong sa maliit na mesa nasa gilid ng kanyang hinihigaang papag na yari sa kawayan.
Dahan-dahan itong bumangon at nagtungo sa pinagsasabitan ng kanyang matulis na itak. Araw-araw niya itong hinahasa para gamitin panghabas ng damo sa kanyang malawak na gulayan.
"Abay! Sino ba 'tong walang modo na kakabubulahaw sa mahimbing kung pagtulog na halos gibain na ang pinto," aniya ng kanyang sarili.
Ilang sandali pa ay binuksan nito ang kanyang pinto. Nang mabuksan niya ito ay akmang hahambalusin nito ng kanyang dalang itak sa pag- aakalang masama itong tao, ngunit bigla itong napatigil ng bumungad sa kanya ang malakas na palahaw ng isang sanggol. Ang mas ikinagulat nito nang maaaninagan nito ang anyo nang babaeng na nakatayo sa kanyang pintuan.
"Marta, anak ko nagbalik ka!" tanging sambit nito at mabilis na binitiwan ang kanyang hawak na itak upang sugurin nang mahigpit ng yakap ang babae.
"Inay papasukin mo muna ako. Kanina pa kami basa at giniginaw," aniya ng babae.
Mabilis nitong tinanggal ang kanyang mga bisig na nakayakap sa kanyang anak. Niluwagan nito ang pagbukas sa pintuan ng kanyang kubo upang makapasok ng tuluyan ang babae.
Kinuha niya ang dating mga damit na naiwan ni Marta. Na nakatago lamang sa kanilang lumang baul.
"Anak, magbihis ka muna baka ikaw ay magkasakit. Akin na muna ang sanggol, ako na ang magpapatahan sa kanya," turan ni Milagros sa kanyang anak.
Inabot ni Marta ang hawak nitong sanggol sa matanda. Mabuti na lamang ay hindi ito nabasa. Nakabalot ito ng makakapal na jacket. Napangiti ang matanda sapagkat tumahan naman ito nagsimula na itong ihili.
"Marta, anak! Bakit ka ba napasugod dito sa ganitong "des-oras na ng gabi?" At nasa kalagitnaan ng masama ang panahon tapos may paslit ka pang dala? Paano na lang kung napahamak kayo?" nag - aalang turan nito sa anak.
"At kaninong bata itong dala mo? Nag asawa ka na ba?" muling tanong nito na may himig na pagtataka. Hindi nito inaasahan na may anak na ito. At sa tantiya niya nasa tatlong buwan pa lamang.
"Inay, patawarin mo ako kung bakit hindi kita nabalikan at hindi ko natupad ang pangako ko sayo. Hindi kita na bigyan ng magandang buhay," humahagulgul nitong saad habang hawak- hawak ang isang kamay ng kanyang inay.
Mula sa maliit na liwanag na nanggaling sa kanilang gasera, na nagsisilbing ilaw sa loob ng kanilang kubo, nababanaag nito na malaki na ang pinagbago ng anyo ng kanyang pinakamamahal na anak. Ang dating makinis at matambok na pisngi ni Marta ngayon ay malaki na ang ipinayat nito, may malaking itim na bilog sa ilalim ng kanyang mata at sabog ang buhok. Hindi na kailangan paitanong kung ano ba ang nangyari rito dahil unang kita palang ay batid mo na hindi maganda ang kinahihinatnan sa pagpunta nito ng Maynila.
Kahit gustuhin man sumbatan at pagalitan ang anak sapagkat hindi ito nakikinig sa kanyang mga paalala na huwag na nitong lumuwas ng Maynila. Lubhang napakahirap manirahan sa malaking syudad ng Maynila. Bilang isang ina ay nanaig parin ang pagkahabag sa sinapit ng anak at ang pagmamahal nito bilang isang ina.
"Tahan na anak kalimutan muna ang nangyari sapat na sa akin na nandito kana at binalikan mo ako," pag- aalo nito sa anak.
Kinabukasan ay nagising silang maaliwalas na ang kalangitan ngunit kitang-kita nito ang epekto sa hagupit ng kalikasan. Nagsisitumbahan ang malaking puno ng kahoy at lubog sa putik ang mga tanim na gulay ni lola Milagros .
"Mahabaging panginoon. Nasira na ang aking pananim. Wala na akong aanihin," maluha - luhang sambit ng matanda.
Pabalik pa lang ito sa kanilang kubo nang nakasalubong nito ang kanyang anak na si Marta bitbit ang sanggol.
"Inay, aalis na po ako, iiwan ko sayo si Marga. Hindi pwedeng manatili ako rito ng matagal. Ayaw kong pati ikaw madamay sa kagagahang pinasok ko."
Kahit naguguluhanKahit naguguluhan man ay tinanggap pa rin ng matanda ang sanggol na ngayon ay mahimbing nang natutulog.
"Marta, saan ka ba pupunta? At bakit kailangan mo pang- iwan ang anak mo?" Hindi na mapigilan magtaas ng boses ang matanda.
"Inay, sana patawarin mo ako sa gagawin kong paglisan muli at pag- iwan ko kay Marga sayo. Maniwala ka man hindi ko ginusto ang mga pinaggagawa ko ngunit wala na akong ibang mapagpipilian," lumuluhang saad ni Marta.
"Anak, anong ibig mong sabihin? Sabihin mo sa akin ang totoo at nang matulungan kita."
" Patawarin mo ako inay alam kung hindi ito ang buhay na pinangarap mo para sa akin. Ngunit sa pagkakataon na ito Inay, ito lang ang alam kong tama. Kailangan kong iligtas ang sanggol at sana huwag mo papabayaan si Marga," pagkakasabi nito ay tumakbo na ito papalayo.
"Paano ko bubuhayin ang batang ito? Wala akong sapat na pera para pambili ng gatas at ibang pang mga pangangailangan nito. Umaasa lamang ako sa aking pananim, ngunit ngayon tila pinaglalaruan ako ng pagkakataon at nasira ang lahat ng pananim ko."
Tila napawi ang lahat ng pag - alinlangan at pag-aalala na nararamdaman ng matanda nang makita nitong sumilay ang munting ngiti sa mahimbing na natutulog na napakagandang sanggol.