Agad niyang sinagot ang telepono. Habang ako naman ay nagdadabog sa inis. Dahil sa dami ng pinapagawa na hindi ko maintindihan kung ano ano talaga ang gusto niya. Nang biglang marinig namin siyang humahagulgol sa telepono. Di ko na rin pinakinggan ang mga sinasabi niya dala na rin ng galit ko. Tumayo siya pagkatapos ay ibinagsak nang malakas ang telepono. Nakahinga na naman sila sa opisina pagkasara ng pinto ng C.R. niya. "Nangyari roon kay Miss Aiko? Bakit parang umiiyak?" tanong ni Lily. "Drama lang ng babaeng 'yon. Oist Eric...ayos ka lang diyan? Halika muna rito," tawag ni Cecil kaya lumapit ako. "Kapag ganyan siya ay ipakita mo sa kanya lahat ng ni-research mo for 3 weeks. Kasi akala niya wala ka talagang ginawa. Nasa iyo pa ba 'yong ibang ni-research mo?" "Oo, Nasa akin pa. Bal