chapter 2

1066 Words
Mabilis lumipas ang panahon ang batang iniwan sa pangangalaga ni lola Milagros ay lumaking mabait at mapagmahal na bata. At hanggang sa ito ay nagdadalaga sa kabila ng hirap na kanilang nararansan ay may angkin ito hindi mapapantayan na kagandahan. Siya ang naging katuwang sa paghahanap buhay ni lola Milagros kasakasama niya ito saan man magpunta. Si lola Milagros ang tumayong ina at ama sa kanya kaya gay’un na lamang ang pasasalamat at pagmamahal nito sa matanda. “Lola, dito na lang kayo sa bahay natin ako na lang po ang mag aani ng gulay natin.” “Pero apo,marami ang gulay natin na aanihin baka maabutan ka pa ng gabi at hindi ka pa matatapos.” “Lola kaya ko naman po.Ako pa ba ?malakas yata itong apo niyo!.” “Ikaw, talagang bata ka puro ka kalokohan. Na hala, sige kung ‘yan ang gusto mo, mukhang kaya mo naman dito lang muna ako sa bahay, medyo sumasakit ang tuhod ko. Sumusumpong naman ito ng rayuma ko.” Natatawang tugon ng matanda. Mabilis ang lakad ni Marga papunta sa taniman ng kanilang gulay medyo may kalayuan sa kanilang kubo na nasa paanan ng bundok. Kailangan niyang magmadali upang maubos ang gulay na aanihin nito dahil bukas ibebenta niya ito sa kanilang lungsud. Nagdadala na lamang ito ng baon pananghalian kasi sayang naman ang oras na kanyang gugulin sa pag – uwi niya sa kanilang kubo. Pagdating ni Marga sa kanilang taniman ng gulay, inilagay nito ang kanyang dalang malaking basket at baon sa mesa na gawa sa kawayan. Pagkatapos isunoot na nito ang lumang jacket at nagsimula na nitong anihin ang kanilang mga pananim na gulay. Ito na ang nakinagisnang pamumuhay simula ng magkaroon ito ng muwang. Kaya sisiw lang sa kanya ang kanyang mga ginagawa. Bata pa lamang ito ay pangarap na nito ang makapag aral upang mabigyan niya ito ng maginhawang buhay ang kanyang lola Milagros, ngunit nanatili lamang itong pangarap ang lahat, sapagkat labing walong taong gulang na siya ay hindi pa rin ito nakatuntong sa paaralan. Tanging pagbibilang lamang ang kanyang nalalaman sapagkat iyon lamang din ang alam na maituturo ng matanda sa kanya dahil katulad din ito sa kanya hindi nakatuntong sa paaralan. Naging mabilis ang kilos ni Marga kaya bandang- alas tres pa lamang ng hapon ay natapos na ito sa pag-ani ng mga magulay. Dahil sa sobrang maputik at pagod ang kanyang katawan, kaya nagpasyahan nitong iiwan muna nito sandali ang kanyang mga inaaning gulay upang magtungo sa batis kung saan siya madalas maliligo. Walang takot na tinahak niti ang masukal at makipot na daan patungong batis, na matatagpuan sa kalagitnaan ng kakahuyan, at sakop na ng mga lupain ni Donya Estrella hindi naman ito nilagyan burbwire o ano mang bakod kaya malaya itong makakapunta rito. Pagdating nito sa may batis tila na pawi ang lahat ng kanyang pagod. Napangiti itong pinagmasdan ang buong kapaligiran, masasabing isa itong tagong paraiso na hindi pa napupuntahan ng ibang tao maliban kay Marga. Napapalibutan ng naglalakihang mga bato na may magandang hugis, ang malinis at dalisay ang tubig sa batis ay tila nag-aaya sayong maligo, pati na ang mga at ibat-ibang klaseng ligaw na bulaklak ay nakadagdag sa ganda ng tanawin. Luminga- linga muna siya sa paligid, nang makakasiguro na wala na itong tao ngunit alam naman niyang kahit kailan ay walang magagawi dito kaya walang pag- aalinlangang hinubad nito ang kanyang suot na maluwang na bistida at tanging pababang panloob lamang ang natitirang saplot sa katawan, dahil na sanay na kasi itong hindi magsusuot ng bra sapagkat si lola Milagros lamang ang kanyang nakakasalamuha sa araw- araw. Lumantad ang kanyang kahubdan ang mala porcelana nitong kutis .Tila ito isang diyosa na nagtatampisaw sa malinaw at malamig na tubig sa batis. Kahit labing walong taong gulang pa lamang ito litaw na litaw na ang magandang hubog ng kanyang katawan at may malulusog na din itong dibdib na may mapupulang corona, nakadagdag pa sa kanyang kagandahan ang maaalon at maiitim na hanggang beywang nitong buhok . Sa kabilang dako may isang taong naghahanap ng magandang subject sa gagawin niyang painting. Sa kanyang paglilibot ay nakaabot ito sa kinaroroonan sa may batis. Hindi nito akalain na may ganitong napakagandang nakatagong tanawin sa liblib na lugar. Nang ilapag at inihanda na nito ang kanyang mga gamit sa pagpipinta. “Wow!” tanging na sambit ng binata habang inilibot ang tingin sa mala paraisong lugar. “I’ve never seen this beautiful nature, sa isang liblib na lugar. So relaxing!” muling sambit nito. Ang mga huni ng ibon na tila umaawit ng lullaby naging musika sa kanyang pandinig na napakasarap pakinggan. Kung maglagay ka duyan dito tiyak na wala pang isang minuto makakatulog ka kaagad. Ngunit ang mas nakaagaw pansin ng binata ay ang mala crystal na tubig sa batis. Tila may buhay ito na kapag tumingin siya dito ay para siyang tinatawag upang maligo. May kung anong nag – uudyok sa kanya na maligo at magtampisaw. Kaya agad hinubad ng estranghero ang kanyang suot na baby blue shirt. At dahil sa may bandang itaas siya ay tinalon nito ang batis.. “Whoaaa!” Na pahiyaw ito ng sumalubong sa kanyang katawan ang malamig na tubig sa batis. Pakiramdam nito nawala ang pagod at stress sa kanyang katawan. Nagpatuloy itong malangoy sa malamig na tubig. Ngunit kapwa sila na pahiyaw ng tumama ang ulo nila sa isa’t-isa. “Aray!” sabay nilang hiyaw. Nanlaki ang mata ni Marga ng makita nito ang bulto ng lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. Hindi nito lubos na akalain na may nakakasabay s’yang naligo sa may batis. Agad tinakpan ni Marga ang kanyang malulusog na dibdib ng maalala na wala palang sapin ang kanyang pang-itaas na bahagi. Tila naman na hipnotismo ang lalaki sa kanyang nakikita isang napakagandang dilag, na nasa kanyang harapan. Walang salitang namutawi sa kanyang bibig. Ngunit hindi nito mapigilang hawakan ang mukha ng babae, hinawi nito ang mga ilang hibla ng buhok na nakatabon sa magandang mukha nito. Hinaplos nito ang gamit ang kanyang daliri ang bawat sulok ng mukha ni Marga. Napapikit naman si Marga sa ginawa ng estranghero, hindi nito maiintindihan ang kakaibang nararamdaman nito, tila may kung anonh nabuhay sa kanyang kaloob-looban ng maramdam nito ang mainit na haplos ng lalaki. Dahil sa hindi naman tumutoltol amg babae sa ginawa ng estranghero ay naging mapangahas itong angkinin ang mapupulang labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD