CHAPTER 57 ARTHUR's POV: "Bukas ko na lang pirmahan ang iba. I need to go home. My fiance is waiting for me," saad ko sa aking sekretarya nang ihinto ko ang aking ginagawa. Maraming mga papeles ang siyang nakapatong sa mesa ko at kung hindi ako magkakamali, lahat nang ito ay kailangan kong lagdaan. Kaya lang hindi ko na kayang tapusin pa ito. Masyado ng nangangalay ang kamay ko. Bukod do'n ay atat na akong umuwi para lang makita si Angie. Ganito na yata kalalim ang pagmamahal ko sa aking fiance. Gusto kong nakikita siya lagi at nakakasama. "Pero sir Arthur, kailangan na po 'yan bukas. Baka pwedeng paglaanan mo naman po ng oras ang mga dokumento," wika ng aking sekretarya. "My fiace is waiting for me. Hindi mo ba naintindihan 'yon?" pag-uulit kong sabi at ngayon ay seryoso ko siyang