Chapter 3

1759 Words
TAHIMIK na nakatuon ang pansin ni Autumn sa labas ng bintana. Pinapanood niya ang pagbagsak ng malakas na ulan at ang paghampas ng malakas na hangin. Hindi niya napigilan ang mapabuga nang malalim na paghinga. Biglang sumagi sa isipan niya ang kanyang pamilya. Namimiss na niya ang mga ito. Ilang araw na lang at weekend na kaya makakauwi na rin siya sa bahay nila. Napasinghot si Autumn nang maamoy ang nilulutong adobo ni Burn. Bahagya niya itong nilingon na abala sa ginagawa. Nakasabay niya kanina ang mga ito sa panananghalian. Dinala siya ng apat sa maliit na cottage na ayon sa mga ito ay tambayan lamang ng mga Veraguaz. Yes, they’re the Veraguaz, ang apo ng may-ari ng Crescent University na si Fury Veraguaz. Ngayon ay batid na ni Autumn kung bakit gano’n na lang kung sambahin ni Lala at ng buong gang niya si Burn, dahil apo pala ito ng may-ari ng Unibersidad. Ayon sa mga sinabi ni Burn kanina ay kapatid nito si Flame. Thunder naman ang pangalan ng kakambal ni Lightning. At ayon pa sa mga ito ay mayroon pa silang pinsan na nag-aaral din si Crescent University, si Blaze Veraguaz. Hindi niya nakilala si Blaze dahil ayon sa mga ito ay kung saan-saan daw ito pumupunta at minsan lang din nagpapakita. Simula nang makilala ni Autumn ang mga Veraguaz ay naging curious na siya. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay may kakaiba sa mga ito. It seems like they’re not— “Mortal.” Napalingon si Autumn nang marinig ang boses ni Lightning. Tinaasan niya ito ng kilay nang ituro nito ang nakahandang mesa. They’re about to have dinner. “Autumn, halika na. Kumain na tayo,” nakangiting sabi ni Burn. Umikot ang mga mata ni Autumn at agad na tumalikod. Ipinagpatuloy niya ang pagtitig sa labas ng bintana. Saka na lang siya pupunta sa Cafeteria kapag tumila na ang ulan. Hanggang alas nuwebe pa naman ng gabi nagsasara ang cafeteria. Napapitlag si Autumn nang bigla siyang hilahin ni Lightning paupo sa mesa. Pinagbalingan niya ito tingin. She’s now convince. Hindi ordinaryo ang lakas na mayro’n ang magpinsang ito. Una, si Burn. Now, Lightning dragged her as if she’s just a piece of paper. Ramdam niyang may mali sa mga nangyayari. At hindi siya titigil hanggang sa hindi nabibigyan ng kasagutan ang mga tanong niya. “Kumain ka ng marami, Autumn. Masarap itong adobo ko,” nakangiting sabi ni Burn saka nilagyan ng kanin ang plato niya. NAGHANDA na sa pagtulog si Autumn at agad na sumampa sa kama. Pinagbalingan niya ng tingin ang dalawang babae. Abala sa pag-aaral si Burn, samantalang naghuhubad naman si Lightning. Lightning has a unique sleeping habit. Hindi ito makatulog nang hindi naghuhubad. Napailing na lamang siya. Paano na lang kapag bilang nagkasunog o kaya ay pasukin sila ng mga magnanakaw? Ibig sabihin, makikita rin ng lahat ang buo nitong katawan? “Stup*d. Kaya may mga lalaking gustong pasukin ang dorm, kasi natutulog nang nakahubad,” bulong ni Autumn. Sabay na nabaling ang tingin nina Burn at Lightning sa kanya. “What?” tanong niya nang mapansin ang mapanuring tingin ng mga ito. Bumalik sa pag-aaral si Burn samantalang nanatili namang nakatingin si Lightning sa kanya. Imposible na narinig ng mga ito ang sinabi niya. She’s whispering under her breathe. “Matulog ka na, mortal kung ayaw mong ilibing kita nang buhay,” ismid ni Lightning at agad na sumampa sa kama. Nahiga na rin si Autumn at tumitig sa kisame. Sana ay makatulog siya nang maayos ngayong gabi. NAALIMPUNGATAN si Autumn nang marinig ang pagtunog ng kanyang cell phone. Nakapikit na inabot niya ito mula sa side table at agad na sinagot. “Hey, Autumn. Gising ka pa ba? Lumabas ka muna, bunso. Find some place na matatamaan ka ng sinag ng buwan. It’s full moon, kaya bilisan mo.” Nahampas ni Autumn ang unan sa tabi niya nang marinig ang boses ng pinsan niyang si Winter. Ginugulo na naman nito ang mahimbing niyang tulog. “Bakit ba ang hilig-hilig mo akong palabasin tuwing full moon, Kuya Winter? Mukha ba akong bampira?” naiinis niyang tanong. Simula noong mga bata pa lamang sila ay nakaugalian na nilang dalawa na lumabas ng bahay at umakyat sa rooftop para magpatama sa sinag ng buwan tuwing full moon. Halos sa rooftop na nakakatulog si Autumn. Binubuhat na lamang siya nito pabalik sa kuwarto niya kapag sumapit na ang madaling araw. Hindi niya alam kung bakit iyon ginagawa ng pinsan niya. Sa tuwing tatanungin niya ito, ngingiti lang ito at sasagot ng “pampalakas”. Sa totoo lang ay hindi lakas ang nakukuha ni Autumn kundi puyat at pagod. Tanghali na tuloy siya nagigising dahil sa ginagawa nito. “Bunso, the time is ticking. Bilisan mo na.” “Fine, palabas na ako,” pagsisinungaling niya. Tinakpan ni Autumn ng unan ang kanyang mukha. Hindi naman siya nito nakikita kaya bakit pa siya mag-aabalang lumabas? “Bunso, galaw-galaw. Bumangon ka na.” “Naglalakad na ako.” “No, you’re not.” “Yes, I am.” “May unan ka pa sa mukha.” “What?! How did you know?” gulat niyang tanong at agad na bumangon. Paano nito nalaman ang ginagawa niya? Nakikita ba siya nito? Imposible! “Bilisan mo na,” natatawang sagot ni Winter. Napabuga ng malalim na paghinga si Autumn. Wala na siyang nagawa pa kundi ang bumangon. Inabot niya ang kanyang jacket at naglakad palabas ng silid. Mabuti na lang at malapit lang ang rooftop sa kuwarto nila kaya ilang minuto lang ay nakarating agad siya rito. Agad na tumaas ang kanyang kilay nang makitang hindi naka-lock ang pinto ng rooftop. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit may mga lalaking nakakapasok sa dorm nila. Gaya nang inutos ng pinsan niyang si Winter ay naghanap ng magandang puwesto si Autumn kung saan ay matatamaan siya ng sinag ng buwan. Napili niyang maupo sa bench at agad na hinubad ang suot niyang jacket. Basa pa rin ang mga bench sa katatapos lang na pag-ulan kaya ginamit niya ito sa pag-upo. Malakas rin ang hampas ng hangin subalit nakakapagtaka na hindi man lang nakakaramdam ng lamig si Autumn. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang manuot sa kanyang kalamnan ang sinag ng buwan. Napasinghap si Autumn nang makaramdam ng kakaibang pakiramdam. Parang may kung anong enerhiya ang pumapasok sa loob ng katawan niya na nanggagaling mismo sa sinag ng buwan. Napakasarap nito at pakiramdam niya ay unti-unti siyang lumalakas. “Nagustuhan mo ba, Prinsesa?” Agad na naimulat ni Autumn ang mga mata niya nang marinig ang boses ng isang lalaki na nagsalita mismo sa gilid ng tainga niya. Umikot ang paningin niya sa buong rooftop. Bukod sa kanya ay wala ng iba pang naroroon kaya saan nanggaling ang boses na ‘yon? “Tulong!” Isang malakas na sigaw ang narinig ni Autumn. Saglit siyang nakiramdam. Nang marinig niyang muli ang pagsigaw ng tulong ay mabilis siyang tumakbo papunta sa dulo ng rooftop. Dumungaw siya sa ibaba. Bagaman ay madilim ang paligid pero malinaw na nahagip ng paningin niya ang tumatakbong lalaki papasok sa masukal na bahagi ng kagubatan ng Crescent University. Panay ang lingon ng lalaki habang tumatakbo kaya iginala ni Autumn ang kanyang paningin. Wala siyang nakikitang kahit na anong humahabol dito. Maaring lasing lamang ang lalaki o kaya ay naka-drugs. “Stup*d,” bulong ni Autumn nang tuluyang mawala sa paningin niya ang lalaki. Nagpasya siyang bumalik sa puwesto niya at muling pinagmasdan ang maliwanag na buwan. Bigla niyang naalala, nasa kabilang linya pa rin pala ang pinsan niyang si Winter. “Hello, Kuya Winter? Nandiyan ka pa ba?” “Nandito lang ako, Bunso." “Where are you now, Kuya?” “Rooftop.” “Kuya Winter, bakit ba talaga tayo lumalabas tuwing full moon? Ano ang mayro’n sa buwan na pakiramdam ko ay may kung anong enerhiya ang pumapasok sa loob ng katawan ko? Kuya, ano ba ‘tong nararamdaman ko?” gulong-gulong tanong ni Autumn. Matagal na natahimik sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi ng pinsan niya ang totoong dahilan kung bakit nila paulit-ulit na ginagawa ang bagay na ‘to. Sumasama lang naman siya noon dahil sa kuwento nito tungkol sa isang prinsesa na nawalan ng kapangyarihan at tanging ang sinag ng buwan lamang ang tanging paraan upang maibalik ang nawawala nitong kapangyarihan. Sa loob ng maraming taon, Winter made her believed that she was that princess. At kaya sila nagpapatama sa sinag ng buwan tuwing full moon ay para ibalik ang nawawala niyang kapangyarihan. Alam ni Autumn na kuwentong pambata lamang iyon. Alam niya na mayro’n pang malalim na dahilan kung bakit nila patuloy na ginagawa ang bagay na ito. Pero ang pinsan niya, mukhang wala talaga itong balak na sabihin sa kanya ang totoo. “Kuya Winter, are you still there?” tanong ni Autumn makalipas ang ilang minutong katahimikan. “Ouhm.” “What’s wrong, Kuya? Bakit ka natahimik?” “Masaya lang ako, Bunso. After how many years, ngayon mo lang naramdaman ang buwan. Tama si Dad, Crescent University is the right place for you.” Muling kumunot ang noo ni Autumn. Hindi talaga niya maintindihan ang sinasabi nito. Masyadong maraming sikretong tinatago ang pinsan niya. Gaya na lang ng pagtawag nito ng bunso sa kanya. They’re cousins but he’s calling her “bunso” as if she’s really his younger sister. Hindi niya ito masisisi. Simula nang magkaisip siya ay silang dalawa na ang magkasama. Halos kapatid na ang turing niya rito. Kahit pa na marami itong tinatago sa kanya, ang pinsan lamang niyang si Winter ang pinagkakatiwalaan ni Autumn. Alam niya na darating ang araw na sasabihin din nito ang lahat sa kanya. At maghihintay siya. Hihintayin niya ang araw na magiging handa na ito. Nagkuwentuhan lang silang dalawa ni Winter ng kung anu-ano hanggang sa sumapit ang madaling araw. Inutusan na siya nitong bumalik sa silid niya at magpahinga. Hindi napigilan ni Autumn ang mapangiti nang makabalik siya sa higaan niya. Iba ang pakiramdam niya ngayon. She feel strong. Marahil dahil may nakausap siya na isang miyembro ng pamilya niya. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot at pananabik niya sa mga ito. Muling napangiti si Autumn bago ipinikit ang kanyang mga mata. Kailangan na niyang magpahinga para sa panibagong araw na naghihintay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD