CHAPTER 5

1540 Words
Chapter 5 ANGIE's POV: NANG MAKABALIK ako sa bahay ay umaapaw ang pag-alala ni nanay sa akin. Kahit sino naman na ina ay ganito ang magiging reaksyon kapag yung anak mong umalis nang buong-buo ay palyado nang umuwi sa bahay. "Jusko naman Angeline, ano bang nangyari sa'yo at naging ganyan ka? Sino ba ang may gawa n'yan sa'yo? At teka, nasaan ang nobyo mo? Bakit hindi ka niya hinatid?" sunod-sunod na bigkas ni mama na kulang na lang ay mabuo niya ang WH questions. "Nay kalma... Okay na okay na po ako. Dahil lang ito sa katangahan ko kaya deserve ko ang nangyari sa akin. Kaya huwag niyo na akong alalahanin pa. Kailangan ko lang daw ng pahinga para bumalik ang dating lakas ko," pahayag ko para sagutin ang mga katanungan niya. Pero yung tungkol kay Mark ang hindi ko nagawang isagot. Botong-boto kasi ito kay Mark at halos close na rin ang dalawa kaya hindi ko magawang sabihin sa kanya ang panlolokong ginawa sa akin ng boyfriend ko. Bukod pa do'n, ang hirap sa sitwasyon ko na sabihin kung sino ang babae ng nobyo ko, gayong pamangkin niya mismo ang sumira ng relasyon namin ng binata. "Eh si Mark, anak? Nasa'n ba siya? Bakit hindi ka niya hinatid?" usal nito at pilit niya pa ring itinatanong ang tungkol sa boyfriend ko. "Hindi ko nabanggit sa kanya ang nangyari sa akin mama, dahil tiyak kong mag-aalala rin siya katulad niyo. Kaya kung maaari lang, ayokong malaman niya ang tungkol sa nangyari sa akin ngayon," saad ko naman at napapaiwas ako ng tingin sa aking ina habang sinasabi ito. Ayoko sanang magsinungaling sa kanya pero ayoko rin na masaktan siya sa sinapit ko sa relasyon namin ni Mark. "Sige ho nay, magpapahinga na ako sa loob. Paano 'yan, pareho na tayong dalawa naka-wheelchair," pagbibiro ko pa dahil pareho kaming nakaupo sa wheelchair na ginagamit namin para makakilos. "Ginawa mo pa talagang katatawanan ang nangyari sa'yo. Pilya ka talaga anak... Oh siya sige na, matulog ka na para makabawi ka ng lakas mo," tanging wika nito kaya tumungo na nga ako sa sarili kong kwarto. Pagkarating ko sa loob ay agad kong hinalungkat ang bag ko para lang i-check ang phone ko kung nadito ba sa loob. Kaso nang tingnan ko ay bumungad sa screen ang pangalan ni Mark. Tadtad ng calls ito galing sa kanya at may isang message ako na nabasa mula rin sa binata. "Are you free tonight, love? Let's talk." Iyan ang mensaheng nabasa ko. Tila alam ko na ang pag-uusapan namin. Sigurado ako na gusto niya ng makipaghiwalay sa akin dahil meron na siyang Andrea sa buhay niya. Pero sa halip na magreply ako, I just turned off my phone. Ayoko muna siyang makausap na ganito ang lagay ko. Kung mag-uusap man kami, sana yung handa na akong tanggapin ang paghihiwalayan namin. Dahil hangga't walang break up na nagaganap mula sa amin, we're still together. At hindi ako pwedeng pumayag agad sa kagustuhan niyang paghihiwalay. Para ko na ring binibigyan ng kaligayahan ang pinsan kong si Andrea kung papayag ako sa pakikipag-break ni Mark. Ayokong mangyari na ako ang maging talunan. PINILI ko na lamang matulog kaysa bigyan pa ng oras ang message ni Mark sa akin. Bahala siya sa buhay niya. Hindi sa lahat ng oras ay siya ang masusunod. SA LALIM at haba ng tulog ko ay kahit papaano ay nakabawi ako ng lakas dahilan para makatayo na ako, kahit wala ang suporta ng wheelchair. Pero laking pagtataka ko naman nang marinig ang ingay mula sa labas ng aking kwarto. Tuwang-tuwa si inay na tila may kausap siya. Kaya agad kong binuksan ang aking pinto upang tanawin kung sino ang kinakausap ni mama. "Happy first Anniversary, my love," malambing na bati sa akin ni Mark nang magtama ang mata naming dalawa. Yes, he's here. Dumalaw siya sa mismong bahay namin. Hindi lang isang bulaklak ang dala niya, bagkus dalawang bulaklak pa. "Hindi kita na-contact kagabi kaya pumunta na ako rito para ibigay 'to sa'yo love. At para na rin batiin kita... Dalawa nga ang binili kong bouquet dahil gusto ko ring bigyan ang nanay mo," pahayag niya na akala mo ay isang santo na walang kasalanan kung magsalita. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa biglaan niyang pagbisita. Pero isa lang ang sigurado ako, nasusuka ako sa ginagawa niyang kaplastikan. After he cheated on me, akala niya yata ay mabubura ng bulaklak ang kasalanan niya sa akin. "Anibersaryo niyo pala ngayon, anak. Ay grabe naman ang pagka-sweet ni Mark sa'yo. Talagang hindi niya kinalimutan yung mismong araw na naging magka-relasyon kayo," saad ni mama na tila kilig na kilig sa pakulo ng boyfriend ko. Pero sa halip na pakinggan ko ang sinabi ni inay ay binalingan ko muli ng tingin si Mark. Isang tingin na puno ng seryoso at galit sa aking mga mata. Halos namumugto ang mata ko kahapon sa kakaiyak ko nang dahil sa kanya. Tapos ngayon, nandito siya para bigyan ako ng bulaklak na tila wala siyang ginawang kalokohan. "I greeted you a happy anniversary love. Hindi mo man lang ba ako iki-kiss?" tanong nito habang hinihintay niya na yakapin at halikan ko siya. Pero panandalian muna akong tumitig sa kanya. Ayoko na maging marupok, kaya pinigilan ko ang sarili ko na huwag magpadala sa mga salita nito. "Umuwi ka na sa inyo Mark. Wala akong panahon makipag-usap sa'yo," malamig na turan ko sa binata at ni hindi ko man lang siya tinawag sa callsign naming dalawa. "Teka lang Angie, what's wrong with you? Ano bang problema mo love at parang ang sungit-sungit mo yata? Do you have a period today?" pagtatanong niya na talagang inakala nito na meron akong dalaw kaya ako nagsusungit. "Stop your nonsense acting, Mark," litanya ko nang talikuran ko siya at bumalik sa kwarto ko. Pero hindi ko inaasahan na susunod siya sa loob. "Angie, let's talk..." pahayag na nito na ngayon ay naging seryoso na ang mukha niya. Sinasabi ko na nga ba. I knew it! It's just an acting dahil nakatingin sa amin si mama. Alam niya kasi na sobrang bait ni mama sa kanya kaya ayaw nitong magalit si inay at magtampo. "Talagang mag-uusap tayo Mark... And I want an honest and straight answer coming from you," madiin na bigkas ko na tila handa na akong itanong sa kanya ang tungkol sa namamagitan sa kanila ng pinsan ko. Bahagya akong napahugot nang malalim na paghinga bago ako muling nagsalita. "May relasyon ba kayo ni Andrea?" matapang na tanong ko sa kanya kahit na alam ko na ang sagot. "Angie..." "Just answer my question, Mark. Oo o hindi lang naman ang isasagot mo," pagalit na turan ko. Ilang segundo bago ito sumagot. Isang sagot na tanging pagtango lang ng ulo ang kanyang itinuran. "Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko Mark?" pagtitimping tanong ko muli habang ang aking kamay kating-kati ng sampalin siya. "I don't know how to answer your question, Angie. Hindi ko kasi alam kung kailan nagsimula ang lahat. Ang tanging naalala ko lang ay nakagawa ako ng isang kasalanan sa'yo dahilan para magbunga 'yon," mahinang saad niya bilang pag-amin nito ng kanyang panloloko. "Nagbunga ang kasalanan mo? Ibig sabihin-- may nangyari sa inyong dalawa ng pinsan ko habang tayo pa? Ibig sabihin, nabuntis mo ngayon si Andrea?" sambit ko na lamang at unti-unti na namang nanlalabo ang mata ko dahil sa mga luhang naiipon sa mata ko. Sa pagtatapat niya ng kanyang pagkakamali ay lalong lumalalim ang poot na nararamdaman ko sa binata. "Kaya nga gusto kong mag-usap tayo Angie, dahil alam ko na kapag hindi ko pa sinabi sa'yo ang tungkol dito ay malalaman mo rin ito sa iba... Pero maniwala ka, totoong minahal kita Angie. Kung ako lang sana ang masusunod, ayokong makipaghiwalay sa'yo. Ayokong iwan ka dahil ikaw talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Kaso hindi gano'n kadali na talikuran ang responsibilidad ko sa batang dinadala ni Andrea. Kailangan ko ring panindagan sila," mahabang pahayag niya na halatang gusto niya nang tapusin ang relasyon naming dalawa. Marami sana akong gustong sabihin kay Mark. Gusto ko siyang pagbuhatan ng kamay. Gusto ko siyang tadyakan, sipain at sampalin. Pero pinili kong pigilan ang pagiging bayolente ko dahil ayokong marinig ito ni inay. "Umalis ka na lang Mark. Umalis ka na at huwag na huwag ka ng babalik sa bahay na ito," puno ng galit na turan ko sa kanya. "Angie..." "Ano pa ba ang hindi malinaw sa sinabi ko, Mark? Hindi mo ba naiintindihan ha?! Umalis ka na sa harapan ko." I said again. Iyan ang huling litanyang lumabas sa bibig ko para lang mapaalis ko siya ng bahay. Nang lumabas siya ng kwarto ay agad akong napaupo sa kama na animo'y nanghihina na naman ang tuhod ko. Muli na namang nagsibagsakan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa mata ko. And at this point, I already found myself crying again because of pain. Sobrang sakit pala kapag nanggaling na mismo sa labi niya kung paano ka niya nagawang lokohin. At hindi lang simpleng panloloko ang ginawa niya, there's now a baby involved. Kaya yung sakit na nararanasan ko ngayon ay naging triple na dahil merong alas na hawak si Andrea upang agawin sa akin nang tuluyan si Mark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD