CHAPTER 8 “HE REMEMBERS”

1713 Words
“BILISAN mo nasa ibaba na sila at hinihintay tayo,” si Ara na tapos na sa pagliligpit ng mga gamit. “Bakit ang bilis naman nila?” hindi man niya aminin pero nagsisimula nang kumabog ang dibdib niya sa abnormal na paraan pero pinipilit niyang ignorahin. “Hindi na importante iyon, gutom na gutom na ako,” ang sa halip ay winika ni Ara. Tumawa lang ng mahina si Jenny sa narinig niyang iyon saka na tumayo. Habang tinatahak nila ang hagdan pababa ng gusali ay pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili. Pilit niyang ginagawang normal ang mga kilos niya ang kahit papaano naman ay nagawa niya iyon. Kung mayroon man siyang hindi nagawang kontrolin, iyon ay ang malakas na kabog ng dibdib niya.At lalong nagtumindi iyon nang matanawan ng tuluyan ang isang lalaking para sa kaniya ay ang pinaka-gwapo sa lahat ng nakita niya. “Hello, sorry kung pinaghintay namin kayo,” si Ara nang makalapit sila. Nakita niyang sa kaniya kaagad natuon ang paningin ni Jason at kinilig siya doon. Iba talaga ang magnet na taglay ng mga mata nito. At kahit yata hindi na siya matulog okay lang. Lalo na kung ganito kaganda ang mga mata na pagmamasdan niya. “It’s okay,” si Jason na ngumiti kay Ara na sinulyapan nito pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa kaniya. “so, siya pala ang sinasabing mong kaibigan mo?” pagpapatuloy nito saka muling pinaglipat-lipat ang paningin sa kaniya at kay Ara. Tumango si Ara. “Oo, siya si Jenny. Jen, meet Jason and Daniel,” pagpapakilala pa ni Aa. “Kumusta ka?” si Daniel ang unang nag-abot ng kamay nito sa kaniya habang nakangiti. “I’m good, nice to meet you guys,” sagot niya. Lihim pa nga niyang binati ang kaniyang sarili dahil sa kabila ng matinding kaba na kaniyang nararamdaman ay nagawa parin niyang normal ang pagkakadeliver ng kaniyang pangungusap. “Natatandaan kita, ikaw iyong sa library hindi ba?” si Jason na iniabot ang kamay sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay mabilis na nakaramdam si Jenny ng pag-aalinlangan. Kung tatanggapin ba niya o hindi ang kamay ni Jason. But eventually ay mas pinili parin ng dalaga ang tama. Tinanggap niya iyon sa kabila ng matinding discomfort na nararamdaman niya. “Let’s go?” si Daniel iyon. Noon sila tuluyang na ngang lumakad. Palabas na sila ng gate ng universty nang biglang magsalita si Ara. “Talaga? Nagkita na kayo dati? Magkakilala na kayo noon pa?” ang magkakasunod na tanong ni Ara. Hindi siya nagsalita. Inisip kasi niya na baka sagutin ni Jason ang tanong na iyon at hindi nga siya binigo ng binata. “Hindi formally pero yes, nagkita na kami dati sa library. Natandaan ko nga ang pangalan niya kasi tiningnan ko iyon sa library card niya nung kumuha siya ng gamit sa baggage counter,” paliwanag ni Jason saka umagapay sa kaniya sa paglalakad. Hindi umimik si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Binigyan lang niya ito ng isang nahihiyang ngiti pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa daan na nilalakaran. Hindi niya alam kung dahil ba sa iyon ang unang beses na sumabay siya sa mga ito pero naging totoong maasikaso sa kaniya si Jason. Ganoon rin naman ito kay Ara kaya ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang lahat ng kabaitan na ipinakikita nito dahil