Chapter 15

1656 Words
MAHIGIT dalawang oras nang nakatitig sa kawalan si Autumn. Pagkatapos ng mga nalaman niya kanina ay hindi pa siya dinadalaw ng antok. Sinubukan niyang iwaglit sa isipan ang lahat ngunit patuloy lamang siyang ginugulo ng mga ito. Nang hindi na nakapagtiis pa ay nagpasya na siyang bumangon. Pasado alas onse na ng gabi kaya gusto niyang umakyat sa rooftop. Hinahanap-hanap na ng kanyang katawan ang buwan at hindi kumpleto ang gabi kapag hindi siya tinatamaan ng sinag nito. Patay na ang ilaw nang lumabas siya ng kuwarto. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa tumapat sa silid ng kapatid niyang si Winter. Agad siyang natigilan nang marinig ang mga mumunting ingay na nanggagaling dito. Umikot ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ng dalawa. Gaya ng sinabi ng kanyang kapatid ay hindi umuwi si Burn at dito na nagpalipas ng gabi. Sa silid ng Kuya niya ito tumuloy. “Ang ingay n’yo,” aniya at bahagyang sinipa ang pinto. Alam niyang hindi gano’n kalakas ang ginawa niyang pagsipa kaya labis niyang ikinagulat nang bigla na lamang itong nabuwal. “Bunso, ano’ng ginawa mo?” gulat na tanong ng kapatid niya at agad na binalutan ng kumot ang nakahubad na si Burn. Sa isang iglap lamang ay nakasuot na ito ng pang-ibaba. Naglakad ito palapit sa kanya at gamit lamang ang isang kamay ay nagawa nitong itayo ang bumagsak na pinto. Nilingon nito si Burn na agad na naglabas ng mahika. Walang kahirap-hirap nitong naikabit ang pinto. “Ang ingay n’yo kasi, Kuya. Abot hanggang kabilang kanto ang lampungan n’yo,” wika niya. “Malakas lang talaga ang pandinig ng mga bampira kaya akala mo maingay kami. Bakit ba kasi nasa labas ka pa? Matulog ka na,” utos nito. “Hindi ako makatulog kaya lalabas na muna ako. Siya, ipagpatuloy n’yo na ang ginagawa n’yo. Hiyang-hiya naman ako sa inyo.” Inikutan niya ng mata ang mga ito bago umakyat sa attic. Doon siya dumaan para makarating sa rooftop. Maliwanag ang sinag ng buwan nang makarating siya sa rooftop. Agad siyang naupo sa sahig at pinagmasdan ang buong paligid. Naagaw ang kanyang pansin ng liwanag na nanggagaling sa likod ng bahay. Sinipat niya itong mabuti ngunit hindi niya mawari kung ano ang nagliliwanag na iyon. Dahil bago sa paningin ang nakikitang liwanag ay mabilis siyang bumaba ng rooftop. Tinungo niya ang kakahuyan sa likod ng bahay at tahimik na sinundan ang ilaw. Ilang minuto rin siyang naglakad bago tumigil sa harapan ng isang portal. Katulad ito mismo sa portal na ginawa ni Burn kanina. Bigla siyang nagtaka. Paano nagkaroon ng ganitong bagay sa likod ng kanilang bahay? At bakit ngayon lamang niya ito nakita? “Saan kaya papunta ang portal na ito?” tanong niya sa sarili. Hindi niya maintindihan pero parang may kung anong klase ng puwersa ang humahatak sa kanya na pumasok sa lagusan. Saglit na nabaling ang kanyang tingin sa daan palabas ng gubat. “This is going to be an amazing adventure,” nakangisi niyang sabi. Bigla siyang umiling. Hindi siya puwedeng kumilos nang basta-basta. Walang may alam na nandito siya sa lugar na ito. Paano kung bigla siyang mapahamak? “I am a vampire. . .” aniya bago humakbang papunta sa portal. “. . .and a Princess,” dagdag niya at muling humakbang. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa tuluyang lamunin ng lagusan ang buo niyang katawan. Nyebe. Ito ang unang bumungad kay Autumn pagkapasok niya sa portal. Hindi katulad sa labas ay maliwanag ang sikat ng araw sa buong lugar. Nagsimula siyang maglakad sa ibabaw ng yelo at halos mapasinghap siya nang makitang walang kahit na ano ang gumagalaw sa paligid. Pakiwari niya ay nasa Antarctica siya o kaya ay North Pole. Ipinagpatuloy ni Autumn ang paglalakad at nawili siya sa pagmamasid sa buong paligid kaya hindi niya napansin na malayo na siya sa lagusan. Mas lalo pang naagaw ang kanyang pansin nang biglang umulan ng snow flakes. Inangat niya ang kaliwa niyang kamay at nakangiting sinalo ang mga ito. Natigilan siya sa ginagawa nang biglang makarinig ng mga kaluskos sa hindi kalayuan. Umikot ang kanyang paningin at agad na hinanap kung saan nanggaling ang ingay na ‘yon. Malakas siyang napamura nang makita ang biglang pagsulpot ng mga hayop na sa hula niya ay mga lobo. Tama, pinapalibutan siya ng mga werewolves. “Sh*t!” bulalas niya at agad na umatras papunta sa malaking puno. Nagpatuloy sa paglapit sa kanya ang mga lobo kaya hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Naglalabasan ang mga matatalas nitong pangil at anumang oras ay handa na siyang lapain. Pinakalma ni Autumn ang sarili bago ipinikit ang kanyang mga mata. Kailangan niyang mailabas ang kanyang kapangyarihan. Wala na siyang ibang maasamahan sa ngayon kundi ang kanyang sarili. Naimulat niya ang kanyang mga mata nang marinig ang sabay-sabay na pag-alulong ng mga lobo. Wari’y may tinatawag ang mga ito. Baka ang kanilang Alpha. Humakbang siyang muli at malakas na napasigaw nang bigla na lamang siya lumambitin nang patiwarik sa sanga ng malaking puno. Napamura siya at pilit na inabot ang kanyang mga paa ngunit hindi niya magawa. Marahil ay may mga bitag na nakakalat sa buong lugar. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nag-atrasan ang mga lobo. Mula sa likod ng puno kung saan siya nakatiwarik ay lumabas ang isang lalaki. Nakasuot ito ng pulang coat at bahagyang nakayuko. Pilit niyang sinilip ang mukha nito ngunit wala rin siyang napala. Nang humakbang ang lalaki palapit sa kanya ay mas lalo namang umatras ang mga lobo. Wari’y takot ang mga ito sa lalaki. “Who are you? Pakawalan mo ako rito,” utos niya. Hindi nagsalita ang lalaki, bagkus ay humarap ito sa mga lobo at sumenyas na ayos lang ang lahat. Agad naman na kumalma ang mga ito at parang tuta na biglang napaupo sa lupa. “You must be one of them,” aniya. Humarap ang lalaki sa kanya at agad na tumigil nang magtapat ang kanilang mga mukha. Tanging ang mapupula lamang nitong mga labi ang kanyang nakikita. Naipilig niya ang kanyang ulo. Bakit pakiramdam niya ay kilala niya ito? “Anong—” gulat niyang sambit nang biglang dumampi ng labi ng lalaki sa kanyang labi. Hindi na niya nagawa pang kumontra at kusang naipikit ang kanyang mga mata. Bumilis sa pagtibok ang kanyang puso. Sa iisang nilalang lamang siya nakakaramdam nang ganito. “Blaze. . .” sambit niya nang pakawalan nito ang kanyang mga labi. Hindi siya puwedeng magkamali. Ang init, lambot at lasa ng mga labi nito. Kay Blaze lamang niya natikman ang gano’ng klase ng halik. “Ako nga, Prinsesa,” sagot nito at agad siyang sinalo. Naputol ang taling nasa paa niya kaya napakapit siya sa leeg nito. Dahan-dahan siyang ibinaba ni Blaze at marahang inayos ang magulo niyang buhok. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya. “Binibisita ko ang mga Veracastrian na nakatira sa Kaharian n’nyo, Prinsesa” sagot niya. “Kaharian namin? Ang Benicastrum?” bulalas niya. Muli niyang iginala ang kanyang paningin. Buong akala niya ay nasa Antarctica siya o kaya’y sa North Pole. Hindi niya akalain na ito pala Kaharian ng Benicastrum. “Wala kayong dapat na ipag-alala. Siya ang inyong Prinsesa, si Prinsesa Autumn,” sabi ni Blaze sa mga lobo. Nagulat siya nang makitang yumuko ang mga ito sa kanyang harapan. “Maaari na kayong bumalik sa mga puwesto n’yo,” utos ni Blaze kaya mabilis na nagsipagtakbuhan ang mga ito palayo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Autumn. Mabuti na lang at nakaligtas siya sa mga nilalang na ‘yon. “Natakot ka ba?” tanong ni Blaze nang mabaling ang tingin nito sa kanya. “Not really,” pagsisinungaling niya at nagsimulang humakbang pabalik sa lagusan. Kailangan na niyang umuwi at baka hinahanap na siya sa bahay nila. “Saan ka pupunta? Ayaw mo bang mamasyal? I can show you around,” alok nito saka siya hinabol. Natigilan si Autumn. Tutal nandito na siya sa Benicastrum, mas mainam na rin siguro na makita niya ang kanilang kaharian. “Okay,” sagot niya. Ngumiti si Blaze saka inalok ang kanyang kamay. Nakataas ang kilay na pinagmasdan niya ito. “Ayaw mo bang makarating agad sa Kaharian? Sige, puwede naman tayong maglakad,” sabi nito at nauna nang maglakad. Sinundan na lamang niya ito. “Naalala ko lang, ‘di ba apoy ang kapangyarihan mo? Paanong nakakatagal ka rito sa lugar na punong-puno ng yelo? Akala ko ba takot ka sa yelo?” tanong niya. “Ginawa ng mga pinakamahusay na mangkukulam ang coat na ito. Nilagyan nila ito ng spell nang sa gano’n ay maka-adjust ang temperatura ng katawan ng mga Veracastrian dito sa Benicastrum,” paliwanag nito. Marahan siyang tumango. “How about the werewolves? Akala ko ba mortal na kaaway ng mga bampira ang mga lobo? Gano’n kasi ang napapanood ko sa mga movie,” pagpapatuloy niya. “Dati rin namang magkaaway ang mga bampira at lobo. Ngunit dahil sa iyong ama, nawala ang hidwaan sa pagitan ng dalawang lahi. Maraming mga itinapong lobo ang tinanggap dito sa Benicastrum. Ang kaharian n’yo ang nagsilbi nilang bagong tahanan. Kaya para makabawi sa ginawang kabutihan ng iyong ama ay nagsilbi silang tagabantay ng lagusan laban sa mga nilalang na nagbabalak na pasukin ito.” “Kaya naman pala sinugod nila ako, cause I’m an intruder,” wika niya. “Hindi ka lang nila nakilala kaya gano’n ang naging reaksyon nila. Pero huwag kang mag-alala, sa susunod na pupunta ka rito ay hindi ka na nila susugurin pa,” natatawa nitong sabi. “Do you think makakabalik pa ako rito?” tanong niya. “Of course! Ikaw ang Prinsesa ng mga Benicastrian, nararapat lang na bumalik ka sa Kaharian n’yo.” Isang tipid na ngiti ang iginawad ni Autumn. Sana nga ay makabalik ulit siya sa lugar na ito. At sana, magawa niyang panindigan ang pagiging Prinsesa ng mga Benicastrian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD