CHAPTER 58 ANGIE's POV: "Umalis ka na Angie. Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo. — Simula sa araw na ito, kakalimutan kong nagkakilala tayo." Ito ang huling katagang sinabi ni Arthur matapos niyang paniwalaan si Andrea. Parang gumuho ang mundo ko dahil hindi niya man lang ako hinayaan na magpaliwanag. Gusto ko siyang habulin — pero pinangungunahan ako ng takot. Natatakot ako kung paano ko magagawang suyuin siya gayong tuluyan na siyang nagpalamon sa galit. Wala tuloy ako na ibang sinisi ngayon kundi si Andrea. Ang siyang puno't dulo ng lahat ng aking dinaranas ngayon. Malakas namang sampal ang ginawa ko sa babae. Hindi lang isang sampal, dahil kaliwa't kanan kong pinagpalitan ng aking palad ang kanyang magkabilang pisngi. "Kahit kailan talaga napakahayop mo Andrea. Ang hilig m