CHAPTER 9 “NO ONE CAN HAVE HER”

1882 Words
PRESENT DAY... “ANG lakas rin naman ng loob mo para magpakita pa sa akin. Pagkatapos ng ginawa mong panloloko sa anak ko?” ang galit na galit na winika ni Rowena kay Ryan. “Please naman po makinig kayo sa akin, mahal na mahal ko ang anak ninyo,” ang tanging nasabi niya. Alam naman niyang mali ang ginawa niya. Matagal na siyang kasal sa asawa niya pero hindi pa niya naramdaman ang klase ng kaligayahan na naramdaman niya sa piling ni Jenny. Iyon ay sa kabila ng katotohanan na walang nangyayari sa kanila maliban sa simpleng paghahalikan. Pero kailangan parin niyang aminin sa sarili niya na matagal na niyang pinagnanasaan si Jenny. Napakaganda nito. Napakakinis ng kutis at napakabango. Iyon ang dahilan kaya palagi ay mabilis na nagigising ang libido niya sa mga pagkakataon na maghahalikan silang dalawa. “Wala na akong kailangan pang marinig na kahit ano tungkol sa iyo. Mas mabuti pa umalis ka na, hindi ka kailangan ng anak ko. Bumalik ka na sa pamilya mo, sila ang mas higit na nangangailangan ng pagmamahal at presensya mo, hindi si Jenny,” ang ina ni Jenny sa tono nito na may pinalidad. Hindi na kumibo si Ryan. Noon siya tumalikod at naglakad pabalik sa nakaparada niyang kotse. Nauunawaan niya na bilang isang ina ay natural lang na magalit sa kaniya si Rowena. Pero bilang isang lalaking labis na nagmamahal, hindi niya matanggap na natapos ang lahat ng mayroon sila ni Jenny ng ganoon nalang. Hindi siya papayag. Hindi siya titigil at babawiin niya ito. Kaniya lang si Jenny at kung walang pwedeng humadlang sa pagmamahalan nilang dalawa. Wala siyang pakialam masira man ang pamilya nila. Hindi niya kasalanan kung huli na silang nagtagpo. May mga pag-ibig naman talaga na katulad nito, kailangang ipaglaban. At ganoon ang gagawin niya. Isipin pa lang niya na hindi siya ang lalaking balang araw ay makakasama ni Jenny hanggang sa pagtanda ay halos mabaliw na siya sa selos. Mahal na mahal niya ito. At alam niyang dahil sa nararamdaman niya, hindi siya makapapayag na may ibang lalaking pwedeng pumalit sa kaniya. Kung hindi siya gagawan ng paraan alam niyang mangyayari iyon. Pwedeng hindi ngayon o hindi sa susunod na taon. Pero kapag nagpabaya siya, mag-aasawa si Jenny, magmamahal ng ibang lalaki at hindi niya iyon gusto. Ngayon pa lang nasasaktan na siya. Ngayon pa lang nararamdaman na niya ang hapdi sa puso niya. “Akin ka, akin ka lang Jenny,” bulong niya bago pinatakbo palayo sa lugar na iyon ang kaniyang kotse. ***** MAGKAKASUNOD na katok sa pinto ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Jenny. Pupungas-pungas ang mga mata siyang bumangon saka tinungo ang pinto. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga nang makilala kung sino ang kumakatok. Noon nga tuluyang nawala ang nararamdaman niyang antok. “Sinabi ko naman sa’yo na hindi ako kakain ng lunch hindi ba?” ang naiinis niyang sabi saka nakasimangot na pumasok at naupo. Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan ni Jason nang sundan siya nito. “Pasensya ka na, napag-utusan lang ako,” paliwanag nito. “halika na,” dugtong pa nito sa tono na hindi niya nagustuhan dahil bukod sa parang minamadali siya ay tila ba wala siyang karapatang tumanggi sa gusto nitong mangyari. “Tumigil ka nga, at huwag mo akong bigyan ng authoritative tone na ganyan, hindi mo ako girlfriend o asawa na pwede mong manduhan!” nanlilisik ang mga mata na winika niya. Umiling ng magkakasunod si Jason at lalong nakaramdam ng pagkapikon doon si Jenny. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa galit siya sa binata o dahil sa pagkakaputol ng masarap na tulog niya. “Huwag ng matigas ang ulo, sumunod ka nalang,” giit nito na lalong nagpataas ng kilay niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Saka huwag mo akong manduhan, umalis ka na kasi magpapahinga pa ako,” pagtataboy niya sa binata. Noon humakbang si Jason palapit sa kaniya na kaniyang ikinabigla kaya siya mabilis na napatayo. “A-Anong gagawin mo?” tanong niya sa kinakabahan niyang tanong rito. “Sasama ka sa akin ng maayos o bubuhatin kita?” sa tono ng pananalita ni Jason alam niyang hindi siya mananalo rito kaya tutol man sa kalooban niya ay wala na ngang iba pang nagawa si Jenny kundi ang ibigay ang hinihingi nito. “Hindi ko nakita ang side mong iyan noon. Dati palagi kang malambing, gusto mo palagi mo akong kasama pero ngayon parang kahit sulyap lang ayaw mong ibigay sakin,” habang naglalakad sila patungo sa malaking bahay ay iyon ang isinatinig ni Jason. “Noon kasi tanga ako, kaya nabilog mo ang ulo ko. Come on Jason, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, sa tingin mo ba wala pa akong sapat na dahilan para magbago?” ang sarkastiko niyang tanong sa binata. Hindi na sumagot si Jason sa sinabi niyang iyon at lihim iyong ipinagpasalamat ni Jenny. “Ang sabi ni Jason wala ka raw sa mood kumain hija? May sakit ka ba?” ang agad na ibinugad na tanong sa kaniya ni Mama Loida. Umiling muna si Jenny bago ngumiti. “Wala po, pagod lang po siguro ako,” pagdadahilan pa niya. Mabait na ngumiti ang ginang sa kaniya. “Kung kailangan mo ng kausap anak, nandito kami ni Jason para sa’yo,” anitong ginagap pa ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. Humaplos sa puso ni Jenny ang sinabing iyon ni Mama Loida kaya hindi niya napigilan ang mapangiti pati narin ang sulyapan si Jason na nakaupo sa upuan katapat ng okupado niya. At katulad ng dati nakatingin ito sa kaniya. Ang mga mata ng binata nangingislap pero hindi niya kayang tukuyin ang magkakahalong emosyon na nakikita niya sa mga iyon. “Salamat po,” ang tanging naisipan niyang sabihin. “Oo nga pala, hindi ba nasabi mo chef ka?” si Mama Loida ulit iyon nang makapagsimula na silang kumain. Tumango siya ng magkakasunod saka sinulyapan ang ginang. “Bakit po?” Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sunduin siya ni Jason sa cabin niya kanina ay nagsalita ang binata. “Birthday kasi ni Nanay sa Sunday, gusto niyang magpatulong sayo sa pagluluto,” “Ganoon ba? Sige Mama Loida, basta para sa’yo, walang problema,” ang masigla niyang sagot saka pinaglipat-lipat ang paningin kay Jason at sa ina nito. Maganda ang pagkakangiting nagbuka ng bibig si Mama Loida para magsalita. “Naku maraming salamat naman kung ganoon hija. Kung okay lang din sa’yo ikaw na ang bahalang mag-isip ng pwedeng lutuin, tutal ikaw ang mas marunong,” anito pa. “Sige po,” sang-ayon niya. Natapos ang pananghalian na iyon na hindi na muli pang nagsalita si Jason at sa halip ay nanatiling nakikinig nalang sa usapan ng ina nito. ***** “GAANO ba karami ang bisita sa birthday ni Mama Loida?” tanong niya kay Jason pagkatapos nilang kumain ng pananglian at niyaya siya ng binata na magkape sa terrace na bahay nito. Tiningnan muna siya ng binata saka humigop ng kape sa hawak nitong mug bago nagbuka ng bibig para magsalita. “Ang alam ko walang bisita,” anitong tumawa pa ng mahina saka magkakasunod na umiling dahil marahil sa amusement na nararamdaman nito para sa sarili nitong ina. Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Jenny sa narinig. “Ano?” Tumango-tango si Jason. “Every year nagpi-prepare si Nanay ng isang private special dinner para sa aming dalawa. Syempre kasama narin doon si Aling Malou,” paliwanag sa kaniya ng binata. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy si Jason sa iba pang gusto nitong sabihin. “At dahil gustong-gusto ka niya siguradong kasama ka sa birthday dinner niya this year. Kaya nga nagpapatulong siya sa’yong magluto kasi gusto ka niya,” paliwanag ni Jason sa kaniya. Dahil sa mga sinabing iyon ni Jason na malayang na-absorb ng puso ng dalaga ay hindi niya napigilan ang mapangiti. “Well the feeling is mutual, gustong-gusto ko rin siya,” pagsasabi niya ng totoo. “Matagal ka nang gusto ni Mama, alam mo ba sa picture ka palang niya nakita noon ganiyan narin ang naging reaksyon niya?” “Anong ibig mong sabihin?” taka niyang tanong. Totoong napukaw ng sinabing iyon ni Jason ang kaniyang curiosity. Nagkibit muna ng balikat nito ang binata bago muling humigop ng kape sa mug nito. “Are you sure gusto mong malaman ang sagot?” sa tono ng pananalita ni Jason mukha humihingi talaga ito ng approval sa kaniya. At hindi iyon gagawin ng binata kung walang posibilidad na masira ang magandang mood na mayroon siya ngayon. “Sa tingin mo ba?” tanong-sagot niya sa binata. Hindi man niya aminin pero talagang curious siya at parang may kung anong maliit na boses ang nagdidikta sa kaniya na alamin ang totoo mula sa binata. “Ikaw, ang inaalala ko kasi baka bigla ka na namang magalit sakin eh,” amuse na sagot ni Jason saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. “B-Bakit naman ako magagalit?” Kahit kung tutuusin may kutob na siya kung tungkol saan ang sinasabi ni Jason ay pinili parin niyang itanong iyon. Hindi dahil sa kung anumang kadahilanan kundi mas lalong higit sa katotohanan na iyon lang ang naisipan niyang itanong dahil parang bigla ay nawalan ng kapasidad ang utak niya na mag-isip ng salitang pwedeng sabihin. “Okay, sandali lang ah,” ang binata na ibinaba ang hawak na mug sa center table na yari sa kahoy pagkatapos ay pumasok sa loob ng kabahayan. Hindi naman nagtagal at bumalik narin ito. “Come here,” anitong tinapik ang bakanteng bahagi ng loveseat kung saan ito nakaupo. Alangan man ay minabuti narin ni Jenny na sundin ang sinasabi ng binata. Naupo siya sa tabi nito pero katulad nang ginawa niya kaninang umaga, naglagay siya ng tamang espayo sa pagitan nilang dalawa. Nang makaupo ay noon niya napansin ang hawak ni Jason, isang pitaka. Binuksan ng binata ang hawak nito saka kinuha ang mula roon ang isang maliit na prayer book. Napangiti si Jenny. Mayroon din kasi siyang ganoon sa wallet niya. “Oh, bakit ka nangingiti?” Hindi niya napansin na tinitingnan pala siya ni Jason. “Ah, wala!” aniya. “Ows?” ang hindi kumbinsidong tugon ni Jason. Nahihiyang natawa ng mahina si Jenny. “Iyon kasing prayer book, may ganyan din kasi ako sa pitaka ko,” pagsasabi niya ng totoo. Nang lingunin niya si Jason noon niya nakita ang magandang kislap sa mga mata nito. Pati narin ang pag-aliwalas ng aura ng binata dahil sa sinabi niya. Nang hindi ito magsalita ay hindi wala narin siyang ibang sinabi. Sa halip ay pinanood niya ito nang buklatin ang maliit na prayer book para kunin ang isang maliit na litrato at iniabot sa kanya. “Itinago mo pala ito?” ang hindi niya makapaniwalang tanong habang pinagmamasdan ang mas batang version niya. “Bakit naman hindi?” si Jason sa mababa ngunit buo nitong boses. Hindi niya man maamin pero nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kabuuan niya ang tono na ginamit ni Jason. Napalingon siya sa binata. Noon lang niya napansin na napakaliit nalang pala ng distansyang mayroon sa pagitan nilang dalawa kaya naging madali nalang para sa rito ang yukuin siya upang tuluyangn angkinin ang kaniyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD