Chap. 1 "Seryoso"
PROLOGUE
Naninirahan sa Japan ang isang hamak na half-Russian at half-Filipino. Siya si Eric Lavinia Fuuka, ang tatay niya ay Russian ngunit matagal na itong wala sa buhay nilang mag-ina.
Kaya naman di na siya interesadong makilala pa ito dahil 'yon ang kabilin-bilinan sa kanya ng kanyang inay. Di pa kasi siya pinapanganak ay tinakasan na sila ng ama niyang Russian.
Kaya naman noong nagtrabaho ang inay niya sa Japan ay doon nakilala ang kanyang amain na Hapon. Nang lumaon ay ikinasal naman sa kanyang ina.
Hanggang sa lumaki siya at tinuring namang parang tunay na anak ng amain niyang Hapon na nagngangalang Kashi. Sinuklian naman niya ito ng magandang pakikitungo. Itinuring din niya itong parang tunay na Ama. May dalawa din siyang maliliit na kapatid na anak ng kanyang ina sa kanyang amain.
Naging isang Hafu siya o ang tinatawag na half-Japanese. Di naman siya gaanong dini-descriminate o nahihirapan sa eskwela dahil sa Euroasian siyang Hafu. Tingin kasi ng mga Hapon sa katulad niya ay half-Western Breeds o exotic faces kaya medyo interesado makisalamuha sa mga gaya niyang Mestisohing Hafu. Kaya bata pa lang siya, kahit babaeng Hapon ay nahuhumaling na sa kanya. Dahil maganda siyang lalake at may itsurang puwedeng-puwede hangaan ng kahit sino.
Fluent na si Eric mag-Japanese at marunong na din magbasa ng Japanese Kanji kaya napag-isipan ng pamilya niyang maging independent muna siya at ihiwalay na sa kanila kapag nakapagtapos na siya sa Japanese University.
Agad naman 'yon natupad. Dahil pagkatapos niyang mag-aral ay lumipat na rin siya sa bagong apartment. Humanap rin siya agad ng trabaho para tuluyang sanayin ang sarili na maging Japanese Independent Bachelor.
May isa siyang pinaka-passion sa buhay ngayon. 'yan ay ang pagpipinta. Ito kasi ang kinahiligan niya mula pagkabata. Magpinta nang magpinta at inspirado siyang makabuo ng sariling obra gamit ang kanyang mga kamay at imahinasyon. Pangarap sana niya magkaroon ng sarili rin niyang studio sa Japan para sa mga natatapos niyang obra at maging isang sikat na 'Artist' sa buong mundo.
Dahil na rin sa kaunti ang sahod niya sa pagpipinta ay tumira siya sa may kaliitang apartment na alam niyang kasya sa maliit niyang sahod. Mas lalo siyang nag-iipon para sa pangarap niyang studio.
Doon niya nakilala ang mga kaibigan niyang Pinoy na kapit-bahay din niya sa apartment. Hindi siya gaanong nahirapan sa kanila. Dahil bata pa lang siya ay kinakausap na siya ng kanyang ina gamit ang lengguwaheng Tagalog at hindi naman 'yon hadlang sa kapatid at sa amain niyang hapon na si Kashi. Di siya nahirapan makisalamuha sa kanila.
Ang mga kapit-bahay niyang pinoy ay sina Leo, Miguel at Dustin. Puro sila mga OFW. Di sila makapaniwala na Pinoy si Eric dahil noong una ay wala man lang bakas ng pagka-Pilipino niya sa angkin nitong itsura na kung uuwi raw siya sa Pilipinas ay malamang na kunin na siyang modelo o kaya artista dahil sa kaguwapuhan at kakisigan ng katawan niya. Wala namang balak si Eric umuwi sa Pilipinas kaya sinasakyan na lang niya ang pambobola ng mga kaibigan.
Mawala naman sa pagpipintura ay doon naman siya tutok sa pag-gy-gym. Kaya maganda at alaga ang kanyang pangangatawan. Vegan din siya at malinis din sa paligid. Pati na rin sa lahat ng bagaya dahil sa ito ang turo ng kanyang inay at ni Kashi.
Mas naging interesado rin siya sa kulturang Pinoy dahil sa palagi siya nakikinuod sa kapitbahay ng TFC o The Filipino Channel. Kaya pinangarap din niyang makapag-nobya ng Pinay balang araw. Nakagisnan na kasi niya ugali ng mga hapon na babae.
Nang makilala na niya ang pinsan ni Miguel na si Rosa Soberano. Isa ring OFW at kasalukuyang kasama ang pamilya sa Japan. Doon na nagbago ang lahat.
~~~
"Uy! Rosa, siyanga pala kapitbahay pala namin si Eric. Pinoy iyan. Ang guwapo niya nuh!" gigil na sabi ni Miguel.
"Konnichiwa (Hi), OFW ka rin ba tulad ni Kuya Miguel?" tanong niya.
"Konnichiwa, bijin desu yo ne! (Hi beautiful!) Hindi, dito ako lumaki. Isa akong Hafu," maayos kong tugon.
"Paano? May dugo ka rin bang hapon?" tanong niya muli at ngumiti na tila interesado sa pagkatao ko.
"Ay! Hindi nii-san (friend girl), iyong tunay kong ama ay Russian at ang nanay ko naman ay Pinay. Pero parang naging Japanese na rin ako dahil dito ako lumaki at nakapagtapos ng pag-aaral," ukol ko.
Simula noong araw na 'yon ay naging malapit na kami ni Rosa. Madalas magkausap sa cellphone o kaya ay magka-chat kami lagi sa f*******: Messenger.
Napag-alaman ko rin na medyo nahirapan siya sa mga napagdaanan niya rito sa Japan. Kasi dugong Filipino siya at sa Pilipinas ang trabaho ng kanyang magulang kaya madalas daw siya ma-bully noong elementarya siya rito sa Japan.
Ngunit umayos naman daw noong maging nasa Highschool na siya at All Girls lang ang estudyante at sa una lang daw mahirap.
Mula noon ay sinimulan ko na siyang ligawan. Binibigyan ng tsokolate at rosas. Pinapasyal ko siya kahit saan. Sundo't hatid ko siya sa bahay nila. Inaaya makipag-date kapag bakante ang oras ko.
Mas naging madali sa akin dahil nga sa pinsan lang siya ni Miguel. Di naman ako nagkamali sa pagpupursigi ko dahil sa sinagot na nga niya ako at naging opisyal kaming magkasintahan.
Dahil sa kanya ay naging inspirado ako sa aking pagpipinta. Lagi ko siya ginuguhit dahil masaya ako simula nang naging nobya ko na siya.
Dumating ang araw na nasa tamang edad na kami. Dahil umabot na ako sa edad na dalawampu't-pito at siya naman ay dalawampu't-lima na. Nakatatlong taon na kami sa aming relasyon. Aminado ako na kaya ko siya gusto ay dahil malinis ang puri niya bilang babae.
Sa madaling salita ay birhen pa siya. Ayaw niya muna ibigay sa akin ang iniingatan niyang puri hangga't hindi pa raw kami nakakasal. Kaya naman pinaplano ko noon pa na ayain na siyang magpakasal. Dumalaw ako sa bahay ng pamilya ko para ipaalam na ang plano ko.
"Otousan, kekkon suru yotei desu! (Ama, balak ko na pong mag-asawa!)," hiling ko.
Biglang nagkatinginan sila ni inay pagakatapos ay sabay na dumating 'yong dalawang maliliit kong mga kapatid at niyakap ako't nakipagkulitan. Binigyan ko sila ng mga sorpresang laruan na ikinasigla pa nila habang buhat-buhat ko sila.
"Toshi tottemasu ne. Ii ketsui da to omoimasu. (Sige, tumatanda ka na din naman. Magandang desisyon yan) ," sagot ng Hapon kong amain.
"Anak, bigyan mo na rin kami ng apo. Ilang taon ka na nga pala? Mas gumuguwapo ka ata anak," ani ni Inay sabay sinuot ang salamin dahil na rin sa katandaan.
Masaya ako at tanggap nila ang desisyon ko na mag-asawa na. Dahil na rin sa pa-sekreto ko 'yong tinatago sa pinakamamahal kong si Rosa. Dapat paghandaan ko talaga ang proposal ko sa kanya.
Sumakay ako ng tren mula Yokohama papuntang Tokyo.
Pagdating ko ay itinuloy ko na ayain sa date si Rosa na tila di napapagod ang aking katawan dahil sa siglang nadarama.
Dumaan muna ako sa apartment para lang kunin 'yong isang ipininta kong obra na mukha ni Rosa sa isang malaking 'frame canvass' bilang isang sorpresang regalo sa kanya at bumili na din ng bouquet ng bulaklak.
Hanggang sa magkita na kami sa Shou Tsukiji Sushi Restaurant.
"Ohayo! Bakit ang tagal mo?" tanong niya sa malambing na boses.
"Pasensya na. Na-traffic lang. Nag-taxi kasi ako. Kumusta ka na?" sagot ko. Nang hahalikan ko na siya ay tumanggi siya na tila galit at nagtatampo.
"Ayoko ng ganyan. Saka ano ba 'yang dala mo?" sabi niya ng nakasimangot.
Bigla kong binuhat 'yong malaking painting canvass at inalis ang nakatakip na diyaryo. Ngunit wala man lang siyang reaksyon na tila naiinis pa.
"Ano ba yan Eric? Puro ka na lang pagpipinta! Wala ka bang ibang pangarap sa buhay? Ang hina ng kita ng pagpipinta ngayon. Sawa na ako! Humanap ka ng bagong mong trabaho. Di ba sabi mo papakasalanan mo ako balang araw. Puro ka paasa! Saka ano ibubuhay mo sa amin kung sakaling napakasalan mo na ako? Ang mga tinta at brotsa mo sa pagpinta? Ayoko na maging pintor ka na lang habambuhay. Pakiusap naman, intindihin mo ang sinasabi ko at sundin mo ako para sa ikabubuti mo at natin..."
Tumayo ito at nag-walk out sa harapan ko ng hindi man lang kinuha 'yong regalo ko sa kanya.
Oo, alam ko naman na ayaw niya sa mga gusto ko gaya ng pagpipinta. Mahina daw kasi ang kita.
Hindi ko alam kung ano ang mas susundin ko. Passion ko ba o siya na mahal ko?
Pinag-isipan ko na lang mabuti. At dahil mahal ko siya ay napagpasyahan ko na lang na subukang maghanap ng bagong trabaho.
Ibang klase kasi kapag ang nahanap mong babae ay birhen at papakasalan mo pa ito. Dahil ikaw ang nakauna at wala ninuman ang nakahawak o nakagalaw. Ibig sabihin ay 'yong-iyo pa siya.
Ayoko ng parang kutsarang disposable na pagkatapos mo gamitin ay itatapon mo lang sa basurahan. Iba pa rin ang stainless na kutsara. Parang babae. Bihira lang kasi rito sa Japan ang ganyan.
'Yan din ang rason, kaya ko rin mahal si Rosa. Nakareserba puri niya para lang sa akin dahil mahal niya ako.
Pumunta na lang ako sa bahay niya ng gabing-gabi na. Inilapag ko 'yong Canvass na regalo ko sa harap ng pinto ng bahay nila saka umalis.