Chapter 59 Sir Arthur's POV: KAHIT anong pagmamakaawa ni Angie ay hindi ko siya pinakinggan. Ang pagluluhod niya sa harapan ko ay hindi ko rin pinansin. Bagkus, ay lalo ko siyang pinagtabuyan para lang umalis ng mansion. At nung hindi pa siya nakinig sa akin, pinakuha ko na ang dalaga sa mga guards para lang ilabas siya ng aking kwarto at tuluyang makaalis sa pamamahay ko. Ito ang rason kung bakit ayoko sa mga taong sinungaling. Dahil kahit anong paliwanag ang gawin nila, mangingibabaw sa dibdib ko ang galit. I can't control my emotion. Madali ko ring kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin, kapag umiiral ang galit sa puso ko. Hindi ko lang kasi lubos maisip na yung babaeng pinatulan ko ay siya rin pala na naging kasintahan ng anak ko. Masyado nga yatang maliit ang mundo para sa ami