iyon pa lamang kung tutuusin ang una nilang pagkikita. Pabalik na sila sa school nang magkaroon sila ng pagkakataon ng binata na magkasarilinan. Siya kasi ang sinabayan nito sa paglakad habang si Daniel naman ay si Ara. “Saan ka umuuwi?” tanong ni Jason sa kaniya. “Hindi ka ba nahihirapan diyan sa bitbit mong paperbag? Ibigay mo sa akin, ako na ang magdadala,” anito pang umakma na kukuhanin sa kaniya ang dala niyang paperbag. “Ay naku huwag na, okay naman ako hindi naman ito mabigat. Mga libro ko ito,” sagot niyang inilayo sa binata ang kamay niyang may bibit na bag. “Tsk, ibigay mo na sa akin iyan,” pamimilit nito kaya sa huli ay wala narin siyang ibang nagawa kundi ibigay ang gusto nito. “saan ka pala umuuwi?” Narinig na niya kaniya ang tanong na iyon mula sa binata. Pinili lang niyang huwag sagutin dahil sa discomfort na nararamdaman niya. Pero dahil nga sa mukhang interesado talaga itong malaman ang sagot niya ay wala na siyang iba pang choice kundi ang sagutin iyon. “Malapit lang, isang sakay lang ng jeep. Pero minsan kapag medyo may time pa ako at hindi naman nagmamadali nilalakad ko lang,” aniya. Tumango si Jason. “Ganoon ba?” Hindi na siya nagsalita at sa halip, katulad ng madalas niyang gawin ay nginitian lang niya ang binata. Napakagwapo talaga ni Jason. Moreno, magaganda ang maiitim nitong mga mata, makakapal ang mga kilay, mahahaba ang pilik mata, maganda ang pagkakatangos ng ilong at kulot ang itiman nitong buhok. Manly ang aura ng binata na binagayan ng height nitong sa tingin niya ay nasa anim na talampakan. Maganda ang pangangatawan at obvious iyon sa suot nitong school uniform. “Mahiyain at tahimik ka talaga ano? Sorry ah, napansin ko lang kasi,” ilang sandali pagkatapos ay iyon ang narinig niyang tinuran ni Jason. Hindi napigilan ni Jenny ang mabini at mahinang tawa na naglandas sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong na iyon ng binata. Pagkatapos ay tumango siya bilang pagtugon sa tanong na iyon ni Jason. “Pasensya ka na, bored ka na ba?” aniya pa. Umiling ang binata. “Okay lang, sa ganda mong iyan, kung ang pagiging tahimik mo lang at pagiging mahiyain, kayang-kaya kong tolerate,” anito sa mabait na tono habang ngiting-ngiti. Naramdaman ni Jenny ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi dahil sa sinabing iyon ni Jason. Hindi naman bago sa kaniya ang ganoong klase ng compliment, pero dahil narin sa nanggaling iyon kay Jason, sa pagkakataong ito ay hindi niya napigilan ang maapektuhan. ***** AMUSE na pinakatitigan ni Jason ang magandang mukha ni Jenny. Aware siya sa lihim na feelings niya para kay Ara, pero sa kabila ng katotohanan na iyon may something kay Jenny na hindi niya kayang ipaliwanag. At kailangan rin niyang aminin na para sa kaniya, ito ang pinakamagandang babae na nakilala at nakita niya. Totoo iyon. Sa unang pagkikita pa lamang ay napansin na niya ito kaagad at iyon ang dahilan kung kaya hindi niya napigilan ang sarili niyang tingnan ang pangalan ng dalaga sa library card nito kahit pa nakikita iyon ni Jenny nang gawin niya. Maganda si Ara, lalo na ang mga mata nito at maging ang blonde nitong buhok. Pero iba ang kagandahan na taglay ni Jenny. Ito ang tipo na kung tawagin ay timeless beauty dahil hindi ito nakakasawang pagmasdan at kahit mag-age ang dalaga alam niyang mananatili ang kagandahan na iyon. Matangkad rin si Jenny. Kung tutuusin umabot pa ng lampas sa kaniyang balikat ang height nito na sa tantiya niya ay nasa five feet and six inches. Maputi at napakaganda ng kutis na naggo-glow kapag nasa arawan ang dalaga. Ang buhok nito ay maitim pero malalaki ang curls sa banda ilalim na may haba na hanggang sa itaas ng baywang ng dalaga. “Ang ganda ng buhok mo, parang buhok ni Goldilocks,” nang hindi makatiis ay minabuti niyang sabihin na iyon. “Salamat, namana ko iyan sa nanay ko,” sagot nito saka tipid na ngumiti. “Saan ka nga pala mag-stay? Babalik ka na ba sa classroom ninyo?” tanong ulit niya. Umiling si Jenny. “Sa library, magbabasa para sa next lesson. Saka may tinatapos rin kasi akong research para sa report ko next week.” “Ang sipag mo naman palang mag-aral,” aniya sa humahangang tono. “Kailangan eh, para hindi mawala ang scholarship ko,” sagot nito. Lalong nagtumindi ang paghanga na nararamdaman ni Jason dahil sa narinig na sinabing iyon ni Jenny. “Scholar ka pala?” Tumango si Jenny. “Oo, full ang scholarship na ibinigay sa akin nitong school. Kaya kailangan kong pagbutihan ang pag-aaral ko para makapagpatuloy ako ng pag-aaral dito. Kasi kung hindi baka hindi na ako makapag-aral. Pero syempre dahil gusto kong maka-graduate, maghahanap nalang siguro ako ng state university na pwede kong lipatan kung sakaling mangyari iyon. Pero huwag naman sana,” ang mahabang salaysay ni Jenny na sinundan pa nito ng mahinang tawa. “Wow, nakaka-impress ka, ilan nalang ba ang mga babaeng kagaya mo sa panahon ngayon?” totoo iyon sa loob niya. “Salamat,” ang tanging isinagot ni Jenny sa sinabi niyang iyon. ***** ANG lunch na iyon ang naging simula ng pagiging malapit nila ni Jason sa isa’t-isa. May mga pagkakataon pa nga na nakakasabay na niya ito ng solo sa pagkain ng lunch lalo na kapag parehong on-duty pa sina Daniel at Ara. “Jen!” Isang araw na nasa library siya at abala sa pagbabasa ng libro. Automatic na ang naging pagkabog ng kaniyang dibdib dahil sa pamilyar na tinig na iyon. “Jason!” aniyang nagtaas ng ulo saka nakangiting pinanood ang paglapit ng binata ng binata sa mesang okupado niya. “Busy?” tanong nitong naupo sa katapat niyang silya. Nagkibit siya ng mga balikat. “Lagi naman eh,” aniyang tumawa ng mahina, “Nag-meryenda ka na ba?” tanong nito sa kanya. Magkakasunod na umiling si Jenny. “Busog pa naman ako,” aniya. “Halika meryenda tayo. Libre ko,” alok ni Jason sa kaniya. “Naku huwag na, okay lang ako,” tanggi ng dalaga. Sa maraming pagkakataon kasi simula nang maging malapit silang dalawa ay palagi nalang sinasagot ni Jason ang pagkain niya sa tuwing sabay silang kumakain ng lunch o kaya ay meryenda. “Tsk, nahihiya ka parin ba sakin hanggang ngayon? Halika na?” pagpupumulit ni Jason sa tono na kabisado na ng dalaga. “Okay, pero mas maganda kung this time libre ko,” ang naisipan ni Jenny na sabihin. Umiling ng magkakasunod si Jason sa sinabi niyang iyon. “Maliit na bagay, basta gusto ko lang samahan mo ako, iyon lang sapat na.” Wala nang naisipan na pwede pang isagot si Jenny sa sinabing iyon ng binata. Masyado na siyang masaya at wala na siyang makitang iba pang dahilan para tanggihan ang gusto nitong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD