CHAPTER 5 “BREAKFAST INVITE”

1488 Words
SA matalinong paraan ay pinili ni Jenny na pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Jason. At hindi naman siya nahirapan na gawin iyon dahil nang maramdaman marahil ni Daniel ang pagtatangka niya ay kusa namang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kaniya. “Kumusta ka na?” ang agad na itinanong sa kaniya ni Jason nang magtagpo ang paningin nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya sa paraan na tila ba ayaw pa nitong bitiwan iyon. Nahihiya ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jenny. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang iyon ay ang kakatwang kaba na unti-unting binubuhay ng binata sa kaniya simula pa kanina. “I’m good,” ang tipid niyang sagot saka binawi ang kamay niyang nanatiling hawak parin nito. Nangingislap ang mga mata ni Jason sa labis na kasiyahan. Sa ibang pagkakataon, marahil kung walang nangyaring hindi maganda sa kaniya at kung wala ring nangyaring hindi maganda sa pagitan nilang dalawa noon baka ikatuwa niya ang nakikita niya ngayon. Pero dahil nga siguro sa lahat ng pinagdadaanan niya parang hindi lubusang nagsi-sink in sa kaniya ang lahat. “I’m sorry about your coffee. Halika, sumabay kana sa amin ni nanay na mag-agahan,” kapagkuwan ay yakag nito sa kaniya. Noon parang natauhan si Jenny. “Naku hindi na, okay lang ako. Bibili nalang ulit ako ng kape,” tanggi niya sa alok ni Jason. Magkakasunod na umiling ang lalaki. “Matutuwa si nanay kapag sinabayan mo kaming mag-agahan. Alam mo bang simula pa nung araw na dumating ka dito wala na siyang ibang naging bukambibig kundi ikaw?” Sa narinig ay nagtatanong ang mga matang tinitigan ni Jenny ang binata. “What do you mean?” “Mamaya ko na ikukwento sa’yo,” anito sa isang masigla ngunit pinal na tinig. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy si Jason. “Let’s go? Kanina pa ako tinatawagan ni nanay, for sure galit na sa akin iyon kasi pinaghintay ko na naman ang pagkain,” anitong sinundan pa ang sinabi ng mahinang tawa. Hindi na kumibo si Jenny sa sinabing iyon ni Jason at sa halip ay nagpatianod nalang sa gusto nitong mangyari. Habang naglalakad sila pabalik sa lugar na pareho nilang pinanggalingan ay mas pinili ni Jenny ang manahimik. Hindi naman dahil sa wala siyang masabi, ang totoo kasi hanggang ngayon ay parang hindi parin siya makapaniwala na sa lugar kung saan niya inisip na makikita ang katahimikan ay doon pala niya matatagpuan ang isang nakaraan na nag-iwan ng napakalalim na sugat sa kaniyang puso. ***** “SAAN kaba nanggaling at ang tagal mo?” iyon ang narinig ni Jenny na naging pagsalubong ni Mama Loida kay Jason. “Huwag ka nang magalit nay, nakakahiya naman sa kasama ko,” sagot naman nito saka siya nilingon. “Hija, mabuti naman at naisipan mong tanggapin ang paanyaya ko,” ang ginang na nilampasan ang anak at masaya siyang nilapitan at hinawakan sa kamay. Hindi napigilan ni Jenny ang mapangiti sa ginawing iyon ni Mama Loida. Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil ang lahat ng iyon ng maunahan siya ni Jason sa pagsagot. “Nagkita kami sa labas nay, nagkabungguan kami,” anito. Kung hindi siya nagkakamali ay parang nakaringgan niya si Jason na binigyang diin ang salitang nagkabungguan. Pero dahil nga hindi naman siya sigurado doon ay minabuti ng dalaga na walain na lamang iyon sa kaniyang isipan. “Plano ko po talagang maglakad-lakad,” pagsasabi niya ng totoo. “Ganoon ba? O di sige, tutal ikaw naman ang may kasalanan ng lahat,” si Mama Loida na hinarap si Jason. “mamaya ipasyal mo si Jenny. Samahan mo siya kung saan man niya gustong pumunta,” utos pa nito. “Ay naku hindi na po kailangan. Okay lang po ako. Baka sa cabin nalang po ako mag-stay pagkatapos dito,” ang maagap niyang protesta. “Wala namang gagawin si Jason, hayaan mo siyang samahan ka,” si Mama Loida na iwinasiwas pa ang isang kamay. “halina kayo sa komedor at baka lumamig pa ang pagkain at kape,” pagkasabi noon kumilos na ito kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang sumunod. Sa hapag ay pinaupo siya ni Mama Loida sa silyang nasa kaliwa nito, katapat ng silya na okupado ni Jason. Hindi sana niya gustong maapektuhan sa mga napapansin niyang panakaw na sulyap sa kaniya ni Jason pero dahil nga sa nakaraan nilang dalawa ay hindi niya maiwasan. “Kung okay lang sa iyo anak pwede ba akong magtanong?” si Mama Loida nang nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagkain. Nilingon niya ang ginang saka nginitian. Pagkatapos ay wala sa plano siyang napalingon kay Jason na nagkataon namang nakatingin pala sa kaniya. Hindi niiya maintindihan pero ayaw niya bigyan ito ng pagkakataon na magkaroon ulit sila ng eye contact katulad kanina kaya mabilis niyang iniiwas ang paningin mula rito. “Oo naman po,” sagot niya sa tanong ni Mama Loida kanina. “Ano bang pinagkakaabalahan mo sa buhay?” tanong nito sa kaniya. “Chef po ako, ako rin po ang nagma-manage sa bakery namin ng nanay ko,” sagot niya saka ipinagpatuloy ang pagkain pagkatapos. “Napaka-swerte naman ng nanay mo sa iyo. Kung hindi mo mamasamain gusto ko lang malaman, may nobyo ka na ba?” “Nay,” saway ni Jason sa ina nito. “Tumigil ka at hindi ikaw ang kinakausap ko!” ang mataray nitong sita sa anak saka siya nakangiting binalingan. Magkakasunod na umiling si Jenny. Pero hindi parin niya napigilan ang matawa dahil sa nakikita niyang katarayan ng babae sa anak nito habang napakalambing naman nito sa kaniya. “Wala po,” pagsasabi niya pa ng totoo. “Ganoon ba, pareho pala kayo nitong si Jason,” wika ni Mama Loida. Sukat sa sinabing iyon ng ginang ay kusa siyang napalingon kay Jason na nang mga sandaling iyon ay humihigop ng kape sa tasa nito. Pero kahit pa ganoon at tahimik itong nakikinig lang sa usapan nila ay nakikita niyang titig na titig ito sa kaniya mula sa rim ng gamit nitong tasa. Nagpunta siya dito sa Baguio para kalimutan ang hindi magandang ginawa sa kaniya ni Ryan. Pero malayong-malayo sa expectation niya na dito rin niya muling makikita ang lalaking una niyang minahal at unang nanakit at pumatay ng puso niya. “Ah, Mama Loida, salamat po sa breakfast pero kailangan ko na pong bumalik sa cabin,” aniyang sinulyapan ang suot na relo. “kailangan ko pa po kasing tawagan ang nanay ko,” pagkasabi noon ay tumayo na siya. “Ganoon ba, ay teka, nabusog ka ba?” ang pahabol na tanong ng matanda. Tumango siya saka iniwasang sulyapan si Jason. Kahit kung tutuusin sa sulok ng kaniyang mga mata ay ramdam parin niya ang mga titig nito sa kaniya. At iyon ang totoong dahilan kung bakit pinili niyang magpaalam niya. “Mauuna na po ako,” ang muli niyang sambit bago tuluyan nilisan ang komedor. ***** NAKAHINGA ng maluwag si Jenny nang makapasok siya sa loob ng kaniyang cabin. Kung bakit ganito katindi ang discomfort na nararamdaman niya ngayon, hindi niya alam. Aware naman siya na nanatili si Jason sa puso at isipan niya. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi ang discomfort na ibibigay sa kaniya ng binata sa muli nilang pagkikita. Hindi rin kasi niya inasahan na magkikita pa sila. And to think na binata pa ito hanggang ngayon? Kung hindi siya nagkakamali ay mahigit thirty na ang edad nito. Mula kasi nang mamatay si Daniel at nalaman niya ang totoong feelings ni Jason para kay Ara ay umalis narin siya sa unibersidad na pinapasukan nila. Dahil nawala ang scholarship niya. Napabayaan kasi niya ang pag-aaral niya dahil hindi niya kinaya ang depression na pinagdaanan niya nang makipaghiwalay siya kay Jason. Sa isiping iyon ay naiiling napaupo ang dalaga sa gilid ng kama para lang mapakislot nang marinig ang makakasunod na katok mula sa pintuan ng kaniyang cabin. Kumakabog ang dibdib niyang tinungo ang pintuan. Parang alam na niya kung sino iyon at hindi nga siya nagkamali. “J-Jason,” anas niya habang nakatingala sa kung tutuusin ay pinakagwapong lalaking nakilala at nakita niya. Maganda ang ngiti na pumunit sa mga labi nito. “Coffee? Napansin ko kasi hindi mo naubos iyong nasa mug mo kanina, kakaiwas mo sa akin,” anito saka iniabot sa kaniya ang isang mug na may lamang kape. “Kakaiwas?” iyon ang sa halip ay nasambit niya. Mataman lang siyang tinitigan ni Jason pero nasa mga mata parin nito ang amusement. “May I come in?” tanong pa nito. Hindi siya sumagot at sa halip ay tinanggap ang mug ng kape saka pinatuloy si Jason sa sala ng cabin. Ilang sandaling nakiraan ang katahimikan sa kanila hanggang sa tila ba hindi nakatiis si Jason at ito narin mismo ang bumasag doon. “Alam mo bang matagal na kitang hinahanap sa social media?” simula ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD